Chapter 6: BALIW

6.4K 98 20
                                    

A/N: Dedicated to GLennARdith. Thank you, girl! *heart heart*

Chapter 6: Baliw

"Naiinis na ako!" sigaw ko nang makalabas kami sa bahay ni Kristel at Janine. 

"Isang linggo ka naming hindi nakita, Grace. Tapos ngayong nandito kami, naiinis ka?" tanong sakin ni Janine.

"Onga! Inuna mo pa yang lecheng Brent na yan kesa samin samantalang kami ang best best best friend mo. Kaasar ka!" dagdag pa nitong si Kristel.

"HUH?" tanong ko sakanila. "Naasar ako kay Brent! Hindi naman kasi sainyo.."

"Ah! Eh bakit ka naman naasar kay Brent?"

"Eh kasi kung sino sino nalang hinahalikan nun araw araw para lang ata layuan ko siye eh."

Nanlaki ang mata nilang dalawa na parang hindi rin makapaniwala. I know! Ako rin naman.. Hindi ako makapaniwala na literal na magiging laro ang lahat. Hindi ko na nga minsan maintindihan kung ano ba ang dapat kong gawin. Kahit anong pagpapansin ko kasi, hindi napapansin.

"Wait wait wait! Are you saying na, he's playing games with you?"

What? Alam din nila yun?

"Pano niyo nalaman?" 

"Duh! Every girl knows how dirty he plays."

Kung sabagay! Pero hindi siya marumi maglaro. Actually, malinis. Kapag tapos na yung isa, dapat talaga tapos na. Wala nang uulit. 

"Malinis kaya siyang maglaro. I mean, hindi nagkaka-away away yung mga babaeng nilalaro niya, right?" tanong sakin ni Janine.

"I dunno. Hindi ko naman kasi alam kung anong pangyayari sa college life niya kaya wala talaga akong ideya. Akala ko nga kilala ko na siya eh, yun pala.. Hindi."

Totoo yun. Naging school mate ko siya nang grade one hanggang second year high school. Sobrang hanga na ako sakanya noon dahil siya ang pinaka magaling mag-memorize kaya siya rin lagi ang top one. Hindi lang yun, magaling rin siya sa math tulad ng kuya niya. Yun nga lang, pagdating ng third year, wala na siya. 

Saan siya nagpunta?

Sa puso ko. JOKE! Eh, ayun nga.. Sinama ata siya ng tita niya sa Alaska kaya doon na siya nagpatuloy ng studies. Hindi ko alam kung anong nangyari sakanya doon dahil nabalitaan ko nalang after five years na bumalik na siya sa Pilipinas. 

Nakita ko siya after kong grumaduate.. And no doubt, mahal ko pala talaga siya. 

I started doing my research noong nakita ko siya. Nag-iba siya at sobrang tumangkad siya. Manang mana sa kuya niya. Nabalitaan ko nalang isang araw na kasali siya sa isang car racing competition at nanuod naman ako doon kahit pa sobrang mahal.

It was a very fun activity for me. Dahil nakita ko siya at nai-cheer ko siya with all my heart.

Wala akong kasama noon at doon ko ginamit ang ipon ko. Pamasahe, bayad, pusta at kung ano ano pa. Fortunately, panalo si Brent. Lagi siyang nanalo sa mga paligsahan sa pagmamaneho kaya lagi rin akong nanalo sa pustahan. Masaya ako nun hindi dahil sa nababawi ko ang pera ko kundi dahil alam kong masaya siya sa bawat trophy na maiuuwi niya.

Pero syempre, hindi naman pwedeng sa kotse iikot ang mundo niya. Kasabay nang pagkilala sakanya ng mga taong mahilig sa sasakyan ay ang pag-ttrain niya as GM ng kumpanya nila. Hindi lang yun.. Babae rin.

Maraming babae ang umaaligid sakanya pero wala akong nababalitaan na naging girlfriend niya.

Hindi ko pa nakakausap si Brent noong grade school or high school kami. Madalas ko lang marinig ang boses niya kapag merong speech, defense or debate. Doon siya magaling. Matalino siya at maabilidad. Tahimik lang kasi siyang tao. 

Hanggang Kailan? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon