Capitulum 11

3.2K 195 4
                                    

Sa lahat ng mga bagay na napaghandaan na ni Minnesota, ang biglaang pagpunta sa isang party ang hindi niya inaasahan. Matapos ang kanilang shift, nabigla na lang siya nang hatakin siya ni Fe para magpalit ng damit at sumama sa kanya sa kung saan. "Bakit ba kailangan kasama ako?" Naiinis niyang tanong habang inaayos ang damit na dinala para sa kanya ng kaibigan. It was a bit too short for her liking.

Fe shrugged, "Be, ayokong mag-isang pumunta doon! Baka mamaya maakit ko pa lahat ng mga lalaki tapos 'di na ako paalisin. Alam mo namang minsan lang bumaba sa lupa ang isang diyosa!"

Napairap si Min at inulit ang tanong, "Gaga. Bakit nga sinama mo pa ako? Hindi ko naman kilala ang may birthday eh." Ang alam lang ng dalaga, birthday celebration ito ng isang dating ka-batchmate ni Fe. Malamang niyan ma-"out-of-place" siya mamaya sa party. 'Plus, nakakahiya! Baka sabihin nila party-crasher ako!' She mentally complained.

Pero natawa na lang ang matalik na kaibigan, walang pakialam sa matalim na tingin sa kanila ni manong taxi driver.

'Lakas kasi ng bunganga nito.' Min sighed.

"Friend naman! Ngayon ka pa aatras kung kailan malapit na tayo? Ayos lang 'yan! Pwede naman daw akong mag-invite. Tapos narinig kong pupunta rin daw ang kuya ni Sash! Chance ko nang magpapansin kaya kailangan ko ng moral support mo!"

Napapailing na lang si Min habang lumalalim na ang gabi. Nag-text na rin naman siya sa nanay niya, kaya okay lang naman siguro, hindi ba? Pwera na lang kung nalito na naman ito sa paggamit ng cellphone.

"Sige na nga."

Tutal, wala na rin naman na siyang magagawa. She'll just make the best out of the situation.

*

Ilang sandali pa, nasa harapan na sila ng isang malaking bahay sa Eastwood Heights. Nasa labas pa lang sila, naririnig na nina Min at Fe ang maingay na musika na nanggagaling sa loob. "Tara na! Party-party na! Wooooh!" Masayang sigaw ng kaibigan. Min took in a deep breath and followed her. Bahala na.

Nang makapasok sila sa loob, agad nilang napansin ang dami ng mga tao. Nagkakasiyahan na sila sa pag-inom at pag-kain. Some were chattering happily on the sides. Bago pa man makapag-isip ng excuse si Min para umalis, agad silang nilapitan ng isang lalaki. He stashed his phone away and smiled at them. His thick eyeglasses reminded her of Dexter in those shitty cartoons.

"Hello there, ladies! My name's Dan." At kinamayan sila nito.

"Hey. Nice meeting you, Dan! I'm Feralda at ito naman si Minnesota..." Baling sa kanya nito. Fe continued with a sweet and obviously fake smile, "Nakita mo ba si Sash? Kanina ko pa hinahanap eh."

Mukhang hindi naman nakahalata si Dan at itinuro ang direksyon ng loob ng bahay.

"Nasa loob sila ng kuya niya. Nag-eentertain din ng mga bisita. Nga pala, can I get your numbe-----?"

"Thanks, bye!"

At mabilis na siyang hinila ni Fe papasok ng bahay. Hindi na nila alintana ang mga nabubunggo nila. Min smiled apologetically at them. 'Kapag naka-on na talaga ang boylet RADAR ng isang 'to, wala nang nakakapigil sa kanya.'

Nang makapasok na sila sa loob (kung saan mas maraming bisita) agad na hinanap ni Fe ang birthday celebrant. After a few minutes, kaharap na nila ito. Hindi na lang siya umimik hanggang sa natapos na sila sa pagkakamustahan at ipinakilala na siya ng kaibigan. Min smiled shyly at the woman, "Um... Happy Birthday." Ano pa nga ba ang dapat niyang sabihin?

Ngumiti nang matamis ang may kaarawan. "Thanks!" Panandaliang dumako ang mga mata ni Sasha sa lalaking kanina pa tahimik sa kanyang tabi. Matangkad ito at mukhang malalim ang iniisip. Sasha nudged the man with an elbow, "Ito nga pala ang kuya ko. Kakauwi niya lang galing sa New York kahapon. Nagbakasyon kasi siya."

Nakikita na ni Minnesota ang pagkutitap ng mga mata ni Fe.

"Talaga? Omg! Ang astig naman! Anong trabaho mo?"

Hindi pa rin umiimik ang lalaki. Uninterested. Sasha sighed and smiled at them, "Abogado siya."

Mukhang pinana na talaga ni kupido ang puso ni Fe. Napabuntong-hininga na lang si Min at ipinagdasal na sana ay hindi ito himatayin. Mukhang magkukombulsyon na kasi ang kaibigan anumang oras mula ngayon. Min noticed Sasha turned to her brother, a little irritated.

"Kuya, magsalita ka naman diyan." Biro niya rito.

But the attorney only gave a small smile, "Excuse me. I still have something to work on." At umalis na ito nang walang pagdadalawang-isip. Halos maiyak na si Fe sa panghihinayang. "Ay. Ang killjoy naman ng kuya mo."

Alanganing ngumiti si Sasha, "Ganyan talaga siya noon pa. That's my workaholic brother, Attorney Lelouch San Andres." Matapos nito ay nagpaalam na rin si Sasha na aasikasuhin ang ibang mga bisita at baka raw hinahanap na rin siya ng kamag-anak nila.

Sa kanyang tabi, nanlulumong napahawak sa dibdib si Fe na para bang na-broken hearted sa nangyari.

"Sayang! Kaya ayoko ng workaholic eh! Ang gwapo pa man din. Bagay sana kami. Hmph!"

"Kung umasta ka naman, akala mo wala kang boyfriend." Biro ni Min sa kanya. Her friend may be joking and flirting around boys most of the time, pero alam niyang mahal nito ang three-year boyfriend niya.

Nahihiyang ngumiti si Fe, "Shh! Baka ma-disappoint ang mga boylet dito na taken na pala ako."

Mahinang natawa si Minnesota. 'Kahit kailan talaga, walang pinipiling oras ang kalandian ng kaibigan ko. Hay naku!'

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now