Capitulum 24

2.4K 164 1
                                    

Dedicated to IanneCV
Enjoy reading!

---

T U E S D A Y

Night Raven Park, Eastwood
6:57 a.m.

The morning skies bestowed vibrant rays of sunlight and warmth throughout the area. Payapa ang paligid at kakaunti lang ang mga batang naglalaro sa may playground. Sa di-kalayuan, natatanaw ni Detective Nico ang malaking puno ng akasya na siyang sentro ng parke. Huminga siya nang malalim, "Where the Sherlock is that woman?" Sabay silip niya ulit sa kanyang relo.

'I've been waiting here for thirty minutes, yet I haven't even seen her shadow!' He mentally complained and leaned back on the wooden bench.

Yup. This is one of the many reasons why he doesn't like the female species. Mukhang nagsasayang lang siya ng oras dito.

"If she doesn't show up in the next five minutes, I'll head downtown and grab a cup of coffee." Dumako ang mga mata ni Nico sa mga batang naglalaro. His eyes randomly picked a little girl laughing along with her peers. Automatic na namang umiral ang deduction skills niya.

'Six years old, kinder student, Katoliko, may dalawang nakababatang kapatid, hiwalay ang mga magulang, nakatira sa puder ng ama, kumain ng chocolate-flavored ice cream kanina, extrovert in nature...' Naipikit na lang ni Nico ang kanyang mga mata at hinilig ang ulo sa sandalan ng inuupuan. Sumasakit na naman ang ulo niya.

That's the problem when you have an inborn mental storage cabinet in your head. Once his detective skills conquer him, the information keeping flowing in, never out. 'This curse has its advantages for a man of my profession,' pagpapaalala niya sa sarili.

"---pasensya na ho!"

Agad na nagmulat ng mga mata si Nico sa narinig. Pinanood niya ang paghingi ng tawad ng isang lalaki sa nabunggo niyang balloon vendor. Nico's eyes narrowed at the scene, at hindi nakaligtas sa kanyang obserbasyon ang pagsilip sa kanya 'nong lalaki mula sa gilid ng kanyang mga mata. The man suddenly became wary of the detective.

'Masama ang kutob ko sa isang 'to.'

Pero bago pa man niya makilatis nang maigi ang lalaki, agad rin itong naglakad papalayo at humalo sa mga taong papalabas ng parke.

"Damn Sherlock."

Tumayo ang binatang detective at nilapitan ang pobreng balloon vendor na kasalukuyang pinapagpag ang marumi niyang damit. Sa unang tingin, mukha lang siyang ordinaryong tindero na naghahanap-buhay para sa kanyang pamilya.

Detective Nico Yukishito rolled his eyes.

"I wasn't informed that selling balloons is your part-time job." Napamulsa na lang si Nico, isang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi, "Clever disguise, by the way---but still not good enough, Ms. Carlos."

"Hindi ko po alam ang sinasabi mo, hijo." Sagot ng tindero sa garalgal na boses habang inaayos ang mga hawak na lobo.

Napapailing na lang si Nico, "Cut the act. Ganito na ba ang gimik niyong SHADOW agents dahil wala na kayong pondo? Very unprofessional, indeed."

Sharp eyes glared at him.

"Tsk. Paano mo nalamang ako 'to?" Tanong ni Detective Briannova Carlos sa normal niyang boses. Nagkibit-balikat lang si Nico at kinuha ang isang hibla ng kulay rosas na buhok na nakakapit sa maruming damit ng dalaga. Napabuntong-hininga na lang si Nova. 'Gosh! Kahit maliliit na detalye, napapansin ng isang 'to!'

Walang-imik na lang silang bumalik sa pwesto ni Nico. The number of people in the park is increasing as the minutes ticked by. Itinali ni Nova ang hawak niyang props sa isang puno at sumimangot, "Ang sabi ko seven."

"It already is. See?" At sinipat ni Nico ang relo bago pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng costume ni Nova. "Ngayon nauunawaan ko na kung bakit kilala ka sa panlilinlang. I should've known those magazine editors called you the Master of Disguise for a reason."

Ngumisi si Nova, "I'd prefer to be called the 'Mistress of Disguise'. It's more feminine." Sabay kuha nito ng baby wipes sa bulsa at pinunasan ang make-up sa kanyang mukha. Instantly, the face of a poor balloon vendor vanished and the female features showed. "Make-up transformation ang hidden talent ko. I have the skills to change my voice too." Tinanggal nito ang kanyang suot na cap. Bumagsak sa kanyang balikat ang mahaba at kulay rosas niyang buhok.

"Nagpapakitang-gilas ka ba sa'kin kaya ka nakaganyan?"

Ngayon, si Nova naman ang umirap, "Oh, please. I was just observing our surroundings for any possible threat. Delikado na at baka umatake na naman ang gunman. Mabuti na lang talaga at may Ph.D. na ako sa pagbabalat-kayo kaya walang nakapansin sa'kin."

Tumango si Nico, "You can be anyone without people recognizing who you really are. Clever, indeed."

Umiwas ng tingin si Nova, a little uncomfortable with the compliment. Tama ba ang narinig niya? Pinupuri nga ba siya ni Detective Nico? Nakakapanibago.

Martes na ngayon. Dalawang araw magmula nang matanggap nila ang kaso. Alam ng dalawang detectives na kung gusto nilang mahuli si Heartless Killer, they need to cease-fire from their verbal attacks.

'Still, she better not get in the way of my own investigation,' mapait na isip ng binata bago inabot kay Nova ang kopya ng autopsy reports ni Mrs. Bonnie Javier. Walang inaksayang oras si Nova at binasa ang mga ito.

"Kinakitaan namin siya ng amitriptyline sa kanyang dugo. High doses of it, actually."

Nag-angat ng tingin si Nova, "'Yong sleeping pill na ginagamit na anti-depressant drug?"

"Yup. The serial killer probably used its effects to his advantage."

"Kaya walang narinig na kakaiba ang mga kapit-bahay nina Mrs. Javier. He killed her while she was unconscious."

"Exactly," sumandal muli si Nico sa bench at pinagdiskitahan ang mga natuyong dahon sa kanyang gilid. "Sinuyod ko na ang lahat ng pharmacy stores kahapon sa Eastwood Heights. Wala silang binentang ganoong gamot kahit kanino nitong nakalipas na buwan. Which led me to another conclusion," he stared at his partner. Seryoso lang ang mukha ni Detective Nico Yukishito nang magsalita siya, "Kung gagamit rin lang si Heartless Killer ng sleeping pills, sana normal na sleeping pills ang binili niya. Bakit 'yong anti-depressant pa? At isa pa, malakas rin ang kutob kong hindi niya binili ang mga 'to. Magiging kahina-hinala siya kung gagawin niya 'yon... Therefore, I think he got these amitriptyline pills from someone else. He stole them from someone who was suffering from depression and used these pills for remedy."

Kumunot ang noo ni Nova. "Kanino naman niya nanakawin ang mga 'to? Alangan namang i-trace pa natin ang lahat ng mga taong may depression sa Eastwood! They could be from anyone's medicine cabinet!"

Lumawak ang ngiti ni Nico, his dimples showing off.

"This is where the interesting part comes. Tiningnan mo bang maigi ang mga larawan ng crime scene ni Covaline? She was murdered inside her own bathroom. Take a look at this," may kinuhang larawan si Nico mula sa katabing envelope at ipinakita ito kay Nova.

It was a picture of the bathroom, kung saan brutal na pinatay si Covaline. Nang ituro ni Nico ang background, halos manlata si Nova nang makita ang bukas na medicine cabinet at nakakalat na mga gamot sa sahig ng banyo.

Nang pagmasdan niya itong maigi, doon niya lang nakitang maigi ang ilang bote ng sleeping pills na walang laman.

Nico's eyes twinkled, "Nang ni-research ko ang brand, nakumpirma kong may kemikal na amitriptyline ang sleeping pills na 'yan. Ngayon alam na natin kung kanino kinuha ni Heartless Killer ang mga sleeping pills na ginamit niya kay Mrs. Javier."

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now