Capitulum 25

2.3K 156 3
                                    

Umagang-umaga, pero heto't kinakabahan na naman si Neilson Tolentino. Nang silipin niya ang oras sa kanyang cellphone, napansin niyang malapit na palang mag-alas siyete. 'Tangina naman kasing trapik 'yan!' Mahina niyang mura sa kanyang isip.

The sunlight and the peaceful ambiance of the park did little to ease his nerves.

"Paniguradong papatayin ako ng taong 'yon kapag ginalit ko na naman siya!" Napalunok na lang si Neilson sa naiisip. The possibility scared the shit out of him.

Sa pagmamadali niya, hindi niya namalayang nabunggo na pala niya ang isang tindero ng mga lobo. Natumba ang pobreng lalaki at halos mabitiwan na nito ang hawak niyang mga lobo.

"Naku, pasensya na ho!"

Tutulungan niya sanang tumayo ang tindero pero pinigilan siya ng dalawang bagay: una ay ang katotohanang kailangan na talaga niyang magdali; pangalawa ay ang nakapangingilabot na pakiramdam na may nakamasid sa kanya. Neilson eyed the man sitting on a nearby bench. 'Oh, shit!' Halos mataranta siya nang mamukhaan ang detective.

Detective Nico Yukishito's eyes studied him.

Bago pa man mapaghalataan, agad na naglakad papalayo ang lalaki at humalo sa mga taong papalabas ng parke. His heartbeat pounded inside his ribcage and sweat dripped from his forehead. Mahina niyang ipinagdarasal na sana ay hindi siya sundan ng detective. 'His intimidating aura is enough to make me terrified as shit!'

Pero wala na nga sigurong mas nakapangingilabot pa sa lalaking kikitain niya ngayong umaga.

Hinihingal na binuksan ni Neilson ang pinto ng Night Owl's Café, ilang kanto ang layo mula sa park. The bell chimed, signaling his arrival. Nagpalinga-linga siya sa paligid hanggang sa makita niya ang isang lalaking mukhang edukado at pormal manamit. Kinakabahan niyang nilapitan ito at naupo sa katapat na silya.

The man's eyes never left the menu.

Napalunok muna si Neilson bago nagsalita, "P-Pasensiya na. Natrapik kasi a---"

"Wala akong panahon para sa paliwanag mo. I'm a busy man. Hindi kita binayaran para bigyan ako ng sakit ng ulo." Kalmado ngunit mapanganib ang boses nito. Lubhang mas nakakapangilabot kaysa noong kinausap siya nito sa telepono.

Neilson weakly nodded and waited for his instructions. Habang pinagmamasdan niya ang tinaguriang "Heartless Killer" ng Eastwood, hindi niya maiwasang pansinin ang maliit na sugat sa kaliwang pisngi nito. 'A scratch?' hindi na niya gustong alamin kung saan niya nakuha 'yon.

He's heard enough rumors of this monster. Usap-usapan na ang naging pagpatay nito sa dalawang kababaihan.

'Mas mapanganib pa ang lalaking 'to kaysa sa mga demonyo!'

Ngayon, nagsisisi na si Neilson kung bakit pa siya pumayag na maging gunman ng isang serial killer. Nang mag-angat ng tingin si Heartless Killer, Neilson couldn't help but cower under the man's gaze. Empty and heartless---a bad combination.

"Nakahanda na ba ang lahat para bukas?"

Nanghihinang tumango si Neilson, "O-Opo."

The demon smirked, "Good. Siguraduhin mo lang na hindi ka papalpak. You know the consequences if you fail me again, right?"

Tumango na lamang si Neilson. Kung hindi niya lang talaga kailangan ng pera.

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon