Chapter 17: LUHA

6.3K 98 22
                                    

NGSBSD -> Hanggang Kailan

Chapter 17: LUHA

Imbis na malungkot ako o kung anu-ano pa man ang isipin ‘ko, mas pinili ‘kong tignan siya at ngumiti. “Thank you!” Tinignan niya ako nang malungkot kaya marahan ‘ko siyang sinampal. “Wag ka ngang ganyan! Okay lang ako!”

“Scar I’m –“

Hindi ‘ko na siya pinatapos. I smacked him sa’ka ako ngumiti. “Okay po ako. Wag ka nang mag-sorry. Dalhin mo na ako sa kwarto para makatulog na tayo.”

Ngumiti naman siya sa’kin. “Yes, girlfriend.”

Kahit pa alam ‘kong peke, tinanggal ‘ko muna lahat nang lungkot ko kaya back to being loka lokang girlfriend nanaman ako ni Brent. Ang saya lang! Pabiro niya akong binagsak sa kama.

“Bigat mo!” sigaw niya.

“Baliw!” sigaw ‘ko ‘rin sa’ka ako umupo sa kama. “Meron akong damit diyan. Ikaw ba?”

Nakatayo lang siya at tinitignan ang buong kwarto. Maganda ito. Dalawang kwarto lang kasi ang bahay nila Janine kasi siya lang naman ang nandito.

“Meron ako sa sasakyan,” aniya.

“Huh? Bakit meron?” taas kilay ‘kong tanong sakanya.

Napangisi naman siya. Yung ngising nang-iinis. “Secret.”

Napa-irap na lang ako sakanya. Loko lokong ‘to. Siguro para kapag may biglaang meeting siya? Or kapag merong biglaang lakad? Babatukan ‘ko siya kapag nalaman ‘kong meron pang ibang dahilan. Naku, talaga naman!

“Kunin ‘ko lang,” pag-papaalam niya kaya naman tumango ako.

Lumabas siya nang kwarto. Napatitig lang ako sa pinto kung saan siya lumabas. Pilit ‘kong inaalis sa isip ‘ko na tatlong araw lang ito dahil alam ‘kong hindi ako magiging masaya.

Grabe Scar. Ano na ba talagang pumasok sa isip mo at hinayaan mo ang sarili mong maging ganito kapangit ang set-up niyo?

Napabuntong hininga na lang ako sa’ka kinuha ang cellphone para matawagan si Lenny. Nagpaload ako kanina bago kami pumunta dito. I dialled her number. Naka-ilang tawag na ako nang sagutin niya.

“Hello?”

“Lenny!”

“Ano?” iritableng tanong niya sa’kin kaya napatikhim lang ako.

“Ayos ka lang ba? Bakit mo binigay mga gamit ‘ko kanila Telle?”

Huminga siya nang malalim at nakarinig pa ako nang kaunting halushos bago siya sumagot. “Wag ka nang bumalik dito. Mainit ang ulo ni Papa.”

“Lenny pupuntahan kita bukas,” desididong sagot ‘ko.

“Hindi na. Hindi kailangan –“

“Okay lang ba kayo?”

“Please naman Grace. Wag kang makulit. Mas mapapahamak ka lang. Hindi naman kami sinasaktan ‘eh. Kaya please? Please lang. Wag ka na munang bumalik.”

Bumaba ang balikat ‘ko sa sinabi niya.

“Sorry Lenny,” ani ‘ko dahil alam ‘ko naman na sinasaktan pa’rin siya ni Uncle. Alam ‘ko naman na ganun na lang lagi.

“Wala kang kasalanan dito. Sige na. Matulog ka na, Grace. Gabi na. Text na lang kita kapag okay na.”

“Lenny –“

Hindi na ako nakapagsalita dahil pinutol na niya agad ang linya. Napabuntong hininga na lang ako dahil doon. Kahit minsan masungit sila tita’t Lenny, hindi nila ako pinabayaan. Maaring nasaktan nila ako sa sobrang galit pero hindi nila ako pinabayaan.

Hanggang Kailan? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon