Chapter 22: NARS

5.5K 106 13
                                    

AN: Thank you for the votes and comments, love you guys! Salamat sa get well wishes. 

Chapter 22: NARS

“AYOKO!”

Nawala ang ngisi ni Brent at halos mapatalon ang nurse nang sabihin ‘ko ‘yan. Hindi ‘ko kaya. Nakikita ‘ko pa lang ang mga mapupusok na matutulis na kung ano man ‘yun, mamatay na ako!

“Pero ma’am kailangan po namin kayong kunan ng dugo –“

“AYOKO!” pagputol ‘ko sakanya. Hinigaan ‘ko ang dalawa ‘kong kamay para lang hindi niya ito makuhaan ng dugo.

“Scar,” warning  ni Brent habang nakakunot ang noo. Kanina tumatawa siya kaso ngayon, nakasimangot na.

“AYOKO! AYOKO BRENT! MAGING MAKATAO KA!” sigaw ‘ko pa’rin dahil ayoko talaga. “HINDI ‘KO KAYA! WAG KANG TUSO!”

Tinignan ‘ko si Brent dahil hindi alam ng nurse ang gagawin. Nasa kalagitnaan siya ng pagkunot ng noo at pagtawa. Nang matatawa na siya, agad siyang nagbuntong hininga’t tinignan ang nurse.

“Alright. You can just come back later. I’ll handle this,” aniya kaya naman tumango ang nurse.

“Sige po sir Brent,” mahinang sabi niya sabay labas.

Tinignan niya ako kaso nag-iwas ako ng tingin. “Tuso ka. Masama ka talaga. Ayoko nga! Wag mo akong paki-usapan!”

Napataas ang kilay niya sa sinabi ‘ko. Wala! Ayoko talaga. Hindi ‘ko magagawa ‘yun. Masakit! Alam ‘kong sobrang sakit kapag kinuhaan ng dugo. Imagine parang vacuum ito na kukunin ang dugo ‘ko! Ang sakit! Nakakainis! Bata pa lang ako, hindi na talaga ako pumapayag sa mga injection na ganyan! Talagang iiyak ako!

“You need it,” mahinahon niyang sabi sa’ka umupo sa harapan ‘ko.

“I don’t!” halos pumiyok pa ako sa pagiingles ‘ko. “Hindi ‘ko kailangan! Wala akong leukemia! Pwede ba!”

Alam ‘kong OA na ako sa paningin niya pero HINDI talaga ako magpapakuha ng dugo dahil hindi ‘ko kayang merong karayom na papasok sa sistema ‘ko! Talagang maghaharumentado ako kapag nangyari ‘yun!

“Hindi lang naman pang-leukemia ‘yun,” natatawang saad niya.

“Normal na pasa lang ‘to!”

Nagulat ako nang hawakan niya ang braso ‘ko. Babawiin ‘ko sana ito kaso mas lalo niya itong hinawakan at tinignan ang mga pasa.

“Breakage of blood vessels is the cause of your bruises...” napasinghap ako nang haplusin niya ito, ramdam na ramdam ‘ko ang kuko niya sa balat ‘ko. “And I want to know if you’re still okay from the inside.”

Tinitigan ‘ko ang mga brown niyang mata na titig na titig sa mga pasa ‘ko. “I’m okay, Brent.”

“How dare he touch your skin,” bulong niya.

Nagulat ako dahil doon. Nakita ‘ko nanaman ang galit sa mga mata niya. Mas matindi sa galit niya nang malaman niyang nagsinungaling ako sakanya. Hindi siya halos humihinga dahil alam ‘kong pinipigilan niyang lalo lang mainis.

“Brent, anong ginawa mo kay Uncle?” tanong ‘ko kaya napataas agad ang tingin niya sa’kin.

“Wala,” aniya sabay bitaw sa mga braso ‘ko. Umayos siya ng upo.

“Brent...” paninimula ‘ko.

Tumaas lang ang kilay niya. “What? I didn’t do anything,” prenteng pagmama-ang maangan niya sa’kin kaya naman napabuntong hininga nalang ako.

Hanggang Kailan? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon