Capitulum 32

2.1K 150 0
                                    

Hinimas ni Nova ang kanyang pulsuan. The handcuffs left faint marks on her skin. Napabuntong-hininga siya. 'Well, at least Lelouch didn't catch Nico sneaking into the mansion.' Hindi niya alam kung anong hokus-pokus ang ginawa ng partner niya. Paano nga ba nakapagtago agad ang isang 'yon? 'Baka nga may Ph.D. sa pagiging akyat-bahay ang isang 'yon!' Hindi na siya magtataka.

Nonetheless, she was relieved when Lelouch returned a few minutes later, an apologetic smile on his face. Walang-imik nitong inilapag sa katabing sopa ang boa constrictor at tinanggal ang posas ni Nova.

'Weird.'

Ngayon heto sila't umiinom ng tsaa. Nova sat cross-legged in front of him, the giant snake wrapped around the coffee table's leg. Ilang sandali pa, nagsalita na ang abogado. "I apologize for my behavior earlier, Nova. Magmula nang mahanap 'yong ulo ni Mrs. Javier sa bakuran namin, I've feared that the killer would return." Then, he gave her one of his boyish smiles again.

Ngumiti si Nova, "You're calling me that again."

Kumunot ang noo ng abogado, "Calling you what?"

"Nova."

Nag-iwas ng tingin si Lelouch, bahagyang nahiya. Mahinang natawa si Nova sa naging reaskyon ng dating kasintahan. Hindi niya maitatangging kumportableng kasama si Lelouch. They've been together since high school, at mukhang marami pa ring hindi nagbabago sa kanila.

Nova.

Si Lelouch ang unang nagbansag sa kanya ng palayaw na 'yon. It was his endearment for her.

Huminga nang malalim si Lelouch. Muling nagtama ang kanilang mga mata. Nova felt her heart quicken at the way he stared at her. Napalunok siya. Masama ang kutob niya rito!

"Nova, about what you said... I'll have to believe that you were telling the truth. If we still have mutual feelings for each other, then---"

Pero agad na nakapukaw sa atensyon ni Nova ang bulto ng lalaking bumaba ng hagdan. Nico smirked sexily at her and waved. Tila ba nang-aasar pa! Nova glared daggers at him.

'Gosh! I'm so gonna kill him!'

Noon lang napansin ni Nova na kanina pa nagsasalita ang abogado. Lelouch paused, clearly confused. "Nova? Nakikinig ka ba? Para kang nakakita ng multo."

'Tsk! Sana nga multo na lang ang nakita ko!'

But, of course, she can't voice that out. Mabilis siyang bumaling kay Lelouch at ngumiti. Her acting skills kicking in again. "Naalala ko lang na may lakad pa pala ako."

"Is this about the Heartless Killer case again?"

'Paano niya nalaman 'yon?' Kinalma ni Nova ang sarili. Oo nga pala, si Lelouch ang district attorney ng HELP kaya malamang updated siya sa lahat. Tumango si Nova. Ilang sandali pa, tumunog ang cellphone niya.

Detective Nico was calling her. Mabilis niya itong sinagot.

"Mission accomplished. Pwede ka nang lumayo sa ex mo, Nova." Nico's baritone voice came from the other line. Nanigas siya sa kanyang kinauupuan ang dalaga. 'Alam niya?!'

She sighed. "I'll be there."

Bakit ba parang ang bilis niyang makabalik? Oh, well. Bahala na siya. Pinatay na ni Nova ang tawag at nakita ang nakasimangot na abogado. Lelouch's eyes calculated her soul. Magnetizing, that's how she can describe them.

"That reckless partner of yours called you."

It wasn't a question. It was a statement. Kung paano ito nalaman ni Lelouch, wala na siyang planong tanungin. She nodded and stood up. "May pag-uusapan lang kami sa kaso." 'Pag-uusapan namin kung ikaw nga talaga ang killer.'

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now