Chapter 12: LOVE

5.6K 97 17
                                    

Napangisi si Brent sa sinabi ‘ko. Napatingin siya sa gilid at parang natatawa. Hindi ako makapaniwala sakanya. Nagagawa niya pang matawa, umiiyak na ako dito. Ano bang problema niya?

“Alam mo ba ang sinasabi mo, ha?”

Napakuyom ako ng kamay. Alam ‘ko. Desidido ako sa gagawin ‘ko. Kahit konti lang, kahit konting panahon lang, ibigay na niya sa’kin. Pagkatapos ‘nun, mag mo move on na ako.

“After ‘nun kakalimutan na kita.”

Napa-tawa siya. “Bibigyan mo lang ng dahilan ang sarili mo para hindi ako makalimutan.”

“Tatlong araw lang hiningi ‘ko sa’yo Brent!” sigaw ‘ko sakanya kaya naman halos malaglag ang panga niya sa sigaw ‘ko. “After ‘nun, titigilan na kita. We’ll act professional. Wala na akong pake sa’yo ‘nun.”

Napakunot ang noo niya. “Imposible,” aniya.

“Posible. Bigyan mo lang ako ng tatlong araw.”

“You know how much I hate you.”

Sige na. Tadtadin mo na nang saksak ang dibdib ‘ko Brent. Masasanay ‘rin ako dito. Magiging manhid ‘rin ako. ‘Yung tipong, hindi na mabubuo ang araw ‘ko na hindi hinahanap hanap ‘yung sakit.

“Yes I know.”

“If your intention’s to make me fall for you, wag mo nang ituloy. That won’t happen.”

You keep on pushing people away from you... But I won’t let you end this game. You’re making everything complicated, Brent. Simple lang naman. Bakit kailangan pang dumating sa puntong magmamaka-awa ako sa’yo?

“Laro lang naman ‘to para sa’yo diba? Seryoso ako Brent. Okay lang sa’kin na...na sineseryoso ‘ko ang isang bagay na laro lang sa’yo.” Napalunok ako. “Okay lang sa’kin basta pagbigyan mo ako sa tatlong araw na ‘yun.”

“I hate not having liberty,” bulong niya sa’ka siya sumakay sa SUV. Sumakay ‘rin ako sa passenger’s seat niya.

“Please Brent,” pagmamaka-awa ‘ko sakanya.

“Bakit mo ba ‘to ginagawa?”

Tinignan niya ako at kitang kita ‘ko ang galit sa mukha niya. Nagagalit siya at hindi ‘ko alam kung bakit. Hindi ba’t mas mayroon naman akong karapatan magalit?

“Kasi mahal kita! Hindi mo ba alam ‘yun!? At gusto ‘ko man lang maranasan na kahit minsan, napansin mo din ako! Lahat na lang tinutulak mo palayo sa’yo! Ginagamit mo pa si Anthony! Nakikipag-make out ka! Nakikipag laro ka! Wala kang sineseryoso!”

Napa-iyak ako sa sobrang inis at galit sakanya. Tuloy tuloy lang ang luha ‘ko. Ang babaw ‘ko, sorry. Pero sobra na talaga siya. Hindi ‘ko na kaya. Ginagawa ‘ko naman lahat pero sinasadya niya talagang saktan ako.

“Scar,” aniya kaya napahinahon ako. “Madali akong ma-ilang. Madali akong magsawa –“

“Hayaan mo na ako.” Nanunuyot na ang labi ‘ko at lalamunan ‘ko. “Wala akong pakielam kung lokohin mo ako sa unang araw, kung magsawa ka sa ikalawang araw o kung makahanap ka na ng iba sa ikatlo. Basta...basta...hayaan mo lang akong maging girlfriend mo. Iparamdam mo naman sa’kin na akin ka kahit tatlong araw lang. Kaya ‘kong maging bulag, pipi, at bingi para sa’yo.”

Napatingin lang siya sa’kin. Mas lalo akong napaluha. Hindi ako makapaniwalang nasabi ‘ko ‘yun. Hindi niya ako mahal. Kung kanina, tumakbo ako mula sa hospital na ito, alam ‘kong hindi niya ako hahabulin o hahanapin. Pababayaan niya lang ako dahil wala siyang pake sa’kin.

“Sige,” pagpayag niya. Napalunok siya sa’kin sa’ka niya binuksan ang makina ng kotse. Agad ‘kong naramdaman ang lamig. “Pero pasensyahan tayo kung –“

Hanggang Kailan? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon