Chapter 33: FINAL

5.3K 99 29
                                    

A/N: Pwede bang umiyak sa inyo? I feel so... Damn it. Anyway, sorry for not updating yesterday. I’ve doubled up my medications and drank a lot of coffee. I only got an hour to get my hands on my lappy to write an update. Busy, sorry.

Chapter 33: FINAL

“Anong sabi mo? Nalilito ka?” pag-ulit ng tanong ni Lenny. Lumabas pa ako sa restobar para lang hindi nila marinig ang usapan naming dalawa. Pinatawag ‘ko siya sa’kin dahil kailangan ‘ko siyang kausapin.

Nalilito na ako. Gusto ‘ko ngang sampalin na lang si Brent para lang magsalita siya kung meron ba siyang nararamdaman para sa’kin. Kung sino ba talaga ang gusto niya. Alam ‘ko, alam ‘kong hindi niya gusto si Miss Nicole pero di ‘ko maiwasang hindi masaktan tuwing maalala ‘ko na siya ang tipo ni Brent. Pero si Aryan? Si Aryan ba talaga ang tinutukoy niyang babae na gusto niya?

Naiiyak na ako! Para akong baliw na naguguluhan. Bakit ganun? Pakiramdam ‘ko pinaglalaruan na niya ako masyado.

“Oo. Kasi ‘yung lyrics ‘eh. Ano bang ibig sabihin ‘nun?”

Ni-recite ‘ko pa sa cellphone ‘ko para marinig ni Lenny nang malinaw ang lyrics na sinabi niya. Oo, nakabisado ‘ko agad kahit pa isang beses lang niya sinabi. I can’t give you what you want. And it’s killing me. And I, I’m starting to see... Maybe we’re not meant to be. Nobody wins when everyone’s losing.

Narinig ‘ko ang pagbuntong hininga ni Lenny kaya naman pinakinggan ‘ko pa siya nang maayos. “Grace, ito lang ‘yun. Wag kang mailto dahil maliwanag niyang sinabi na hindi ka niya gusto. At isa pa, hindi porke’t ‘yun ang kakantahin niya ay para na sa’yo agad. Assuming ka naman masyado para isipin na para sa’yo ang lyrics ng kanta.”

Para akong pinukpok sa ulo nang marinig ‘ko iyon. Assuming na nga ako masyado dahil nagre-react ako. “Hay, nalilito lang ako.”

“Wag kang malito. Isaksak mo sa isip mo na hindi ka niya gusto. Truth be told, Grace. Hindi ka talaga niya gusto. Dahil kung gusto ka niya, hindi ka niya pababayaang masaktan. Gago talaga ‘yan ‘eh, no? Pero di lang siya may kasalanan rito. Ikaw ‘rin, Grace. Wag kang tanga. Gago na siya, tanga ka pa. Gagaguhin ka lang niyang lalo kung alam niyang papatol ka sa mga kalokohan niya. Hindi mo napapansin, pinaglalaruan ka nalang niyan. Sorry sa pagiging harsh pero nagsasabi lang ako ng totoo.”

Ramdam ‘ko bawat salita niya. Bawat salita ay parang isang kutsilyo na sinasaksak ako sa dibdib at likod ‘ko. Alam ‘kong totoo lahat ng sinabi niya at alam ‘kong may mali ako dito. Pinilit ‘ko siyang gustuhin ako pero hindi niya talaga kaya. Pumikit na lang ako para pigilan ang luha ‘ko. Agad naman iyong nawala dahil hindi ‘ko kayang umiyak sa harapan ni Brent lalo pa’t alam ‘kong nandito ‘rin si Aryan. Ayokong makita niya akong nasasaktan.

“Pasensya na. Nababaliw na talaga ako.”

Napa ‘tsk’ si Lenny sa kabilang linya. “Alam ‘ko. Nakakabaliw naman talaga sitwasyon mo. Pero wag mo nang isipin kung sino ang gusto niya o kung sino ang babaeng tipo niya. Diba nga move on na? Dapat wala ka nang pake sakanya. Patay malisya ka na dapat.”

“Oo sige. Susubukan ‘ko. Actually, sinusubukan ‘ko naman.” Kanina nga, casual lang ako sakanila at nakikipagtawanan ‘rin habang umiinom. Pinayagan naman ako ni Anthony uminom. Ni hindi ‘ko nga alam kung bakit kailangan ‘ko pang magpaalam pero ginawa ‘ko nalang dahil siya naman daw ang magahatid sa’kin. And besides... Diba susubukan ‘ko nga siyang magustuhan?

“Agree ako diyan. Bigyan mo na lang ng chance si Anthony. Madali ka namang ma-fall diba? Malay mo ma-fall ka pa sakanya at makalimutan mo ‘yang si Brent. Aalis naman ‘yung bwisit na ‘yun diba? Hayaan mo na si Anthony’ng pumasok sa buhay mo.”

Hanggang Kailan? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon