Chapter 41: BETTER

4.6K 110 55
                                    


Chapter 41: BETTER

"Naku baka ma-late ako sa mass namin for Mrs. Jena Lopez."

Agad akong bumaba dahil March 30 ngayon at meron kaming healing mass para kay Mrs. Lopez. Buong office iyon. Hindi naman mandatory, kung sino lang ang gustong sumama. Meron kasi siyang sakit kaya napagdesisyunan nila Miss Jillian na mag-offer ng mass para sakanya.

Hindi 'ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam 'ko. Kung ano-ano nanaman napapanaginipan 'ko. Para akong iiyak na bata kapag natutulog at di 'ko maintindihan ang sarili 'ko. Siguro normal lang iyon kaya ayos lang sa'kin. At isa pa, aalis naman na si Brent sa mga susunod na linggo kaya dapat na masanay na ako. Pero sa ngayon, gusto 'ko lang siyang makita. At di 'ko alam kung tama ba 'yun.

"S–Scarlett," nauutal na saad ni Telle kaya naman nagulat ako. Kailan pa siya nautal? Tsaka bakit sila namumutla? Nasa kusina silang tatlo at kumakain ng pancakes.

"Bakit? Anong meron?" tanong 'ko habang nagmamadaling pumunta sa fridge para maghanap ng gatas dahil hindi na ako makakapag-breakfast pa.

"Wala naman."

Tumango na lang ako sakanila sa'ka uminom nang maraming gatas.

"Grace, what time uwi mo?" tanong ni Lenny kaya napatingin ako sakanila.

"Mga hapon na siguro. Meron pa kaming meeting ni Brent sa Taguig 'eh? Kaya baka hapon. Tignan mo nga, Sunday na pero pinagtatrabaho pa 'rin ako ng baliw. Kaso kailangan eh."

Tumalikod ako sakanila at hinugasan ang baso 'ko. "H–Hindi ba maka-cancel ang meeting niyo?"

Pinunasan 'ko ang kamay 'ko matapos akong maghugas sa'ka humarap sakanila na nakakunot ang noo. "Bakit maka-cancel?"

Anong problema nila? Para naman silang kabang kaba. Daig pa nila noong may interview kami. "May problema ba?" dagdag 'ko pa dahil hindi 'ko na sila maintinidhan.

"Wala..." bulong ni Lenny sa'ka sila nagpatuloy kumain.

"Seryoso ba kayo? Ano nga? Meron bang problema?" natatarantang tanong 'ko sakanila dahil alam 'ko naman na meron silang gustong sabihin dahil halatang halata na sa itsura nila.

"Have you ever considered going to the psychologist?" Nabigla na lang ako sa tanong ni Telle dahil nakatingin na siya sa'kin ngayon.

"Hindi 'ko kailangan magpatingin," galit na utas 'ko sakanila dahil para naman akong nababaliw. I'm okay! And I don't need to go to the hospital. Para saan pa? At ano namang magagawa sa'kin ng psychologist? Mabibigyan niya ba ako ng gamot na sobrang effective? Yung tipong kapag ininom 'ko, limot 'ko na siya? Hindi naman diba? So bakit kailangan pa nilang paulit-ulitin itong topic na 'to?

"It's a psychologist, Grace. Hindi naman psychiatrist 'eh."

"At bakit kailangan 'ko?" naasar na tanong 'ko sakanila.

"You always wake up in the middle of the night searching for something. Worst part of it? You don't even know what's missing. You feel empty and sad. Malay ba natin kung depression na 'yan, Grace. Gusto lang naming malaman kung okay ka pa ba or kung merong therapy for you to feel better. Kasi, bigla bigla ka nalang iiyak na parang nawawala tuwing gabi. Kaya sana maintindihan mo kami..."

"We're just worried about your soul," sincere na saad ni Janine kaya naman napabuntong hininga ako't tinignan ang relos 'ko. Konti na lang, malalate na ako kapag di pa ako umalis.

"Sige. Pag-iisipan 'ko. Sa ngayon, aalis na ako at baka magalit si Brent. Sige, bye!" pagpapaalam 'ko sakanila sa'ka ako tumakbo palabas.

Sumakay na agad ako ng taxi dahil ayoko nang magpahatid pa kay Telle o Janine sa mga sasakyan nila.

Hanggang Kailan? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon