Capitulum 58

1.9K 143 1
                                    

Mula sa dilim, pinanood ni Cassio ang pagdating ng mga pulis at paramedic. He cursed under his breath when he saw Minnesota being transported on a stretcher. 'Hindi na rin siya magtatagal. It would take a miracle to save that bitch.' Kung paano siya nahanap ng mga ito, hindi na niya alam. Nagkakagulo na ang pulisya, at sa gitna ng kaguluhang ito, maingat na sinipat ng mga detectives ang kagamitan sa loob ng kanyang bodega.

"Fucking detectives.."

Halos maramdaman na ng Heartless Killer ang pagbaon ng kanyang mga kuko sa kanyang palad. He didn't even flinch when his nails pierced the flesh. "Cassio Salvador" was already numb to pain. Gwendolyn made him into monster. Huminga siya nang malalim at naglakad papalayo kung saan niya pinarada ang kanyang sasakyan.

"They have only 'til midnight."

He'll get his revenge---one way, or another. Handa niyang ipatapon ang kanyang kaluluwa sa impyerno, mapatay lang ang lalaking 'yon. 'This time, he won't get away.'

"Good luck, detectives." Ngumisi ang Heartless Killer at pinaandar ang sasakyan.

He drove away, as the first streaks of sunlight cascaded upon the dark skies.

*

"Nico?"

Detective Nico Yukishito was pulled out of his reverie when Nova tapped his shoulder. Nang balingan niya ang dalaga, napansin niyang nakasimangot na ito. "Kanina ka pa tulala diyan. Iniisip mo pa rin ba 'yong tulang pinadala ni HK?"

Tumango ang binata at pinagmasdang isakay sa ambulansya si Minnesota. Nasa kritikal siyang kondisyon. Mabuti na lang at mabilis na nakarating ang ambulansya. That much blood loss can kill anyone. Napabuntong-hininga si Nico, "Sigurado akong si Cassio Salvador ang dumukot sa kanya. I've pieced out all the evidence inside that storage room---but his motive still puzzles me."

Marahang ngumiti ang dalaga. "We'll figure it out. For now," tumingin si Nova sa papalayong ambulansya at naalala ang kaawa-awang hitsura ni Minnesota, "let's just hope she survives."

Huminga nang malalim si Nico at ipinikit ang mga mata. Biyernes na nga pala ngayon. Ilang araw pa lang nilang hawak ang kasong ito, pero marami nang kaganapan. Marami nang naaapektuhan. The facts are unraveling before him. The serial killer's methods are yet to be deciphered. 'Pero ano ba talaga ang dahilan niya?'

Nico's attention was taken by the unexpected call. He recognized his uncle's number. Napasimangot ang binatang detective at nai-decline ang tawag.

Nico still hated his uncle for hiding things from him. At ngayong alam na nilang nagtatago sa likod ng maskara ng isang mataas na empleyado ng DEATH si Cassio Salvador, lalo nilang hindi pwedeng pagkatiwalaan ang sinumang nagmula sa kompanyang 'yon.

"The best mysteries have the worst twists."

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now