Capitulum 59

2K 159 9
                                    

Minnesota Gervacio felt nothing. Para bang nakalutang siya sa kawalan, walang patutunguhan at walang kamalayan sa mundo. Her body felt weightless. Her eyes saw only a vast darkness in front of her. 'Is this how people die? Is this how I should die?' Isip-isip niya't inalala ang lahat ng nangyari.

Her memory was blurred---too vague to comprehend anything. Tahimik niyang inalala ang lahat. The last memories of pain didn't seem to affect her anymore. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o kakabahan.

'Am I dead?'

Paniguradong malulungkot ang mama niya, maging ang iba pa nilang mga kamag-anak. Maiiwan niya ang trabaho niya sa ospital, ang pangarap na ilang taon rin niyang pinagsumikapan. Maiiwan niya si Feralda, ang matalik niyang kaibigan mula pa noon.

'Fe... Ligtas na kaya siya?'

Subconsciously, Minnesota smiled. Malaki ang tiwala niyang nasa mabuting kalagayan na ang kaibigan. Feralda is alive, and that is worth the sacrifice for Minnesota. She'd take a bullet for a bestfriend any day, and smile through the tears. She'd take all the pain, just to ensure her loved ones are safe from harm. Iyon na nga siguro ang pinakamalaking "mali" sa ugali ni Minnesota. Noon pa man, sinasabihan na siya ni Fe tungkol dito.

'I am too selfless.'

Pero wala siyang pinagsisisihan. Kung mayroon man siyang "sana" sa kanyang buhay, iyon ay "sana" naging maayos ang huling mga sandali nilang magkasama ni Feralda. Sana hindi sila nag-away. Sana inintindi na lang ni Min ang ugali ni Fe. Sana hindi umabot sa ganito.

Sana. Sana. Sana.. Totoo nga siguro ang sabi nila na iisipin mo ang lahat ng "sana" sa buhay mo kapag malapit ka nang mawala.

"---rinig mo ako, Min... P-Please, gumising ka na."

Nagtaka si Minnesota nang bigla niyang marinig ang boses na 'yon. Suddenly, her senses became active again. Unti-unti niyang naramdaman ang kanyang katawan, at ang malalalim niyang paghinga. The smell of alcohol and antiseptic reached her nostrils---and it felt like home. She had always loved the smell of hospitals. 'Nasa ospital ako?' Ilang sandali pa, nagmulat na ng mga mata ni Minnesota.

A blurred figure stood before her and the fluorescent lights made her cringe.

"M-Min?"

Unti-unting luminaw ang paningin ni Minnesota.

Feralda was smiling down at her, tears in her eyes. "G-Gising ka na!" At bago pa man makapagsalita si Minnesota, naramdaman niya ang mahigpit nitong pagyakap. Humahagulgol ng iyak ang kaibigan, at namamantsahan na ng mga luha nito ang kanyang hospital gown.

Hindi pa rin makapaniwala si Minnesota. "I-I'm alive?"

Feralda pulled away and pathetically wiped her tears. Tumango siya kay Min. Pinilit niyang ngumiti kahit na umaagos pa rin ang kanyang luha, "Gaga! A-Akala ko iiwan mo na kami. Nasira tuloy ang beauty rest ko nang dahil sa'yo." At mahina itong natawa.

Minnesota sat up, still dizzy from the blood loss. Noon niya lang napansin ang ilang sugat sa kanyang pulsuan. The barb wires left an ugly and permanent mark on her skin. Nang bahagyang kumirot ang kanyang hita, doon niya lang naalalang may sugat nga rin pala siya rito. She saw the bandaged wound, blood faintly stained the sterile cloth.

"Ako na muna ang nagbantay sa'yo ngayon. Pinagpahinga ko muna si tita.." Feralda said and poured her a glass of water.

Tumango si Minnesota at pinagmasdan ang silid. Madilim na pala sa labas. The window had a magnificent view of the cityscape. Tumingin siya sa puting orasang nakasabit sa pader.

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now