Capitulum 01

9.6K 383 11
                                    

S U N D A Y

---

February 24, 2019
DEATH's headquarters, Eastwood
8:01 a.m.

Sa loob ng kanyang opisina, ibinubuhos ni Nico ang kanyang konsentrasyon sa tinatasahang lapis. His eyes narrowed down to the object with keen observation. Napangiti siya nang makitang perpekto na ang tulis nito.

"In times of need, a pencil can be as deadly as a knife." bulong niya sa sarili at akmang ilalagay na sa kanyang drawer ang lapis--kasama ang siyamnapu't siyam na kauri nito--nang may magsalita sa kanyang harapan.

"Is this how Eastwood's greatest detective spends the rest of his morning?"

Napangiti siya nang makita ang senior consultant ng kompanya nila. "Glad to see you again, doctor. Anong kaso na naman ba ang ibibigay ng DEATH sa'kin? A missing kitten, or perhaps, a flat tire?" sarkastiko nitong sabi.

For the last few months, wala nang exciting na kasong dumarating sa kompanya nila. Nico had to endure even the most worthless cases like finding a missing pet or tracking those silly thieves from a grocery store robbery. Minsan natatanong na lang niya sa sarili, 'Nasisiraan na ba ng bait ang mga taga-Eastwood at kailangan pa nilang magtawag ng detective para sa mga kasong 'to?!' Kung alam lang niya na magiging ganito ka-boring ang buhay niya sa DEATH, malamang nag-Grab driver na lang siya.

Dr. Jimenez, a man in his late forties, laughed at him. May inilagay itong folder sa kanyang mesa.

"I think you will be interested in this case."

Humikab si Nico at pinaglaruan ang mga reports na naka-stack sa kanyang mesa. Siya nga pala ang inatasan ng magaling niyang tiyuhin na i-review ang mga ito. He started making paper airplanes out of them. "How so?"

Napabuntong-hininga si Dr. Jimenez sa inaasal ng kanilang number one agent at sumeryoso ang ekspresyon, "Naaalala mo ba 'yong isang pasyente sa mental hospital na kinagat ang kamay ng isang nurse?"

Nico blinked. "Yup. Ipinalabas sa balita noong December 20, 2016. I was in the shower that time but I found it quite... amusing. It was even on the headlines the following day."

Tumango si Dr. Jimenez at nagpatuloy, "Nakatakas siya noong 2017."

Natigil sa pagtutupi si Nico. Hindi na niya sinundan ng tingin ang papel na eroplanong lumipad paikot kay Dr. Jimenez. Now, he has his full attention.

"What in the name of Sherlock are you talking about? Wala naman akong nababalitaan."

Hinablot bigla ni Nico ang folder sa kanyang mesa. Mabilisan niyang binasa ang nilalaman nito.

"Wala kang nababalitaan dahil pilit kino-kontrol ng Eastwood police ang sitwasyon. They've literally begged the media to keep quiet about it to avoid 'public chaos'."

Napasimangot si Nico.

"Kaya pala. How could those bastards keep this quiet?" Binasa niyang muli ang nakalagay sa files, "Tumakas pala siya noong October 2017, nag-massacre ng isang mayamang pamilya at pinagtataga pa ang ilang mga pulis!" Napailing na lang siya habang tinitingnan ang mga larawan ng crime scene.

It was too bloody. Clearly a masterpiece of someone who is out of his mind.

Naupo sa isang sopa si Dr. Jimenez. "Precisely."

Inside his head, Nico could already hear his mental gears turning. Sa mga pagkakataong ito, umaandar ang kanyang pagiging detective. "At ngayon lang humingi ng tulong ang Heraldic Eastwood Local Police? Despite the abbreviation of their useless department, they ask our assistance as frequently as a blood moon. May hindi tama dito," Nico smirked, "Kailan pa natutong humingi ng tulong sa'tin ang gurang nilang hepe?"

Kilala na ni Nico ang mapagmataas na chief ng HELP. Alam niyang may mas malalim na dahilan ito kaya niya inilalapit sa DEATH ang kaso. As far as history goes, DEATH and HELP always had an undying feud between them.

"I believe you're already aware of their protocol. They only ask help from other agencies whenever the situation goes beyond their control. Nitong nakaraang buwan lang ay may nahanap silang bangkay. They suspect it was the work of that madman who escaped the mental hospital, Cassio Salvador."

"Why him?"

"Those photographs will answer that."

Napansin ni Nico ang kulay brown na envelope na nakalagay sa pinakalikod ng mga file. Mula rito, kinuha niya ang ilang larawan. The photos were captured from different angles. Mga larawang kuha ng crime scene at mukhang bago pa ang mga ito.

Nang mapansin ni Nico ang pagkakatulad sa paraan ng pagpatay, naiintindihan na niya kung bakit isang takas sa mental ang pinaghihinalaan ng pulisya. Sa ilang buwan ng pagtatrabaho niya sa DEATH, ngayon lang siya nakakita ng ganito kadugong pagpatay.

Ngayon lang ito nangyari ulit sa Eastwood.

"He seems to have a pattern." Kumento niya habang tinititigan ang mga larawan. Naikumpara niya ito sa mga larawang kuha mula sa crime scene ng pamilyang na-massacre noong 2017.

Nakapukaw ng kanyang atensyon ang malaking butas sa dibdib ng mga biktima. An internal organ missing.

"He seems to be fond of stealing their hearts...literally." Napangiti si Nico. Finally, some action!

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now