Chapter 57: PART ONE

2.9K 82 34
                                    

Chapter 57: PART ONE

Sobrang natuwa ako sa mga sinabi ng barkada ‘ko at barkada ni Brent. It was an overwhelming feeling at sobra sobra ‘ko itong na-appreciate. Hindi ako makapagsalita kaya naman tumayo si Jaerim at lumapit sa’kin.

“Bakit ka nanginginig?” malamig na tanong ni Jaerim sa’ka ako nagulat nang hawakan niya ang kamay ‘ko at hilahin niya ako papunta sakanya. Nakaramdam ako ng warmth nang yakapin niya ako kaya naman napa-awang ang bibig ‘ko. “Stop shaking like a leaf, Grace. We’re your friends.”

Napapikit na lang ako dahil hindi ako makapaniwala na niyayakap ako ni Jaerim ngayon. “Thanks, Jaerim.” Hinaplos niya ang buhok ‘ko sa’ka ako nginitian kaya naman na-realize ‘ko na kung sino man ang magiging girlfriend niya ulit, she must be worth his smile and world. Itong lalaking ito ang tipo ng sobra magmahal.

Si Jaerim kasi dati, sobrang nerd ng itsura. Pero siya ‘yung tipo ng nerd na semi-bully ‘rin. Marami siyang pinagti-tripan noon lalo na kapag ininis mo siya. Siya ‘yung matalinong bad boy na upperclass sa’min. Si Brent naman, kahit top1 siya tulad ni Jaerim, tahimik lang siya’t hindi bully.

Hindi ‘ko alam kung bakit pero si Jaerim ang pinaka-maamo ang mukha sakanilang lahat. Sa totoo lang, kahit noong nerd pa lang siya’t payatot (dahil hindi naman siya conscious sa mukha niya) gwapo pa’rin siya. Pero ngayon? Hindi ‘ko alam kung paano ‘ko ide-describe ang itsura niya’t lalo na’t wala na siyang salamin.

Hindi ‘ko ‘rin maintindihan pero hindi naman siya nagsisigarilyo o umiinom dati, pero ngayon, napapantayan na niya si Liam. Marami na sigurong nagbago sakanya simula noong nasaktan siya. The way he talked isn’t the same anymore. Hindi naman siya cocky dati tulad nang pagpagka-conceited niya kapag inaasar niya kami lalo na si Telle. Hindi naman siya ganun dati.

Marami talagang nagbabago sa isang tao kapag nasasaktan. Kadalasan kapag iniwan ang isang tao, may isang bagay na sakanila ang otomatikong mawawala. They will never trust the same way again. Ang nasa isip na nila kapag nahuhulog na sila “baka saktan lang ulit ako nito.” They will never love the same way again, it’s either they will love less, or more.

“Isipin mo na lang nung mga bata tayo,” aniya sabay hiwalay sa’kin. Pinatong niya ang kamay niya sa ulo ‘ko’t binigyan ako ng isang ngiti. “Everything will be okay.”

Tumango ako kaya naman lumayo na siya sa’kin. Hindi ako sure... I’m not sure if everything will be okay dahil una sa lahat, hindi ‘ko naman talaga kilala si Anthony. Parang hindi kami schoolmates for six years dahil sa mga nalaman ‘ko. Hindi ‘ko alam kung paano siya gumalaw dahil madali niyang naitago ang lahat.

Pero dahil sakanila...hindi ‘ko maiwasang hindi makaramdam ng confidence na walang mangyayaring masama. Maybe, everything will be okay. Siguro nga magiging maayos ang lahat dahil una sa lahat, marami akong kakampi. Oo, siguro makapangyarihan ang Orellana pero hindi lang naman ‘yun ang kailangan namin.

Isa lang ang kailangan ‘ko ngayon. Si Brent. He’s all I’ve been needing. At ngayong nakuha ‘ko na ang kailangan ‘ko, it’s more than enough. Kung ano man ang mangyari, masaya ako dahil alam ‘kong mahal niya ‘rin ako.

Worth it.

The battle’s worth it.

“Thank you...” sabi ‘ko sakanila sa’ka ako naupo sa couch. “Pero hindi ‘ko pa alam kung anong gagawin natin.”

Tinignan ako ni Lenny kaya naman napatingin ‘rin ako sakanya. “Grace, meron pang problema.”

“Ano ‘yun?” Napakunot bigla ang noo ‘ko dahil alam ‘kong si Lenny na ito. She’s a mixture of Telle and Janine. Kahit pa ‘yung utak niya pang-Telle, ‘yung puso naman niya, pang-Janine.

Hanggang Kailan? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon