Capitulum 61

2.1K 167 20
                                    

DEATH's headquarters
March 1, 2019
11:50 p.m.

'Wedding anniversary niyo na bukas, Gwen.' Huminga nang malalim si Xavier Alcantara at dumungaw sa bintana ng kanyang opisina. The giant glass panel separated him from the scenery beyond. Malalim na ang gabi, ngunit patuloy pa ring kumikislap ang liwanag na nagmumula sa sentro ng lungsod. The cityscape's lights glimmered under the vast blanket of darkness. 'Can a man escape the past? Can a man escape his mistakes?' Hindi niya alam.

Nakatulala lang dito si Xavier nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. It was a notification for a new text message. Maingat niya itong kinuha at binasa ang mensahe.

[ Uncle, we need to talk. Meet me at my office... ]

It came from his nephew. Kumunot ang noo ni Xavier sa text ng bugnutin niyang pamangkin, "Ano naman ang kailangan nito sa'kin?" Kanina niya pa tinatawagan si Detective Nico pero hindi naman nito sinasagot ang tawag. Gusto sanang aminin ni Xavier ang dahilan kung bakit siya nagsinungaling sa pamangkin... Ang tunay na dahilan kung bakit siya nagtago at ipinaubaya kay Nico ang kompanya.

Xavier thought Nico was still mad at him. Pero ngayon, heto't si Nico pa mismo ang nakikipagkita sa kanya. Ngumiti si Xavier, "Mas moody pa talaga sa babae ang batang 'to." He sighed, and walked out of his office. Kahit papaano, napanatag na ang kanyang loob. Mukhang hindi naman pala siya mahihirapang ipaliwanag ang sitwasyon sa pamangkin.

After Xavier replied to Nico's text, he walked through the deserted hallway and took in his quiet surroundings. Paniguradong naka-uwi na ang mga empleyado at tanging ilang admins na lang ang nago-overtime ngayon.

As for the almighty CEO of DEATH, Xavier Alcantara, nasanay na siyang hindi umuuwi. Halos tumira na siya sa kanyang opisina. 'At wala naman talaga akong uuwian,' malungkot niyang paalala sa sarili. Bukod kay Nico, wala na siyang malapit na kamag-anak sa bansa. Xavier had always been the introvert. During his high school years, he had only two friends...

And he just had to destroy their relationship.

Marahan siyang napailing. Hindi na niya dapat binabalikan ang nakaraan, kahit pa mukhang gusto siyang balikan nito at patayin. 'I shouldn't scare myself. Everyone makes mistakes..' Pero hanggang ngayon, tuwing naaalala niya ang mga nangyari, lalo lang siyang inuusig ng kanyang konsensya.

The elevator stopped. Hudyat na nasa 17th floor na siya ng gusali.

Sinalubong siya ng nakabibinging katahimikan. Xavier Alcantara stepped outside and walked towards his nephew's office. 'Pasalamat siya't mas maganda pa ang opisina niya kaysa sa'kin.' Hindi lang halata at laging makalat. Napangiti rito si Xavier, "Kahit naman noong bata siya, burara na siya sa gamit."

Kumatok siya sa pinto.

Walang sumagot.

Kumunot ang noo ni Xavier at sinubukang pihitin ang seradura ng pinto. It wasn't locked. "Nico? How many times do I have to remind you to lock your office's door?" Nang pumasok siya sa loob, lalong nagtaka si Xavier.

Wala roon si Nico.

Madilim ang paligid, nasisinagan lang ng liwanag ng buwan ang kabuuan ng silid. Inilibot niya ang kanyang paningin at nakita ang basket ng prutas sa mesa ng pamangkin. Katabi nito ay isang kulay pulang kahon. Xavier carefully walked towards the desk, his footfalls making an eerie noise amidst the silence.

"Nico?"

Dumako ang mga mata niya sa kahon, at napansin ang card sa ibabaw nito.

To: Xavier Alcantara

'Para sa akin?'

Biglang kinabahan si Xavier sa nakita. Huminga siya nang malalim at pinakiramdaman muna ang paligid bago niya napagdesisyunang buksan ito.

"What the heck?!"

Napaatras si Xavier nang makita ang laman nito. His eyes widened in horror to realize its contents.

"M-Mga puso..."

Umalingasaw ang masangsang na amoy na nagmumula sa eleganteng kahon. Mula rito, nakikita niyang naaagnas na ang ilang bahagi ng mga puso. And he didn't need to be an expert to figure out that these hearts came from human beings.

"Nagustuhan mo ba? Mga puso 'yan ng mga babaeng niloko ang kanilang mga karelasyon... You see, my friend, it's easy to take away the hearts of others when your own heart got broken so many times in the past."

Mabilis na lumingon si Xavier sa kanyang likuran, halos mabunggo na niya ang kahon. Binalot ng kaba ang kanyang dibdib at tila ba tumindig ang kanyang balahibo nang makitang maigi ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan.

'N-Nahanap na niya ako... Siya 'to! H-Hindi ako pwedeng magkamali.'

Ang maskarang ginagamit ni Cassio Salvador. Ang bago nitong katauhan.

"C-Cassio..."

The darkness of the room concealed the Heartless Killer's face. A devilish smirk on his lips, his hand clutched a cleaver's knife. Nang humakbang ito papalapit sa kanya, doon lang nakitang maigi ni Xavier Alcantara ang mukha nito. 'A new face containing the same demonic soul..'

"I am not Cassio Salvador now, Xavier! HAHAHAHA! Tawagin mo ako sa bago kong pangalan! Tawagin mo akong...

...Dr. Eugene Jimenez."

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now