Chapter 27: MOVE

5.3K 103 40
                                    


Chapter 26: MOVE

Hindi ako halos makahinga nang maupo ako sa swivel chair 'ko sa opisina. Hindi 'ko maialis ang isipan 'ko sa mga pangyayari kanina. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa nakita 'ko.

Buong buo ang imahe sa isipan 'ko.

Si Brent, nakaluhod at may luha sa mga mata niya. Nasa sahig siya at nagdudugo nanaman ang kamay niyang nakakuyom. Hindi 'ko nakita ang buong opisina dahil tumigil na ang pagtingin 'ko nang makita si Aryan sa gilid na umiiyak at si Lucas na hindi 'ko mawari ang emosyon.

Naguguluhan na ako. Hindi 'ko na alam ang iisipin 'ko. Bakit siya nakaluhod? Anong meron sakanilang tatlo? Bakit ganun ang senaryo?

Kunot noo akong nagtrabaho dahil isang oras na'y hindi pa 'rin bumabalik si Brent sa opisina. Gusto 'ko sana siyang makita para yakapin.

Napapikit ako. Move on? Seryoso ba na ba 'yun? Move on talaga?

Ihihiga 'ko na sana ang sumasakit 'kong ulo nang mabigla ako sa pagbukas ng pinto. Nanlaki ang mga mata 'ko nang makita 'ko si Brent. Deretso lang ang tingin niya sa opisina niya't hindi ako pinasadahan ng tingin kaya naman bago siya pumasok sa opisina ay tinawag 'ko siya.

"Brent! Brent, wait!" ani 'ko sa'ka ako tumayo at tinignan ang kamay niya na mukhang natuyuan na ng dugo.

"Bakit?" malamig na tanong niya at hindi niya ako tinitignan. "Brent? Is that how you call your boss?"

Nangatog ang mga tuhod 'ko sa sinabi niya. Brent? Is that how you call your boss? Pakiramdam 'ko naman, namuo na nang tuluyan ang mga luha 'ko sa sinabi niya. Ganun ba? Okay, so strangers pala talaga?

Pero kahit na ganun, kahit ganun kalamig ang pakikitungo niya, hindi 'ko siya sinukuan. Binagsak niya ang pinto kaya nagulat ako doon. Hindi pala ako agad naka-sagot sa tanong niya kaya ganun.

Sinubukan 'kong buksan ang pinto niya pero hindi 'ko magawang buksan ito. Napahinga ako nang malalim sa'ka 'ko hinawakan ang pinto at sinandal 'ko rito ang ulo 'ko.

"Okay ka lang ba?" tanong 'ko sakanya pero walang sagot. "Kung kailangan mo ako, nandito lang ako para sa'yo. Kaibigan mo pa'rin naman siguro ako, diba? Kaya hindi mo naman kailangan maging malamig sa'kin."

Hinintay 'ko ang sagot niya kaso wala. Wala ni isang salita akong narinig. Napapikit nalang ako nang maalala 'ko kung paano siya magmaka-awa kay Lucas. Para akong pinapatay dahil ang taong dahilan kung bakit ako nabubuhay sa mundong ito ay nagmamaka-awa sa ibang tao na para bang hawak nito ang buhay niya.

Bumalik ako sa upuan 'ko nang hindi na siya muling sumagot. Ilang beses 'kong tinawag ang pangalan niya at tinanong kung maayos ba siya kaso hindi siya sumasagot. At kailangan 'ko bang mag-give up?

Syempre, oo. Hindi naman siguro niya ako sasaraduhan ng pinto kung kailangan niya talaga ako. Wala na akong magagawa doon pero bakit ganun? Bakit 'yung mga kamay 'ko, kating kating buksan ang pinto niya? Bakit sinisigaw ng puso 'ko na lumapit ako sakanya at yakapin siya? Pero hindi niya ako kailangan.

Hindi ako ang mahal niya.

Hindi ako ang makakahilom ng sugat niya dahil hindi naman ako ang dahilan nito.

Tinignan 'ko muli ang locket. Ito ang paborito 'kong kwintas sa lahat. Kapag binubuksan 'ko, lagi 'kong nakikita ang larawan naming dalawa kung saan nakayakap siya sa likod 'ko at ako naman ay nakayakap sa mga braso niya.

Nagpakawala na lang ako ng isang buntong hininga nang haplusin 'ko ang maliit na larawan ng mga mukha namin at ang ScarSky na naka-ukit dito.

Tinago 'ko muli ito sa dibdib 'ko at nagtrabaho nalang. Maraming gagawin dahil malapit na ang company anniversary. Sigurado akong sasama si Brent doon.

Hanggang Kailan? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon