Capitulum 15

2.6K 182 0
                                    

Magmula pa kahapon, naging aligaga na si Neilson Tolentino. Ilang beses na siyang nagpalinga-linga sa paligid, kinakabahang baka bigla na lang sumulpot ang mga pulis at arestuhin siya. It's not like him to be paranoid, but he couldn't help it! It's not like him to accept such dirty jobs as well.

"Wala na akong magagawa. Nakatali na ang leeg ko," he silently reminded himself again.

Hindi na niya alintana ang ingay sa paligid niya. Huminga siya nang malalim at isinantabi ang kinakaing pancake. Sinamaan siya ng tingin ng babaeng nasa counter.

Nawalan na siya ng gana.

The gun suddenly felt ten times heavier inside his jacket.

Nang mag-ring ang cellphone niya, agad niyang sinagot ang tawag, his fingers trembling. "H-Hello?"

"You've failed me the first time."

Bahagya siyang nanlata sa boses nito. Malalim at nakapangingilabot. How could this man be so intimidating over a phone call?

Napalinga-linga ulit si Neilson at hininaan ang boses, "H-Hindi ko alam na armado pala sila! I shot the woman, but she was wearing a bullet-proof vest---"

"Wala akong pakialam sa mga dahilan mo. We have a slight change of plans. This time, if you fail me, susunod ka na sa kanya."

Hindi na nakaimik pa si Neilson. Nanginginig pa rin ang mga kamay niya habang pinapakinggan ang lalaking nasa kabilang linya. Hindi na niya maalala kung paano siya napasok sa sitwasyon na 'to. Basta ang alam lang niya ngayon ay hindi na siya makatakas.

'Damn this heartless man,' he thought.

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now