Capitulum 57

2K 159 6
                                    

Hindi malinaw kay Detective Nico Yukishito ang motibo ni Cassio Salvador. Unti-unti na niyang napagtatagpi ang istorya, but a few details are still vague to him.

"---kaya si Cassio Salvador ang Heartless Killer natin, inspector." Narinig niyang pagtatapos ni Nova sa pagpapaliwanag. Mula sa passenger's seat, tumango si Inspector Ortega, tila ba malalim ang iniisip. "Hindi pala kami nagkamali ng suspect noon. Tsk! Pero sana man lang sinabi niyo sa'kin bago kayo nanggulo sa masquerade namin. Do you know how many businessmen fled the scene because of the commotion you made? Sayang."

Hindi na lang umimik si Nova. Wala siyang maisip na isasagot sa kanya.

Umirap si Nico sa sinabi ng hepe. 'Typical. He only thinks of his own benefits.' Tumingin siya sa kanyang relo, 1:15 a.m. it was way past Detective Nico Yukishito's bedtime. Kanina lang nila naayos ang crime scene sa dumpsite. Kinailangan pa nilang ayusin ang ilang legal concerns sa naiwang anak ni Neilson sa ospital para sa kanyang natitirang therapy sessions (with the expertise of an annoying attorney) at i-transport ang kanyang bangkay sa forensic laboratory.

When Detective Nico announced that he needed a coffee break from all the stress, agad na nagprisinta ang hepe na ipahatid sila sa Night Owl's Café---pero kapalit nito, agad rin silang sinermonan at tinanong kung ano ang "progress" sa imbestigasyon nila sa Heartlesss Killer. It was rare that the inspector asked questions and reports about the case but, of course, they couldn't decline. Binayaran ng HELP ang dalawang detective agencies para sa kasong ito. Kahit pa alam nilang aakuin lang rin ng HELP ang lahat ng "credits" sa huli.

"Are we there yet? This seat is making my butt itch, chief. Have mercy on me." Nico complained with a straight face. Napapailing na lang si Nova sa kanyang tabi.

Pero bago pa man makasagot si Inspector Ortega, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kumunot ang noo niya nang mabasa ang pangalan ng tumatawag, but nonetheless, he answered the call, "Anong problema?"

Nico didn't bother eavesdropping on their conversation. Tumingin siya sa labas at pinagmasdang maigi ang paligid. His eyes took in every single detail, his keen senses kicking in.

Napabuntong-hininga si Inspector Ortega at binalingan ang driver, "Bumalik tayo sa presinto mamaya. May emergency doon."

"Yes, sir."

"Anong nangyari?" Pang-uusisa ni Nova. She noticed the way the inspector shifted uneasily in his seat, "May kaso ng kidnapping. A nurse was taken yesterday."

Panandaliang napukaw ang atensyon ni Nico. His eyes narrowed outside as he listened to their conversation. 'A nurse?'

"May lead na ba kung sino 'yong kidnapper?" Detective Nova curiously inquired.

Umiling si Inspectore Ortega, "Hindi ko pa alam ang lahat ng detalye ng kaso. Hindi rin daw mai-describe ng complainant dahil sa bilis ng mga pangyayari. Alam ko lang sa ngayon, isang Minnesota Gervacio ang kinidnap."

Nang banggitin ng inspector ang pangalang 'yon, nagtinginan ang dalawang detectives. A look of understanding dawned upon them. Nag-aalala ang ekspresyon ni Nova, "Minnesota Gervacio? H-Hindi ba siya 'yong nakakita sa bangkay ni Thami Esteban?"

Tumango si Nico. Hindi siya maaaring magkamali. His memory is as clear as daylight during a crime scene. Agad na napalingon sa kanila ang inspector at halatang ngayon lang naaalala ang koneksyon. "May kinalaman kaya ito sa Heartless Killer case?" Kabado niyang tanong.

Sandaling natahimik ang lahat. Hindi nila alam ang isasagot. Was it just a coincidence, or is the Heartless Killer attacking again?

'Damn, Sherlock!' Mahinang napamura si Nico. For the first time in his detective career, he felt himself slowly loosing his grip on the case. Isa na namang inosenteng buhay ang maaaring maapektuhan. "Bullshit!" Nasuntok niya ang pinto ng kotse, na naging dahilan para mapapitlag si Nova. He hates this.

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now