Capitulum 39

2K 150 5
                                    

"Damn, Sherlock!"

Agad na kumilos sina Nico at mabilis na lumayo sa pagsabog. Unfortunately, the impact sent them flying a few feet away, debris along with them. Napaubo si Minnesota sa usok at alikabok na bumalot sa paligid, a few ashes fell ontop of their heads. Natatarantang rumesponde ang Heraldic Eastwood Local Police at inasikaso ang ilang sugatang personnel ng Eastwood Crime Unit. Nico stood up and narrowed his eyes at the area.

Sumama sa pagsabog ang katawan ni Thami Esteban, her insides splattered on the walls of the alley.

'Sly killer. Sinigurado niyang wala kaming makukuhang ebidensiya sa biktima,' isip-isip ni Nico habang sinusuri ang paligid. Sa kabila ng nabulabog na katahimikan, pinilit niyang hagilapin ang salarin.

"Nandito siya sa malapit. Nanonood sa atin." Naiinis na wika ng detective at lumapit sa kalsada. Kung tama ang hinala niya, ang ganoong klaseng explosive device ay kinakailangang i-detonate nang malapitan. Bombs like that have a limited range.

Nasa malapit lang ang Heartless Killer, malamang ay natutuwa sa mga nangyayari. Naikuyom na lang ni Nico ang kanyang mga kamao.

'Nasaan ka na?!'

His eyes scanned the neighborhood. Napahinto ang mga sasakyan at nagambala ang mga sakay nito. The police tried to calm them down, while managing the traffic. Halos mabingi na si Nico sa ingay ng paligid, pero sa gitna ng kaguluhan, napansin niya ang bulto ng isang lalaking nakamasid mula sa kabilang kanto. It was too fast. The man vanished.

"You're not getting away that easily, you heartless bastard!" At mabilis na tinakbo ni Nico ang distansya. Tinalon niya ang hood ng ilang sasakyan at halos mabunggo na ang lahat ng nakaharang sa daraanan niya. His pulse raced, adrenaline kicking in his veins. Maliksi siyang umiwas sa ilang sibilyan at tumakbo papunta sa lugar kung saan niya nakita ang misteryosong lalaki.

Nakita niya ang lalaki, tumatakbo papalayo. Hindi siya maaaring magkamali! The devil was using the crowd to his advantage, trying to blend in.

"Darn it!"

Nico grabbed his gun and ran faster. "STOP THAT MAN!" He yelled over the noise, pero mukhang walang may gustong makisali sa gulo.

BANG!

The chase led him downtown, hanggang sa lumiko sa isang eskinita ang lalaki. Hinihingal at halatang napagod sa pagtakbo. Huminto ang misteryosong lalaki at mahinang napamura nang makitang isang mataas na pader ang nasa kabilang dulo ng eskinita.

"Dead end, bastard."

Ngumisi si Nico at itinutok ang kanyang Smith and Wesson sa likod ng lalaki. Nico firmly gripped his revolver, eyes narrowed upon the man. Bakit parang pamilyar ang lalaking 'to? "Game over, Heartless Killer."

Napabuntong-hininga ang lalaki at humarap kay Nico. A nervous smile on his face. 'What in the name of Sherlock?!' Nanlaki ang mga mata ni Nico nang makita ang hitsura ng lalaking hinabol niya.

"Kamusta na, Nico?"

Detective Nico Yukishito cursed all the origamis in the world.

"U-Uncle X...?"

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz