Capitulum 37

2.1K 149 6
                                    

Napalingon si Nico kay Nova. His full attention now hers. Kumunot ang kanyang noo sa narinig. "So, you're telling me, that that stupid and incompetent attorney has a wound on his face yesterday?" Napasimangot naman ang dalaga sa adjectives na ginamit niya, "Yes."

"And, damn Sherlock, you didn't even tell me about it yesterday?!"

"I didn't think it was big deal! Sugat lang naman 'yon. Hindi ko naman alam na posible palang maging lead sa isang serial killing."

Napasapo na lang ng noo si Nico, clearly frustrated. His head is running wild with theories and information. Isang posibleng ebidensya, ngunit hindi pa rin ito sapat. Hindi pa rin siya sigurado. The results from that dried blood stain will tie things up---whether Atty. Lelouch San Andres is the serial killer or not.

Binalingan niyang muli ang bangkay ni Thami Esteban. "Kung tama ang hinala ko, may mabigat na motibo si Heartless Killer sa ginagawa niyang ito. It's foolish to believe that he's doing this just for fun. I can sense a deeper meaning behind all of this."

Walang-imik na nag-iwas ng tingin si Nova. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nasanay makakita ng mga bangkay, let alone, a one this bloody. Kung sinuman ang demonyong nasa likod ng mga pagpatay na ito, nakasisigurado siyang halang na ang bituka niya. 'This is immoral, to the highest degree.' "What's your criminal profile?"

Abala si Nico sa pagsisipat sa bangkay. He was crouched down beside the corpse when he answered, "The Heartless Killer is obviously a man. Well-educated and smart. Marami siyang nalalaman sa mga krimen at partikular siya sa mga maliliit na bagay. Maingat siyang kumilos, at paniguradong nai-plano na niya ang lahat ng ito. From his style of killing, it seems that he likes to organize things."

Criminal profile ang tawag sa ginagawa ng mga imbestigador tuwing may nagaganap na krimen. Base sa paraan ng pagpatay, klase ng biktima, pinangyarihan ng krimen, at iba pang "factors", nahuhulaan nila kung ano ang characteristics at personalidad ng mismong suspect. Guessing the description of the suspect using the small clues he left behind. Malaking tulong ito sa mga awtoridad para alam nila kung sino o anong klase ng tao ang hahanapin nila.

This time, it was Nova's turn to frown, "Organize things? Paano mo naman nasabi? Masyadong brutal, madugo, at magulo ang paraan niya ng pagpatay. Where's the order in that?"

Nico smirked, stood up and pointed towards the body. "Tingnan mong maigi. Iisa lang ang posisyon ng mga biktima. Decubito dorsal. Their bodies laid on their backs. Notice how Thami's hands are folded ontop of her stomach? Ganyan rin ang posisyon nina Covaline at Mrs. Javier nang una silang makita." Pinagmasdan ni Nico ang bangkay. Hindi siya maaaring magkamali. Iisa lang ang posisyon ng tatlong biktima. Whether the Heartless Killer has a twisted taste in death positions, or he is an organized man who loves to keep things in order.

'I have my bets on the latter option,' he thought.

Huminga nang malalim si Nova, tila ba nauunawaan na ang sinasabi niya. "N-Ngayon ko lang napansin. The positions do have similarities."

"Thus, the masterpiece of the Heartless Killer of Eastwood! Hindi lang ang atensyon ng mga pulis ang nakuha niya, pati na rin ang respeto ko bilang isang detective." Mahinang sabi ni Nico bago naglakad papalayo.

"Saan ka naman pupunta?"

"Since the dead hasn't left us any dying message, we'll just have to settle with the witness." Walang lingon niyang sabi habang papalapit sa pwesto ng nurse na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin sa takot.

Umirap si Nova sa inasta nito, "Nababaliw na nga siya. Tsk! But I don't trust him with the interviews. Not one bit." At agad rin siyang sumunod kay Nico. Mahirap na't baka mairita na naman ang "pinakamagaling" na detective sa Eastwood. Lalo na't mukhang wala pa itong maayos na tulog.

*

Nico walked towards the nurse, brushing past several ECU personnel. 'Late na naman sila. Tsk. I'm surprised they still have a salary!' Huminga siya nang malalim at nilapitan ang dalaga. Her eyes darted towards him, pero agad rin itong nag-iwas ng tingin. "Na-interview na ako kanina ng mga pulis," mahina niyang sabi.

Nico nodded, fished his wallet and showed his badge. "Detective Nico Yukishito ng DEATH. I'm handling this case, and I need your cooperation, miss...?"

"Minnesota Gervacio," sagot ng nurse at sumimangot sa binata, "I told you, na-interview na ako ng mga pulis kanina. A-Ayoko nang alalahanin pa ulit ang mga detalye."

"I don't trust the police, especially their guillible newbies." Sabay baling ni Nico sa baguhang kumausap kanina kay Minnesota. Nahulog pa nito ang ilang notes habang nakikipagbiruan sa mga kasama. Napabuntong-hininga na lang ang detective, "Just repeat whatever you narrated earlier. May napansin ka bang kahina-hinalang taong umaaligid kanina nang matagpuan mo ang katawan?"

Minnesota shook her head, fear in her eyes, "W-Wala. Tulad ng sinabi ko sa HELP, pauwi na ako galing sa ospital kanina nang mapadaan ako dito. Napansin kong amoy naaagnas na karne, kaya sinilip ko 'tong eskinita. Then, I found her." Nag-aalinlangan niyang sinilip ang bangkay ni Thami Esteban. Napapikit na lang si Minnesota at mukhang malapit nang masuka. "Ano bang nangyayari?"

Nova's voice answered from behind Nico, "May serial killer dito sa Eastwood. The demon goes by the name 'Heartless Killer'. As you can see, he likes taking his victims' hearts." Hindi na pinansin ni Nico nang tumabi ang detective sa kanya. Seryoso na rin ang ekspresyon ni Nova, pero nagawa pa rin nitong ngumiti kay Minnesota.

"Don't worry, we'll catch him. By the way, I'm Detective Brian Carlos from SHADOW." At nakipag-kamay siya rito.

Ilang sandaling nanahimik si Min bago niya binasag ang katahimikan, "Why her? Sabi niyo isang serial killer ang pumapatay. May pinipili ba siyang mga biktima?"

Narinig ng dalawang detective ang pangamba sa boses ng dalaga. They couldn't blame her. Kahit sino naman, matatakot sa ganitong mga insidente. Nico sighed, "We have a guess that he's targeting women who commit infidelity. Mga babaeng nangangaliwa at nagloloko sa kanilang mga relasyon. But we still need to verify things first."

Nanlaki ang mga mata ni Minnesota sa narinig. Bigla niyang naalala ang kaibigan. 'Shit, si Fe! Baka pagdiskitahan pa siya 'nong killer!' Minnesota tried to calm herself. What are the odds of Feralda being the next victim? Sasabihin na niya sana ito sa dalawang detectives nang umalingawngaw ang boses ng isang taga-Eastwood Crime Unit.

His voice was anxious and terrified, "May nakita kami dito. Nakasuksok loob ng chest cavity ng bikti---"

Isang malakas at nakagigimbal na pagsabog ang pumutol sa kanyang sasabihin---at sa kanyang braso. Chaos arised in the form of an explosion, smoke, and blood.

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now