Capitulum 30

2.2K 148 6
                                    

Eastwood General Hospital
8:00 a.m.

Kanina pa hindi mapakali si Minnesota. 'Ngayon ko lang siyang nakitang ganito,' isip-isip niya sabay baling sa kaibigang abala sa kung sinuman ang ka-text. Makailang-ulit na silang sinita ng ka-text mo? "Parang nagliligawan ulit kayo ni Renzo ah."

Si Renzo ang tatlong taon nang karelasyon ni Feralda. Matagal nang kilala ni Min ang dalawa pero ngayon niya lang nakitang ganito kasaya si Fe. Sa pagkakaalam niya, nag-away sila Fe at Renzo noong isang linggo. Bati na kaya ulit sila? O baka naman...

"Hindi si Renzo ang ka-text mo."

Sa sinabi ni Minnesota, napatigil si Feralda at ninenerbyos na bumaling sa kanya. "A-Ano? Ano bang pinagsasasabi mo diyan, friend?" Lalo lang napasimangot si Minnesota nang mapansing pilit nitong tinatago ang cellphone niya. She's not a detective, but she can see through Feralda's lies.

"'Wag ka nang magsinungaling sa'kin. Sino na naman 'yang kalandian mo?"

Nag-iwas ng tingin si Feralda, nagmamatigas pa rin. "Wala. Bakit mo ba ako pinapakialaman?"

"Dahil kaibigan mo 'ko. Is that enough reason?"

Napabuntong-hininga na lang si Feralda at ibinulsa ang cellphone. Tipid siyang ngumiti kay Min, "Be, chill ka lang. Alam ko 'tong ginagawa ko. Hindi na ako bata para mag-alala ka pa sa'kin. Okay?"

"Pero---"

"Napa-paranoid ka lang, Min. Chill, okay?"

The hands of a nearby clock ticked, the only sound resonating within the four walls of the reception area. Umalingawngaw ang tunog sa tahimik na paligid. 'Napaparanoid nga lang ba ako?' Huminga na lang nang malalim si Minnesota. Just then, her eyes spotted a part of Feralda's neck. It was a hickey.

'Ano bang nangyayari sa babaeng 'to?' Umiling na lang si Minnesota at bumalik na lang sa trabaho, hindi na pinansin ang kaibigan. Ayaw na niyang magsalita. Ayaw na niyang magtanong. Baka magkalamat pa ang pagkakaibigan nilang dalawa.

"Hey, girls!"

A few moments later, both Minnesota and Feralda averted their attention to the familiar voice. 'Teka, parang kilala ko 'to,' inaalala ni Min kung kailan niya nakita ang lalaking 'to. Round and black-rimmed eyeglasses. A goofy smile, and those nerdy features. Napangiti siya. "Dan?"

'Siya 'yong nasa party ni Sasha noong isang gabi.'

Lumawak lalo ang ngiti ni Dan at sumandal sa desk nila kahit na medyo lalampa-lampa, "Naks! Buti naman naalala niyo pa ako. Minnesota, right?" Sabay kindat nito.

Is he trying to flirt with her? Emphasis on "trying".

"Anong ginagawa niyo dito?" Panandaliang tiningnan ng lalaki si Feralda na ngumiti lang sa kanya bago ibinalik ang mga mata sa screen ng cellphone. Umirap na lang si Min at siya na ang sumagot. Tutal, busy na naman ang kaibigan niya. Tsk!

"Obviously, dito kami nagta-trabaho. Ikaw? Anong ginagawa ng isang detective dito?"

Kuminang sa saya ang mga mata ni Dan. "How did you know I'm a detective? Hahaha! Totoo pala ang tsismis na sikat na ako!"

'Unfortunately, tsismis lang 'yon.' Gusto sanang sabihin ni Minnesota na kanina pa naka-balandra ang leather jacket niyang may tatak ng DEATH sa gilid, pero ayaw naman niyang sirain ang mood ni Dan.

The nerdy detective raked a hand through his tangled her, "Well, a detective's life is busy and stressful! Iilan lang ang mga kagaya kong natatagalan ang trabaho. Anyway, I'm here to visit Alfred Santos. Siya 'yong store owner na nabaril noong Saturday."

Kumunot ang noo ni Minnesota at agad na sinilip ang kopya nila ng listahan. Parang pamilyar sa kanya 'yong pangalan. "Si Mang Alfred 'yong may-ari ng gun shop na nanakawan last week, 'di ba?"

"Mismo! Aksidente pa siyang nabaril habang nagaganap ang nakawan. Nandito ako para imbestigahan ang kaso," at nag-muscle pose pa talaga si Dan sa harapan ni Minnesota. Napapailing na lang ang dalaga. "Room 207. Tara, samahan na kita." Dahil ayaw na muna niyang alalahanin si Feralda na tumatawa na naman ng mag-isa.

'Kung sinuman ang ka-text slash kalandian niya, sana naman hindi 'to makasira sa relasyon nila ni Renzo.'

Pero masama pa rin ang kutob ni Minnesota rito.

"'Di ko dapat inii-stress ang sarili ko," bulong ni Minnesota sa sarili habang binabagtas nila ang mga puting pasilyo. The smell of antiseptic calming her nerves again. Hindi na niya inintindi ang pagdadaldal ni Dan sa gilid niya.

Nang maihatid na niya si Dan sa kwarto ng gunmaker, wala sa sariling sinilip ni Minnesota ang katabing silid. Mula sa glass panel ng pinto, nakita niyang nagpapahinga sa loob ang isang batang pasyente.

The little girl looked too pale and sick.

Sa tabi ng kama nito ay isang pumpon ng mga bulaklak. Daisies.

'Kawawa naman.'

Napailing na lang si Minnesota at naglakad papalayo. 'Ang mga pasyenteng 'to ang rason kung bakit ko piniling maging nurse. We all have a passion for something.'

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum