Capitulum 09

3.6K 222 12
                                    

Eastwood Heights
12:15 p.m.

Matagal nang nakadungaw sa labas ng bintana si Nico. He watched the neighborhood pass by in a blur as the car came to a halt. Noon lang niya napansin na nakaparada na pala ito. "Tell me again, bakit ba ikaw ang nagmaneho?"

Sa gilid ng kanyang mata, Nova unbuckled her seatbelt before glancing at him through the rearview mirror.

"Because SHADOW provides its agents with standard benefits---like cars."

Hindi nakalampas sa pandinig ng binata ang pang-aasar sa tono nito. Napasimangot siya sa dalaga. "Are you implying that DEATH doesn't give us enough benefits?"

"Wala akong sinabi."

"May ipinahiwatig ka. Don't get cocky with me, Ms. Carlos."

Ngumisi si Nova at lumabas na ng sasakyan. Hindi tulad ng tinutuluyan ni Miranda, malayo ang destinasyon nila kaya't kinailangan nila ng masasakyan. Huminga nang malalim si Nico at agad ring sumunod sa kanya. Ilang oras pa lang silang magkasama ng babaeng ito, pero sumasakit na ang ulo niya. 'This is exactly the reason why I don't like the female species,' he concluded.

Sinuri niya ang komunidad. Tahimik ang lugar, malinis ang mga bakuran at halatang mayayaman ang nakatira sa subdivision na 'to. "Not a typical place for a serial killing." Pero kung may natutunan man siya sa pagiging isang detective, 'yon ay 'wag ia-underestimate kahit ang maliliit na detalye.

Nang marating nila ang partikular na bahay na napapaligiran ng mga police vehicles at mga taong nakakulay asul na uniporme na may naka-imprintang "ECU" sa likod, agad naramdaman ni Nico ang kagustuhang tapusin na ang kaso. He doesn't like working with ECU rats, or SHADOW agents for that matter.

Sinalubong sila ng hepe ng Heralic Eastwood Local Police, si Chief Inspector Placido Ortega. Kinamayan sila nito.

"Ah! Mabuti na lang at nandito na kayo, Mr. Yukishito, Ms. Carlos. We've just been checking the area for fingerprints o kahit anong ebidensyang makapagtuturo sa'tin sa suspect pero tulad ng sa nakaraang crime scene, wala kaming makita." Sabay himas ng matanda sa makapal nitong bigote.

'That's because you don't know where to look.'

"No worries, chief. We'll handle this," Nico said and accepted the latex gloves given by an ECU officer.

"Ilang oras nang patay ang biktima?" Agad na tanong ni Nova habang naglalakad sila papasok sa eleganteng bahay.

Tiningnan ni Chief Ortega ang hawak niyang notes at sinilap ang kanyang rolex, "Ayon sa initial findings namin, ang estimated time of death ng biktima ay limang oras. She was likely killed around 7:00 a.m."

Habang nag-uusap ang dalawa, dumako ang mga mata ng binata sa bangkay na nasa sentro ng sala. Ang unang napansin ni Nico ay ang nakababahalang katotohanan na... "Wala siyang ulo."

Lihim siyang napangiti. A beheaded corpse is something you don't encounter every day!

"Decubito dorsal ang posisyon niya, tulad ng naunang biktima." A voice came.

Nasira na naman ang mood ni Nico nang tumabi sa kanya si Nova. Napasimangot siya sa sinabi nito at mahinang tumugon, "Obviously. Kahit newbie alam ang bagay na 'yan."

'Dying positions are elementary! Ano bang akala niya sa'kin?'

Nang mga sandaling 'yon, nahihiyang nagtaas ng kamay ang isang ECU personnel na nangangalap ng ebidensiya di-kalayuan sa kanila. "Err... I hope you don't mind me asking. Ano ang decubito dorsal?"

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt