Capitulum 14

2.8K 194 8
                                    

Eastwood Heights
8:00 a.m.

Hindi na kinailangan pang i-text ni Inspector Ortega ang address---Nico had already memorized it from first glance yesterday. Nang makarating na siya sa bahay na itinuro ng papel na iniwan ng Heartless Killer, nadatnan niya agad si Nova.

"Have you seen it?"

The female detective spun around and arched an eyebrow at him. Magulo pa ang kulay rosas nitong buhok, halatang nagmadali noong tinawagang pumunta rito. "Kung tinutukoy mo ay 'yong ulo ng biktima then, unfortunately, yes."

Tumango si Nico sa ilang pulis. Nagtungo sila sa lugar kung saan nahukay ang ulo ng babaeng kinilalang si Bonnie Javier. Nakarating sila sa hardin kung saan abala sa pagkuha ng larawan ang ilang personnel. Nico's eyes found the poor woman's head.

'Eyes open, lips sealed with duck tape, dried blood covering the skin,' huminga nang malalim ang binata, "Yup. Definitely a work of someone who's out of his mind."

Nag-iwas ng tingin ang partner niya. "Pero ano namang trip ni Heartless Killer? Ang hirap paniwalaan na pinugutan niya ng ulo ang isang babae, binaon sa isang garden tapos nag-iwan ng address para mahanap natin. What's he playing at?"

"Maybe he just wants us to go treasure hunting."

Tumalim ang tingin ni Nova sa kanya. "You're an asshole."

"I'm a detective," kalmadong sagot ni Nico at sinilip ang mansyon sa kanilang likuran. Ano naman kaya ang gustong iparating sa kanila ng killer? "May impormasyon na ba tungkol sa mga nakatira rito?"

Umiling si Nova, "Sabi ni Inspector Ortega, kaninang-madaling araw pa nila pinuntahan ang lugar na 'to. Isang kasambahay lang ang nagbukas ng gate. Umalis daw ang amo nila. They had to deal with legal affairs first before investigating the area. Nang wala silang mahanap sa loob ng bahay, saka lang nila naisipang bungkalin ang bakuran. A police officer noticed the irregularity of the lawn." Dumako ang mga mata ni Nico sa hukay.

Kung paano nagawang itanim ni Cassio Salvador ang ulo ng biktima niya roon, ayaw nang alamin pa ni Nico.

"I don't think he chose this house randomly. Ilang kalye rin ang layo nito sa bahay ng biktima."

"I thought so, too. I should go check on the police. Ini-interview na nila ang kasambahay." At umalis na si Nova sa crime scene, passing by several cordons. Nakahinga nang maluwag si Nico nang mawala ang dalaga.

Mas nakakapag-isip siya nang mag-isa.

"Tsk. Clearly, our killer is a little more creative than I give him credit for," bulong niya sa sarili at naglakad-lakad sa bakuran. Nakita niyang nagkalat ang ilang plastic cups at balat ng junkfood. Bago lang ang mga 'to.

"Mukhang wala pa yata akong makukuhang ebidensiya dito."

Akmang babalik na crime scene si Nico nang makita niya ito sa lupa. His eyes narrowed, a smirk pulling up his lips. 'What in the name of Sherlock is this doing here?' Nilabas niya ang kanyang smartphone at kinuhanan ng litrato ang nakita.

Malakas ang kutob niyang si Cassio Salvador, ang "Heartless Killer", ang nag-iwan nito.

'Ang akala ko pa man din maingat siya sa mga ginagawa niya.'

Makalipas ang ilang sandali, dinaluhan na ni Nico sina Inspector Ortega at Nova. Kasama nila ang isang babaeng may katandaan na rin. He didn't need to be a genius to figure out that she was the maid they were talking about. Isang malaking give-away na ang suot niyang uniporme.

Namulsa ang binata habang papalapit sa kanila, "May napala na ba kayo sa pagtatanong o kailangan pa nating kumuha ng abogado? I bet those stupid attorneys are always happy to assist us in the name of justice and money."

Sasagot na sana si Inspector Ortega nang umalingawngaw ang isang malalim na boses sa likuran ni Nico.

"Unfortunately, this attorney is not happy to assist your foolishness, detective. Lalo pa't may plano yata kayong sirain ang lahat ng legal concerns sa ginagawa niyo ngayon."

Agad na lumingon si Nico at sumimangot sa bagong dating. "Sino ka naman?"

Naglahad ng kamay ang lalaki, nakasuot pa ito ng pormal na damit at matalim ang titig sa kanya. His sharp eyes are a lovely contrast to his calm composure.

"Attorney Lelouch San Andres---ang district attorney ng Eastwood police at ang may-ari ng bahay na 'to."

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now