Capitulum 10

3.3K 209 5
                                    

Nico's apartment is a synonym for disaster. 'Yon ang laging sinasabi sa kanya ng mga bumibisita---not that he always has visitors, that is. 'Having visitors is a waste of time,' paalala niya sa sarili. Pero ang totoo niyan, minsan ayaw niya ng mga bisita dahil ayaw niyang maistorbo sa kanyang trabaho...madalas ayaw niya ng bisita dahil ayaw niyang ma-aksidente ang mga ito dahil sa dami ng kalat. Mahirap nang sagutin ang pang-ospital nila.

"Pero mas mahirap pakisamahan ang ka-partner ko sa kaso!"

He slumped down on his favorite blue sofa and rested his feet on the pile of books in front of him. Napangiwi si Nico nang matabig pa niya ang tasa ng kape sa kanyang gilid. Ni hindi na niya matandaan kung kailan niya pa ginamit 'yon. Huminga siya nang malalim at ipinikit ang mga mata.

"Heartless Killer... You really are heartless, in every sense of the word."

Pinauulit-ulit ni Nico ang mga nabasang impormasyon tungkol sa mga biktima. 'Wala siyang iniiwang ebidensya sa crime scene, at mukhang nakikipag-socialize muna siya sa mga biktima. Pero pinapatay niya ang mga ito sa kanilang mga bahay, at mukhang sinasadya niyang bumuntot ang Eastwood police sa kanya,' napabuntong-hininga ang binatang detective. "Mukhang nasa mixed category ang serial killer natin. Both having characteristics of an organized and a disorganized criminal."

Mahihirapan siyang gawan ng criminal profile ang isang 'to.

Natigil lang ang kanyang pag-iisip nang tumunog ang cellphone niya. Tinatamad niyang kinuha ito mula sa bulsa ng kanyang jacket at tinitigan ang screen. After a few seconds of mental debate, napagdesisyunan niyang sagutin ang tawag.

"Dan, ilang beses ko na bang sasabihin sa'yong hindi ako sasama sa party ni Sasha?"

Wala siya halos maunawaan sa kabilang linya. Naging malinaw lang kay Nico ang ilang salita.

"---er's here! Usong magpahinga, Yuki. Minsan ka na nga lang sumama sa'min!"

Hinimas ni Nico ang kanyang sentido. Sumasakit yata ang ulo niya sa sinasabi ng kanyang colleague. How many times does he have to tell him to just leave him alone?

"For Sherlock's sake! Hindi ako sasama. Mas gugustuhin ko pang manood ng Detective Conan kaysa maki-party sa inyo."

Plus, he's tired! Hindi ba maunawaan ng mundo na ang isang Nico Yukishito ay napapagod rin? Nasaan ba ang hustisya?

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Dan. He could almost imagine the other agent pouting like an idiot, thick-rimmed glasses on his face.

"Fine, fine. Have it your way... Nga pala, kamusta ang unang araw mo sa kaso? Balita ko, nagkita na kayo ng partner mo! What's he like? SHADOW agent siya, 'di ba? Si Brian ba? Totoo bang may dala silang granada lagi sa mga bulsa nila?! Anong histura niya? Anong ginawa----!"

Inilayo na ni Nico ang cellphone mula sa kanyang tainga at pinatay ang tawag. He yawned and tossed his phone somewhere on the mess of clothes on the floor. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ibinalik ang konsentrasyon sa kaso.

'I can see no pattern bukod sa lahat ng mga biktima ay babae. Aside from that, I can't think of any classification for them.'

His mind is like a storage cabinet. Iniisa-isa na niya ang mga impormasyon at maliit na detalyeng nakuha niya mula sa files ng mga ito. He tried mentally sorting them and rearraginging everything, but it didn't make any sense. "This is pointless."

"Arf! Arf!"

Tumabi sa kanya ang kanyang alagang aso. He instantly smiled at the golden retriever. "Missed me, Goldilocks?"

"Arf! Arf!"

"I'll solve this case, no matter what happens..." Determinadong sabi ng detective. Kinuha ni Nico ang laptop mula sa ilalim ng sopa at binuksan ito. His fingers immediately typing into the search bar.

Sa kanyang pananaliksik, iisa lang ang pangalang hinahanapan niya ng impormasyon. Nico needs to find out more about the man behind all this, and hopefully, something might make sense in his messy storage cabinet.

Cassio Salvador.

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now