Chapter 36: SORRY

4.9K 102 53
                                    

A/N: I had a crush on real life Brent a long time ago. I can still picture him leaning against his car. OMG.

Chapter 36: SORRY

“Kumpleto na ba lahat ng gamit mo?” tanong sa’kin ni Anthony habang hawak hawak ang bag ‘ko.

Friday na ngayon ng gabi at kailangan na naming makapunta sa opisina kung nasaan ang mga bus na sasakyan namin papuntang airport para sabay sabay kaming empleyado. Kapag may na-late mamaya sa call time ay hindi na pwedeng humabol. ‘Yun ang rules kaya naman kailangan talaga na maging maaga kami.

Maganda ang rule na iyon dahil parang bonding ng mga empleyado. Kaso hindi pwedeng kasama ng mga boss ang secretaries kaya medyo naiinis ako doon. Sa’ka ‘ko naalala, I’m on the process of moving on kaya dapat lang akong magpasalamat na hindi ‘ko makakasama si Brent sa buong byahe papuntang Palawan then El Nido.

“Oo kumpleto na,” sagot ‘ko sa’ka kami lumabas dalawa. Kanina pa kami nagpaalam sa mga kaibigan ‘ko at napaka rami nilang bilin sa’kin.

Wag kang ma-fafall nanaman.

Sana hindi na bumalik ang feelings mo sakanya.

Mas bet ‘ko si Anthony kasi mukhang love ka nung tao.

Tsaka wag kang gagawa ng katangahan moves.

Wag ka ring iiyak sakanya o magmamakaawa nanaman.

Puro ‘yan ang narinig ‘ko kanina kaya medyo narindi na ako sakanila. Pero wala naman akong ibang ginawa kundi tumawa na lang sa sinasabi ng mga kaibigan ‘ko dahil alam ‘kong may punto sila at hindi ako dapat mainis.

Pinasok ni Anthony ang bag ‘ko sa loob kaya naman napatingin ako sakanya dahil hindi pa’rin siya pumapasok. Tinignan niya ako sa’ka sumandal sa sasakyan niya.

“Anthony, mala-late ako.” Kinakabahan naman ako masyado sa tingin niya dahil para akong aatakihin ng tigre.

“I love you Grace,” aniya kaya naman halos hindi ako makagalaw sa pwesto ‘ko nang sabihin niya iyon. Literal akong napanganga dahil sa pagkakasabi niya na para bang bigla bigla na lang niyang naisip iyon. Mukhang siyang seryoso dahil sa cap na suot suot niya. Nakapamulsa siya habang nakasandal sa sasakyan at nakatingin sa’kin ng deretso. Punong puno ng emosyon ang mukha niya pero wala akong magawa kundi ang titigan lang siya ng matagal dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

Napasinghap ako nang wala sa oras nang hapitin niya ang bewang ‘ko. Agad akong naging alerto doon dahil naalala ‘ko ang mga panahon na si Brent ang may hawak nito. “Anthony...”

Pinagpalit niya kami ng pwesto kaya naman napasinghap ako. Ako na ang nakasandal sa sasakyan niya habang siya naman ay nakalean papunta sa’kin at nakahawak sa sasakyan para sa suporta. “I don’t want him near you.”

Para akong maluluha nang sabihin niya iyon. Gusto ‘ko na siyang mahalin pero nakakaramdam ako ng pandidiri sa sinasabi niya. Hindi ‘ko talaga kayang magpanggap na mahal siya dahil hindi ‘ko siya mahal.

“Anthony, please.” Ayokong sumagot dahil wala naman akong maisasagot sa sinabi niya. Alam ‘kong hindi iyon tanong pero sa panahon ngayon, lahat ng bagay ay meron nang kapalit.

“It’s already driving me insane, Grace. Naiisip ‘ko pa lang na makakasama mo siya ng matagal, selos na selos na ako. And fuck, fuck, I can’t fucking let you go...”

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang sabihin niya iyon. Selos na selos na ako. Gusto ‘kong maiyak nang sabihin niya iyon dahil alam ‘ko ang pakiramdam ng taong selos na selos na. Para kang masisiraan ng utak dahil alam mong wala kang laban doon sa taong kasama niya.

Hanggang Kailan? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon