Capitulum 53

1.9K 143 6
                                    

Feralda took in a deep breath and finally managed to calm herself. Pero hanggang ngayon ay nararamdaman niya pa rin ang sakit ng kanyang anit dahil sa pagsabunot ni Bernadette. 'But this is nothing compared to the pain in my chest,' mapait niyang paalala sa sarili niya at napag-desisyunang umuwi na lang. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nagkulong sa loob ng banyo o kung paano niya nagawang patigilin ang kanyang mga luha. Hindi na niya namalayan ang oras o ang kumakalam niyang sikmura.

She didn't even bother turning on her cellphone. Though, Feralda was sure her parents are worried sick by now.

"Bahala na. Wala na rin naman silang magagawa kahit na late akong umuwi." Inayos ni Fe ang kanyang bestida at wala sa sariling naglakad palabas ng mall. She must look like a disaster from the way people kept glancing at her. Malamang kumalat na ang maskara sa kanyang mukha.

"Damn that jerk... Magsama na sila ng fiancé niya. Wala na akong pakialam sa kanila."

Nang marating ni Feralda ang parking lot ng mall, agad siyang nakalanghap ng sariwang hangin. Nasisinagan ng papalubog na araw ang kapaligiran. In fact, the sun was barely seen over the horizon, weak with orange streaks of light. Dusk claimed Eastwood once more. The memories of her heartbreak seemed too insignificant to worry about.

For once in her life, Feralda didn't feel suffocated.

Huminga siya nang malalim at ngumiti sa sarili. "Keri lang 'to. Uso namang mag-move on." Kung nandito lang sana si Min, baka kanina pa nila tinawanan ang nangyari---o baka kanina pa siya nito sinermonan. Either way, Feralda misses her bestfriend.

Bakit nga ba sila nag-away? Hindi na niya matandaan.

Pinanood ni Feralda ang pag-alis ng mga sasakyan. Halos wala na palang tao rito. Pero bago pa man siya makaalis sa lugar, biglang huminto ang isang kotse sa tapat ni Feralda. The car's window was tinted, so she couldn't see who the driver is. Bigla siyang kinabahan sa hindi malamang dahilan.

'Ano namang kailangan ng isang 'to?'

At sa isang iglap, biglang lumabas ang driver at mabilis siya nitong hinawakan. "T-Tulong!" nagpupumiglas si Fe at sinusubukang kumawala, pero sadyang mas malakas ang kidnapper. The man dragged her inside the car. Halos mapilayan na si Feralda sa higpit ng hawak sa kanya.

"AAAHHH---!"

Her screams were soon muffled by a cloth. Nanlaki ang mga mata ni Fe nang mapagtantong may pampatulog ang telang 'yon. Unti-unti, huminto ang pagpupumiglas ni Feralda hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.

*
"6:00 p.m."

The time read on Minnesota's lockscreen. Sinubukan ulit niyang tawagan si Feralda, but it was useless. 'Nasaan na kaya siya?' Ayaw man niyang mag-isip ng masama, pero paano kung kinuha na pala siya noong killer? Nanindig ang balahibo ni Minnesota sa naiisip. She shook her head and clamed herself. "Napaparanoid lang ako, there's nothing to worry about. Baka nga nakikipaglandian lang 'yon ngayon."

Dumaan siya sa parking lot ng isang mall. Naalala niyang gusto nga pala ng nanay niya ang tinitindang lumpia sa kantong ito. 'Paniguradong masosorpresa 'yon kapag binilhan ko siya.' Masayang wika ni Min sa kanyang isip. She could almost imagine her mother now, struggling again with her iPhone. Kailangan ulit niyang turuan ito, kung hindi, baka ma-wrong number na naman ang nanay niya sa pagtawag. Who knows what kind of trouble her mother might get herself in? Kaya nga't nilagay ni Min ang number niya sa unahan ng contact list ng nanay niya.

Pero ang ngiti ni Minnesota ay biglang napalitan ng takot.

"A-Anong...?" Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon