Chapter 34: TELLE (II)

5K 99 33
                                    


Chapter 34: TELLE (II)

ONE WEEK AFTER

Kumakain kaming tatlo sa dining area ng bahay ni Janine.

"Hay salamat. Natauhan ka na 'rin," tuwang tuwang sabi ni Lenny habang kumakain ng sinigang na niluto 'ko. Napangiti na lang din ako dahil kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam 'ko.

"Oo nga. Medyo okay nga ako ngayon 'eh," komento 'ko dahil totoo naman. Para akong nabunutan ng tinik nang mag-decide akong maglet go na lang. Para bang wala nang nakatali sa'kin na kung ano at kahit papaano ay naka-iyak ako kay Anthony.

Tumango si Janine. "I like Anthony for you."

"Tama! Parang safe ka sakanya, Grace. Okay na 'rin 'yan. Mukha namang hindi mahirap mahalin 'yung tao."

Isang linggo ang lumipas mula noong napagdesisyunan 'ko nang idistansya ang sarili 'ko kay Brent. Matagumpay naman ako sa paggawa 'nun dahil siya 'rin naman ay iniiwasan na ako. Mas okay siguro 'yun para hindi na ako ma-attract sakanya ng sobra sobra kahit alam 'kong hindi pa nababawasan ang pagmamahal 'ko sakanya.

"Ayos lang naman si Anthony," komento 'ko sa'ka ako kumuha ng kanin. "Ayoko na 'ring magmukmok kasi mas naging light na ang feeling 'ko. Kahit minsan makulit pa'rin ako kay Brent, masaya ako kasi hindi naman siya totally nagbago sa'kin. Casual lang kami sa isa't isa."

"Edi okay!" masayang saad ni Janine. "You're really moving on. Musta naman kayo ni Brent sa office? Di talaga siya cold?"

Napatingin si Lenny at tumango. "Oo nga. Ano? Alam ba niya na kayo na ni Anthony?"

"Hoy, hindi pa kami ni Anthony." Napa-irap ako dahil sa sinabi nila. Just by thinking of it, nandidiri na ako. Hindi 'ko pa kasi talaga totally gusto si Anthony. Ni hindi 'ko nga si crush kaya paano naman magiging kami agad? "Okay naman siya. I mean, hindi siya cold. Normal lang. Batian sila ni Anthony pero hindi masyado nagpapansinan. Masungit siya minsan. Professional lang kaming dalawa. We're cool."

Tumango silang dalawa ng makahulugan. "Pero mahal mo pa?" tanong ni Janine. Tinignan nila akong dalawa at naghintay ng sagot.

Napalunok ako dahil hindi pa'rin nila ako nilulubayan ng malisyosang tingin.

Ang totoo niyan, mas lalo 'ko lang na-realize na mahal 'ko siya noong naging manliligaw 'ko na si Anthony. Hindi ako kinikilig kay Anthony dahil lagi akong umaasa na sana si Brent na lang ang kasama 'ko at hindi siya. Nasasaktan ako dahil alam 'kong pinipilit 'ko lang ang sarili 'ko pero alam 'kong ito naman talaga ang tama.

Kapag natutunan 'kong mahalin si Anthony, matututunan 'ko 'ring kalimutan si Brent.

Hindi sila parehas. Madaldal si Anthony masyado at maraming nasasabi. Para siyang boss sa lahat at 'yun ang ayaw 'ko sakanya. Mainitin masyado ang ulo niya sa iba pero sa'kin, okay naman siya. Siguro dahil nasanay siya na nasusunod lahat ng gusto niya dahil anak siya ng mayor.

Masyado siyang vocal sa feelings niya. Kapag galit siya, sinasabi niya. Kapag naiinis siya, pinahahalata niya. Kapag nasasaktan siya, niyayakap niya ako.

At hindi ganun si Brent. Tahimik lang ito at piling pili ang mga salita. Hindi man siya sweet katulad ni Anthony ay siya pa'rin ang hinahanap hanap 'ko. Si Anthony, laging may dalang chocolates at kung anu-ano pa pero ang lagi 'ko pa'ring pinahahalagahan ay ang regalo ni Brent noon.

Hindi man kasing bongga ng regalo ni Anthony na sobrang mamahal, mas may value ang mga regalo ni Brent.

Oo, isang week na lumipas at marami nang masyadong nangyari. Marami na akong natutunan tungkol kay Anthony at siya 'rin ay ganun. Tahimik lang ako madalas kapag kasama 'ko siya dahil hindi 'ko paring magawang magustuhan si Anthony. Parang kaibigan lang ang turing 'ko sakanya pero pinababayaan 'ko siyang yakapin ako o hawakan ang kamay 'ko.

Hanggang Kailan? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon