Chapter 13: PASA

5.8K 101 18
                                    

Listen to Angel of Sarah McLachlan while reading this, please? 

Chapter 13: PASA

Nahiga ako sa kama ‘ko habang nakatulala lang. Natutulog na si Lenny. Nakatingin siya sa kabilang side at alam ‘kong hanggang ngayon ay may sama pa’rin siya ng loob. Hindi ‘ko kasi siya pinakinggan. Oo, minsan masama ang ugali sa’kin ni Lenny pero naiintindihan ‘ko naman ‘eh. Alam ‘ko naman na hindi madali para sa pamilya nila na nandito ako sa bahay.

Binuksan ‘ko ang drawer ‘ko na nasa gitna ng kama naming dalawa. Kinuha ‘ko rito ang diary na ginawa ‘ko ‘noong nakilala ‘ko si Brent.

 

January 19, 1998

Nakita ‘ko si Brent Sky Saavadra Lopez kanina sa stage na nag-speech. Meron pa siyang sinabing tula. Napatulala nga ako ‘eh! Grabe! Ako na ata ang pinaka malanding second year sa buong mundo. Actually matagal ‘ko naman na siyang kilala pero kanina...Nung nagkatitigan kami, halos magwala na ‘yung heart, liver and kidney ‘ko! Para akong na love at first (?) sight sakanya! Huhu! Ewan ‘ko ba dear diary pero... Gusto ‘ko na ata siya.

Abnormal ba ‘to? Bigla ‘ko kasing nakalimutan si Tonet ‘eh. Nakakainis. Crush ‘ko kaya si Tonet ‘nung grade 1. Akala ‘ko siya pa’rin hanggang ngayon kaso si Brent na ata. Umalis na kasi si Tonet. Nasa Canada na.

Back to Brent... Pagkababa niya ng stage ay agad na nagpalakpakan ang mga tao at kitang kita ‘ko pa ang pag-bro fist nila ni Kuya Bryan. ‘Yung kapatid niya. Gwapo sila parehas pero parang mas mysterious si Brent. Tahimik lang kasi. Hindi katulad ni Kuya Bryan na maraming kaibigan kaya sikat na sikat. Tapos ang puti pa nilang dalawa.

Nang maglakad siya at mukhang babalik na sa pwesto ay nagkatinginan kami kaya agad ‘kong nginitian...kaso deadma lang ang gwapo! Hindi ako pinansin. Inirapan pa ako. Grabe ‘yun dear diary! Hindi man lang ako pinansin o binigyan ng maliit na ngiti! Hindi katulad ni Kuya Bryan, dati nginitian ‘ko siya at agad ‘rin naman akong nginitian.

Pero naisip ‘ko lang, bakit kaya kahit deadma lang si Brent... Iniisip ‘ko pa’rin siya hanggang ngayon?

Hmmm... Makatulog na nga lang! School fair pa bukas!

Napangiti ako sa nabasa ‘ko. 10 years ago nang isulat ‘ko ‘yon at hanggang ngayon ay alalang alala ‘ko pa ang unang pagngiti ‘ko sakanya. Hindi ‘ko akalain na magugustuhan ‘ko siya sa araw na ‘yun dahil ‘yun ang unang beses na marinig ‘ko ang boses niya noong high school kami.

Tahimik lang kasi siya, madalas seryoso, minsan lang ngumiti. Bilang lang sa daliri ang mga kinakausap at pinapakitaan niya ng ngiti. Anim lang ang kaibigan niya at ang isa ‘don ay babae. Pangalan niya ay Aryan. Mabait ‘yung babaeng ‘yun at kapag may nang-aaway doon ay agad niyang pinagtatanggol.

Nilipat ‘ko sa kabilang page ang diary.

January 20, 1998

Nakita ‘ko si Brent kanina sa school fair. Kinikilig ako! Nagkatitigan kasi ulit kami. Tapos bigla siyang kumaway sa’kin. HALOS MAHIMATAY AKO! Grabe talaga! Syempre anong ginawa ‘ko? Kinawayan ‘ko ‘rin! Kaso epic! Lalapitan na niya ako...Almost out of breath na ako nang bigla niya akong lagpasan. Napanganga ako nang tignan ‘ko kung sino nasa likod ‘ko. Si Aryan!! ‘Yung kaibigan niya! Huhuhu! Nakakainis kaya! Pahiya ako dun! Ang saya saya ‘ko pa naman. Pero ayos lang. Crush ‘ko pa’rin naman siya.

Naglaro na lang kami nila Janine at Telle sa fair. Sumakay kami sa iba’t ibang rides habang inaalala ‘ko ang brown na mata ni Brent. Hay nako. Bakit ba ako nagkagusto dun?

Hanggang Kailan? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon