Chapter 25: LAST

5.5K 113 46
                                    

A/N: Brent always reminds me of him.

Chapter 25: LAST (The Date)

Best Janine:

“Ay di ako aware sa pupuntahan niyo. Itong si Telletot hindi naman binanggit sa’kin. Sige. Wag naman kayo masyadong late umuwi ha. Tipong mga 4am? Wag ganun. Tsaka kiss lang, utang na loob. HAHA! We love ‘ya, Grace! Enjoy~”

Napangiti ako sa text niya kaya agad ‘rin akong nag-reply.

Scarlett Grace Mendoza:

“Hintayin niyo ako bukas. Marami akong kwento. Salamat, love ya all.”

Best Janine:

“Ingat ka ha! Wag tanga.”

Napatawa na lang ako sa sinabi niya kaya naman napasulyap sa’kin si Brent.

“Sinong katext mo?” masugid niyang tanong. Napatingin ako sakanya na nakangiti kaso nakakunot naman ang noo niya kaya napasimangot ako.

“Ba’t biglang ang sungit mo?” nagtatampong tanong ‘ko sakanya kasi nag-iba ang aura niya. Kanina kanta kanta pa siya ng Passenger Seat tapos ngayong akala mo naman meron kang ginawang masama dahil sa kunot ng noo niya.

Tinignan niya ako’t pinatong ang braso sa pintuan ng sasakyan niyang ubod ng ganda.

“Sino nga?” pangungulit niya kaya naman napa-irap nalang ako.

“Bakit? Nagseselos ka ba?” Napangisi ako nang makitang nagulat siya sa tanong ‘ko. ‘Yung gulat niya, unti unti ‘ring napalitan ng ekspresyon na naiinis hanggang sa magkunot nanaman siya ng noo. Parang pinagtagpi na tuloy ang kilay niyang makapal.

“Kapag sinabi ‘kong, oo? Kikiligin ka ba?” pabalik niyang tanong habang nakatitig ng masama sa dinadaanan naming highway.

Napanganga nalang ako. Kapag sinabi ‘kong, oo? Kikiligin ka ba? Halos hindi ako makagalaw nang tignan niya ako sa saglit at ibalik ang tingin sa daan.

Pero naisip ‘ko, kahit anong gawin niya, kinikilig ako. Simpleng pasadahan niya lang ako ng tingin, kinikilig na ako. Paano pa kaya kapag nalaman ‘kong nagseselos siya? O di kaya kapag nalaman ‘kong may nararamdaman na siya para sa’kin? Ano bang dapat ‘kong maramdaman?

“Bakit? Nagseselos ka ba talaga?” masugid ‘kong tanong dahil gusto ‘kong malaman. Lumapit pa ako sakanya ng kaunti para makita ang mukha niyang busangot na ngayon. “Nagseselos ka na ba Brent sa ka-text ‘ko? Ano? May nararamdaman ka na ba sa’kin?”

Napatikhim siya sa sagot ‘ko. Pilit siyang humalukipkip at nag-concentrate sa mabilis niyang pagmamaneho. Panay ang overtake niya sa mga sasakyan kaya napatawa nalang ako.

“You’re driving me insane,” aniya sabay singhap nang may gagong halos mabangga kami dahil sa pag-overtake niya kay Brent. “Fvck!” sigaw niya.

“B–Brent,” kinakabang sabi ‘ko nang bilisan niya ang sasakyan niya at sabayan ang kaninang halos mabangga kami.

Lumiko siya para sa left side niya ang sasakyan. Tinignan niya ang bintana na unti unting buksan. “Pare sa susunod mag-ingat ka!” sigaw niya sabay nakita ‘ko ang isang ka-edaran naming driver.

Merong babae doon sa passenger seat at mukhang girlfriend niya. “Tangina! Ikaw ‘yung ang bagal magmaneho!” sigaw sakanya nung isa na mukhang pinapatigil na ‘din nung girlfriend.

“What the fvck did you say? Bumaba ka diyan!” hamon niya dito kaya nanlaki ang mga mata ‘ko nang biglang bumagal ang mga sasakyan niya.

“Brent please tama na,” sabi ‘ko sa’ka hinawakan niya ang braso ‘ko at hindi na ako pinansin.

Hanggang Kailan? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon