Capitulum 02

6K 314 8
                                    

"I can see you're up to the challenge. I expect no less from our primary agent."

Tumayo si Dr. Jimenez at ngumiti sa binata. Ngayon naman ay ipinatong na ni Nico ang mga larawan sa kanyang mesa, masusing pinag-aaralan ito at mukhang malalim na nag-iisip. He gave no sign of hearing the words of their senior consultant. Napabuntong-hininga na lang si Dr. Jimenez. 'Once a case interests him, parang wala na ang atensyon niya sa planetang 'to,' he thought.

"Expect a raise in salary once this is over."

Nag-angat ng tingin ang binatang detective, "Money has never been an issue for me, Doc. I do this out of passion."

"Whatever you say. Siya nga pala, may kailangan ka pang malaman."

"Shoot."

"Hindi lang ang DEATH ang hiningian ng tulong ng Eastwood Police. May kinuha rin silang agent mula sa SHADOW."

Naningkit ang mga mata ni Nico. Iba ang kutob niya rito! "Damn it. Don't tell me---?!"

"Yes. Unfortunately, you'll be working with a partner in this case. Guess who?"

Tuluyan nang nawala sa mood ang detective at walang ganang sumandal sa leather chair niya. Kung may mas kinaiinisan siya maliban sa HELP, iyon ay ang SHADOW. Ang katunggali nila sa pagtanggap ng mga kaso. "Huli na ba para mag-suicide ako? This should be illegal! Tell me, sino naman ang napili nilang maging pabigat sa'kin?"

Ngumiti si Dr. Jimenez.

"Eastwood's second best detective. Siguro naman ay magkakasundo kayo."

Natigilan si Nico nang ilang sandali at tinitigan ang nakatatanda na para bang tinubuan ito ng sampung ulo. Nang naiproseso ng kanyang utak ang sinabi nito, agad niyang naiumpog ang noo sa lamesa.

"What in the name of Sherlock?"

Narinig niya ang mapang-asar na pagtawa ni Dr. Jimenez sa kanya. "Before you throw a tantrum, better get dressed. Naka-schedule na ang pagkikita niyo mamaya." May inilagay itong kapirasong papel sa kanyang harapan. Hindi pa rin nag-angat ng ulo ni Nico hanggang sa marinig na niya ang pagsara ng pinto ng kanyang opisina.

He frowned and read the details of their "meeting" later. Inaasahan ba ng mga hudas na pulis sa HELP na magkakasundo sila ng SHADOW? Ano bang pumasok sa mga kukote nila at pinagsama pa ang dalawang pinakamagaling na detective agents sa Eastwood?

"An interesting case with a not so interesting partner. Couldn't this day get any worse?"

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon