Capitulum 43

2K 147 6
                                    

Umihip ang malamig na simoy ng hangin sa labas, ngunit hindi man lang nakaramdam ng ginaw ang dalaga kahit pa bukas ang mha bintana. Feralda's apartment is a mess, all their clothes lying on the floor. She snuggled closer to the guy lying beside her, kissing his chest. 'If only this isn't forbidden,' she bitterly thought.

Hindi niya talaga alam kung paano siya napunta sa ganitong sitwasyon. Namalayan na lang niyang nilalandi na siya ng dati niyang kaklase noong high school. At siya naman ang tangang nahulog. One thing led to another, and now here she is---having a secret affair with him. 'Kailangan ko na talagang makipag-break kay Renzo. Sana naman maintindihan niya.' Nahihirapan na siyang maglihim, hindi lang sa three-year boyfriend niya, kundi pati na rin sa bestfriend niya.

Naalala na naman ni Fe ang sinabi sa kanya ni Minnesota kanina. Nagulat na lang siya nang bigla itong sumulpot sa bahay niya. Min was nervous and terrified of something.

"Fe! P-Please, kung sino man ang kalandian mo ngayon, tigilan mo na. Baka ikaw ang isunod ng killer!"

Kumunot noon ang noo ni Feralda. 'Bakit parang takot na takot siya?' Pero mas lumamang ang kanyang inis sa kaibigan. Bakit ba siya nakikialam? Tsk. "Be, wala akong alam sa sinasabi mo. Tsaka anong killer? Kinulang ka na naman yata sa tulog. Sige na. May lakad pa ako mamaya. Bye." She was about to close the door when Minnesota grabbed her shoulders.

"Stop acting like an immature brat and listen! Damn it."

"Wow! Sinong immature sa'tin ngayon? Min, 'wag mo ngang pakialaman ang buhay ko."

"Iyon na nga mismo ang ginawa ko kaya ka napapahamak! Lagi mong ginagawa ang gusto mo. You don't even think about the consequences, and you don't even care about my opinion!" Minnesota snapped.

Napasimangot si Feralda. "Kaibigan lang kita. Why would I need your opinion? Suportahan mo na lang ako." Sabay kabig ng mga kamay ni Min sa kanya.

But Minnesota Gervacio only sighed in frustration. Seryoso na ang hitsura niya, "Feralda, makinig ka nga sa'kin! Hindi ako nagbibiro! Kailangan mong mag-ingat. May serial killer dito sa Eastwood at target niya ang mga katulad mong..." Pero agad na siyang tumigil sa pagsasalita nang mapagtanto ang kanyang ipinapahiwatig.

Feralda glared at her. "Sige, ituloy mo. Katulad kong ano?"

"Just forget it. P-Please, Fe. Basta mag-iingat ka. 'Wag na 'wag kang uuwing mag-isa sa gabi o sasama sa kahit kanino."

"Bakit naman ako makikinig sa'yo?"

"Fe, naiinis na talaga ako sa'yo. Makinig ka nga sa'kin, kahit ngayon lang!"

Umirap si Feralda sa kaibigan. Hindi niya talaga alam kung bakit ganito ang inaasta ni Minnesota. What happened to the goody-two-shoes Min? 'She's lying. Malamang nakikialam lang siya sa ginagawa ko,' isip-isip niya't binalingang muli si Minnesota.

"Minnesota?"

"Ano?"

"Shut up."

At isinara na niya ang pinto. Actually, Feralda slammed the door in her face. Ito ang unang beses na nag-away sila ng ganito katindi ni Min. But Feralda hates it. She hates having other people dictate her actions. Ayaw na niyang marinig ang opinion ng ibang tao dahil sawang-sawa na siya sa mga ito. Bakit nga ba kasi nakikialam sa kanya si Minnesota?

'Baka gusto niya lang sirain ang relasyon ko kay Fred. Ayaw niya ba akong maging masaya?'

Feralda was pulled back to reality when Fred's ringtone broke the silence. Agad na bumangon ang lalaki at kinuha ang cellphone sa nightstand. Napabuntong-hininga siya nang makita kung sino ang tumatawag. Binalingan niya si Feralda, "I need to answer this. Babalik ako agad."

Sumimangot si Feralda, "Nangungulit na naman ba sa'yo 'yang fiancé mo? Sana 'di na lang siya bumalik galing Spain. Sana doon na lang siya forever. Tsk!"

"Fe..."

"Next month na ang kasal niyo 'di ba? Kailan mo ba planong sabihin sa kanya ang tungkol sa'tin?"

"Pinag-usapan na natin 'to. Just wait, okay?"

"Fred, nagsasawa na ako sa ganito! Para akong umaasa sa wala eh. Nakakagago na!"

Pero hindi man lang sumagot sa kanya si Fred. He stood up and locked himself in the bathroom, answering his fiancé's call.

Naiwang nanlulumo si Feralda sa kama. Hindi na niya namalayang tumutulo na pala ang luha mula sa kanyang mga mata. She silently cried and gripped the empty bedsheets beside her. Sa tingin ba ni Min ginusto niya ang sitwasyong 'to?

"Nagmahal lang naman ako. Wala namang mali doon, 'di ba?"

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now