Capitulum 54

2K 149 10
                                    

Detective Nico Yukishito was already fast asleep when his ringtone had awaken him. Maging si Goldilocks ay nagising sa tunog at sinimulang dilaan ang mukha ng kanyang amo. "Arf! Arf!"

"Damn, Sherlock..." Naalimpungatan si Nico nang biglang dumagan sa kanya ang golden retriever. Napabuntong-hininga siya't umupo sa kama. Sinamaan niya ng tingin ang aso, "Do you really have to wake me up whenever someone's calling me? Tapos kung makadamba ka naman, akala mo ang gaan-gaan mo." Pero tumahol lang ang aso at binalingan ang cellphone ni Nico sa nightstand. Patuloy pa rin ito sa pag-ring.

"Arf! Arf!"

"Tsk. Fine." The young detective begrudgingly answered the phone call without checking the caller ID, "Chief, ano naman ang dahilan ng panggigising mo sa'kin ng ganitong oras?"

"You were asleep? Alas-siyete pa lang ah."

"I have an abnormal sleeping routine," humikab si Nico at tumayo. Kamuntikan pa siyang matisod ng ilang librong nakakalat sa sahig. Matagal bago nakasagot si Inspector Ortega. Nico has a bad feeling about this.

"Nahanap na namin ang gunman..."

"And bad news is?"

"...he's dead. Natagpuan siya ng isang basurero kanina sa dumpsite ng Eastwood Heights. Mukhang sinigurado ni HK na mawawalan tayo ng lead sa kanya."

Pero hindi na pinakinggan na Nico ang iba pang mga sinabi ng hepe. His mind is already working out his mental files again, but it kept coming back to that piece of poetry (or riddle) the Heartless Killer left them. 'Malapit ko nang malutas itong kaso. Just one more piece of information,' huminga nang malalim si Nico at kumuha ng t-shirt sa kabinet.

"I'll be there in ten minutes."

*
Eastwood Heights dumpsite
7:12 p.m.

"What in the name of Sherlock do we have here?"

Nang makarating si Nico sa sinasabing dumpsite, agad niyang nilagpasan ang ilang pulis at ECU personnel. He disregarded the flashing siren lights and police lines, heading straight to where the body was found. Madilim ang paligid at halos walang naibibigay na liwanag ang mga kalapit na poste. Masangsang ang amoy ng mga nabubulok na basura, ngunit sa sitwasyong ito, Detective Nico Yukishito knew that the smell is more than just rotten garbage.

'Sino ba namang hindi magigising kung makakaamoy ka ng nabubulok na bangkay?' He sighed and grabbed a pair of latex gloves from his pockets.

Inspector Ortega was already assessing the situation. Katabi niya si Special Agent Briannova Carlos na mukhang kanina pa naroon.

"I always knew the Heartless Killer would do this. Amazing, isn't it? He seems more like a psycopath than his medical records give him credit for."

Lumingon sina Inspector Ortega at Nova sa bagong-dating. The stout man sighed, his mustache well-kept amidst the commotion, "I don't see what's 'amazing' about this situation, Detective Yukishito. Mukhang paulit-ulit ring sinaksak sa mukha ang biktima natin."

Walang pagdadalawang-isip na nilapitan ni Nico ang bangkay na nababalutan ng basura. His eyes spotted the familiar white suite---now stained in red blood. 'Mukhang natuwa si Cassio sa pananaksak sa tauhan niya.' Hindi na halos makilala ang mukha ng biktima at nilalangaw na ang katawan nito.

"Nakita ng isang basurero ang katawan?"

"Oo. Jerome Agapito ang pangalan niya. Ilang taon na siyang nangangalakal sa dumpsite na 'to. He accidentally found the gunman's body when his cellphone rang. Nang ipa-trace namin kanina, nalaman naming na-wrong number ang isang ginang kaya aksidente niyang natawagan ang number ng biktima natin." Sagot ni Nova habang binabasa ang notes. Tumango si Nico, hindi inaalis ang mga mata sa bangkay. "We were lucky. If not for that blessed call, we wouldn't have found the gunman's body."

"Neilson Tolentino."

"Hmm?" Binalingan ni Nico ang dalaga. Ramdam niyang may bumabagabag sa kanya. Detective Briannova Carlos heaved a sigh, "Nakuha namin ang ID niya. Nakumpirma namin na 'Neilson Tolentino' ang pangalan ng gunman. Hiwalay siya sa asawa at may naiwang anak sa ospital."

"Ospital?"

Nova's eyes were filled with remorse, "His daughter has leukemia. Iyon siguro ang rason kung bakit niya kinuha ang trabahong 'to. Neilson only wanted to save his child... pero wala talagang puso ang demonyong 'yon." Nakita ni Nico ang pagkuyom ng mga kamao ni Nova sa galit. He couldn't blame her. Kahit sino naman ay maaapektuhan sa bugso ng emosyon tuwing nakakadaupang-palad ang mga ganitong kaso. A detective's job is never easy but they need to set aside any emotional dilemmas that might ruin the investigation. Kailangan nila ng lohikal na pag-iisip kung gusto nilang lutasin ang kasong ito. Emotions come second.

"Mahuhuli rin natin si Cassio. He can't escape the claws of justice forever." At bumalik si Nico sa kanyang pag-iinspeksyon. Kung may kahit anong ebidensiyang makapagtuturo sa kanila sa lokasyon o katauhan ni Cassio Salvador, he needs to look through evey single detail.

Ilang sandali pa, nagsalita si Inspector Ortega, "Nakumpirma namin na ang cellphone na gamit ng gunman ay pagmamay-ari ni Mrs. Bonnie Javier. Mukhang ninakaw ito noon ni HK at ibinigay kay Neilson. Bukod doon, nabura ang text messages at hindi namin ma-trace ang mga number na ginamit ni HK para kontakin si Neilson. Hinala namin ay nagpapapalit-palit ito ng number tuwing tinatawagan ang gunman."

Nico didn't bother. 'Kaya pala nawawala ang cellphone ni Mrs. Javier noon.. Damn, Sherlock. This killer made sure of everything!'

"At ang baril na ginamit ni Neilson?"

"Nakaw lang din. We confirmed that it was the same gun from that gunshop robbery case last week. Kung hindi ako nagkakamali, taga-DEATH ang may hawak ng kasong 'yon."

'Si Dan. Ito 'yong kasong hinahawakan ni Dan,' isip-isip ni Nico. Well, at least now his colleague's case will be resolved. Kung tama ang pagkakaalala ni Nico, maging ang store owner ng mga baril, aksidenteng natamaan ng ligaw na bala. Hanggang ngayon naka-confine pa rin si Mang Alfred sa Eastwood General Hospital.

Maraming koneksyon sa mga kaganapang ito. Mga kwentong hinabi at ipinagbigkis bilang iisa.

Nico isn't surprised. The best mysteries always have the worst twists.

"Mukhang dead end na naman ito. Neilson Tolentino didn't leave us any useful leads to solve this Heartless Killer case. Gosh! Ni wala nga siyang binigay na clue sa identity ngayon ni Cassio!" Mahinang reklamo ni Nova habang tinititigan ang bangkay. Kung naaapektuhan man siya sa naaagnas nitong amoy, wala siyang ipinakitang indikasyon nito.

Detective Nico Yukishito smirked. "On the contrary, I think Neilson left us a important clue."

Kumunot ang noo ni Nova sa narinig. Maging sina Inspector Ortega ay napukaw ang atensyon. Nico's face became serious as he grabbed something from inside the front pocket of Neilson's bloody white suite. Pamilyar ang card na ito.

Masyadong pamilyar.

Tumalim ang mga mata ni Nico nang makumpirma ang logo nito. The words unmistakable.

"Isa itong calling card mula sa DEATH."

At mukhang bago pa ito.

Nagulat si Nova sa narinig, "i-ibig sabihin nito...?"

The greatest detective in Eastwood nodded. These calling cards were exclusive for high-ranking employees at hindi na sila naglabas nito mula pa noong nakaraang buwan. Kung tama ang hinala ni Nico na si Heartless Killer lang ang nakakausap ng gunman nitong nakaraang linggo, malaki ang posibilidad na kay HK ito mismo nanggaling. Noong panahong kinuha niya ito bilang gunman. At mas malaki ang posibilidad na...

"...our serial killer, Cassio Salvador, is hiding behind the mask of a high-ranking employee at DEATH."

---






✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now