Capitulum 29

2.1K 147 3
                                    

"Saan mo nakuha 'yan?"

Tanong agad ni Nova sabay turo sa pisngi ng binatang abogado. Her eyes never left the odd scratch on his left cheek. Kumunot naman ang noo ni Lelouch. Nang maalala ang sugat, isang tipid na ngiti lang ang iginawad nito sa kausap. "Kinalmot ako ng alagang pusa ng kliyente ko kagabi. Cats never liked me, as you can remember."

'Ayoko na ngang may maalala, nagpapaalala ka pa.' The female detective sighed and took her hand from his grasp. "Lelouch, nandito lang ako para mangamusta." Mariin niyang sabi.

"Talaga?"

'Well, actually nandito talaga ako para mai-distract ka habang kinakalkal ni Nico ang personal items mo para mangalap ng sapat na ebidensiya kung ikaw nga ang baliw na Heartless Killer,' but of course, Briannova Carlos can't tell him that. Napalunok siya sabay hawi ng buhok sa mukha, "Yes. And if you're thinking of any other reason why I'm here, then stop. W-We shouldn't even entertain that option." Not anymore.

Pero seryoso pa ring nakatingin si Lelouch San Andres sa kanya. Nova tried to avoid his intense and loving gaze, but it was too much.

"Wala ka pang naging boyfriend magmula nang maghiwalay tayo. You never entertained any of your suitors, Brian. Why is that?"

"Ayokong pag-usapan."

"I'm an attorney. You need to give me a better defense than that."

Heto na nga ba ang ikinakatakot ni Nova. Bakit ba pilit pa rin siyang ginugulo ng nakaraan? 'Di ba dapat kapag inilipat mo na ang pahina ng isang aklat, hindi mo na dapat balikan?' Matapang niyang sinalubong ang mga mata ng abogado. Pero bago pa man siya makapagsalita, may narinig silang ingay na nagmula sa likurang bahagi ng mansyon.

Nanlaki ang mga mata ni Nova. 'Damn it, Nico!' At natatarantang tiningnan ang ekspresyon ni Lelouch.

Mukhang nagulat rin ito sa narinig, his eyes turned suspicious. "Mukhang may nakapa---"

"Malamang pusa lang 'yon. You don't like cats, right?" Mabilis na sabi ni Nova bago pa man tumayo ang binata.

Atty. Lelouch San Andres narrowed his eyes at her. Tila ba naghihinala na ito sa mga nangyayari. "I should go check on it. I'll be back, Brian."

'Gosh! Sino bang nagsabing madaling maging detective?!' Kinakabahang sigaw ng isip ni Nova bago niya hinila sa braso si Lelouch. Hindi niya pwedeng mahuli si Nico! Pareho pa silang mapapasabit sa gulo kapag nagkataon!

"Brian, bitiwan mo ak---"

"No! I-I mean, kapag umalis ka, malulungkot ako." And Detective Briannova Carlos put on her most innocent face. Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa abogado habang hawak pa rin niya ang makisig nitong braso. Cliché mang pakinggan, pero sana'y lamunin na siya ng lupa dahil sa labis na kahihiyan.

'Gosh! Nakakahiya!'

Pero mukha namang tumatalab.

Lelouch sighed and smiled softly at her. "Totoo ba 'yan?"

Tumango si Nova at hinila paupo sa tabi niya ang abogado. 'Sana lang tumalab ang acting skills ko sa kanya!' Huminga nang malalim si Nova at nagsalita, "Hindi ako nagkaroon ng relasyon magmula nang mag-break tayo dahil mahalaga ka pa rin sa'kin, Lelouch." Kung ito lang ang paraan para makuha ang atensyon ng abogado at maisalba ang reputasyon nilang dalawa ni Nico sa pagiging detectives, Briannova Carlos is willing to give it a shot.

She cupped his cheeks, his eyes were magnetizing.

"Do you still love me, Ms. Briannova Carlos?" He smirked.

Mangungumpisal na talaga si Nova mamaya!

"Yes, attorney. I'm still in love with you." She whispered and sealed it with a kiss. 'Damn, Nico! Bilisan mo ang paghahanap ng ebidensiya!' She mentally screamed kahit pa abala ang kanyang mga labi sa abogado. Ilang sandaling nanigas sa kanyang kinauupuan si Lelouch bago tumugon sa kanyang mga halik. He groaned in pleasure before devouring her lips.

Napahiga na lamang si Nova sa sopa, kampanteng gumagana na ang plano niya. The perfect distraction? Yes. That's the sassy and talented Detective Briannova Carlos. Dapat na nga yata siyang bigyang ng Oscar's Award sa galing niyang umarte.

Don't get her wrong, she no longer has feelings for the handsome attorney. Ginagawa niya lang ito para sa hustisya.

But just when Lelouch started kissing her neck, doon niya lang narinig ang mahinang "click" na nagmula sa kung saan. "What the---?" Nanlaki ang mga mata ni Nova nang mapagtantong naka-posas na pala ang kanyang mga kamay sa gilid ng sopa!

Attorney Lelouch chuckled and got off her. Inayos niya ang kanyang polo at ngumiti nang mapaglaro sa kanya. "Unfortunately, you are not a good liar, Brian. Have you forgotten that I am the district attorney of the Heraldic Eastwood Local Police? Seeing through lies is my profession."

Umiling pa ito at tumayo. His eyes showed a hint of disappointment and amusement, "Kanina ko pa alam na dini-distract mo lang ako, Brian. Kilala kita. But I guess I'm still a love-sick fool to assume that you have sincere intentions."

Tumalim ang tingin sa kanya ni Nova pero agad ding ngumisi ang dalaga. She forgot that he could also be as sly as a thief. "Susukuan mo na ba ako, attorney?" Tinanong ito ni Nova para sa dalawang layunin: una, ay para mabigyan pa ng oras si Nico; pangalawa, dahil gusto niyang malaman.

A part of her still wanted to know, even though it's a bit selfish at this point.

Nagkibit ng balikat si Attorney Lelouch San Andres at ngumiti, "I'm not the kind of man to give away what's mine, Nova."

At naglakad na ito papalayo sa direksyon ng backdoor. Napabuntong-hininga na lang si Nova habang nagpupumiglas sa pagkakagapos sa kanya. 'I only hope that air-headed emo doesn't get caught!'

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon