Chapter 59.♥ (She's my life.)

411 4 0
                                    

Chapter 59.

The epilogue will only be available to those who fanned me. 

 (While reading this chapter please play the video on the side.)

Neesh Andi’s POV

Lahat ng kaya naming gawin ng asawa ko ginawa na namin. Wala kaming sinayang na oras. Kasi para sa amin, mahalaga ‘to ngayon.

Lumipas nanaman ang isang linggo, masayang masaya ako kasi hanggang ngayon kasama ko pa rin siya.

Nahiga na kami, nasa may dibdib ko ang ulo niya.

Matutulog na sana kami ng magsalitang muli si Kayla.

“Hope to see the sun with you tomorrow. Good night baby. I love you.” Nanghihina niyang sabi.

Pinagmasdan ko siya habang papapikit. Halatang pagod na siyang lumaban. Ang putla niya. Ang putla ng labi niya, napansin kong pumapayat na rin siya. Parang gusto na niya sumuko. Pero kailangan kong lumaban para sa kanya.

“Of course you’ll still see the sun tomorrow baby. God loves you.” Mahinahon at papigil luha kong sagot sa kanya.

Pumikit na siya, gusto ko sanang pigilan ang pagpikit niya sa takot kong di na siya muling mumulat pa. Agad ako ulit napadasal.

Wag mo ngayon please. Wag niyo muna po siyang kunin. Di pa po ako handa

Habang nakatitig pa rin sa nakapikit ko ng asawa.

“Tulog ka na Neesh. Wag kang mag-alala, gigising ako para sa’yo. Pangako.” Sabi niya habang nakapikit.

Napagdesisyunan ko na ngang pumikit at matulog.

The next day.

Maaga akong bumangon para magluto ng almusal ng asawa ko, nang Makita ko siyang mahimbing ang tulog pilit kong sinasabi sa sarili ko na Hoy gigising pa yan, pinangako niya diba. Pero di ko pa rin mapigilan na matakot, matakot na mawala siya.

Pumunta ako ng kusina para  nga magluto, ang hirap pero gagawin ko. Di ako kagalingan dito pero at least tinatry ko.

Nagprito ako ng egg at Spam, paboritong almusal ni Kayla. Habang nagluluto ako, napangiti na lang ako bigla, gusto ko pa rin magpasalamat kasi andito siya magpasalamat kasi dumating at nakilala ko siya.

Nang matapos ako sa pagluluto agad akong bumalik  sa kwarto namin.

Lumapit ako sa kanya.

“Baby gising na. Luto na yung almusal.” Sabay tapik ko sa kanya.

Pero di siya nagrerespond. In-try kong kilitiin siya.

“Gising na uy!” sabay sabi ko at kiliti sa kanya.

“Hmmmmm Haaaaa!” sabay hikab niya at napangiti, halata pa ring pagod siya.

“Salamat naman at nagising ka.” Sabay napangiti ako.

Inalalayan ko siya papuntang kitchen, this past few days medyo di na niya kaya e.

Kumain na nga kami. Nang matapos na kami…

“Baby, kunin ko lang gamot ko saglit ha?” sabay tayo niya.

“Ako na lang.” pagpiprisinta ko naman.

“Wag na. Ako na lang. Ikaw naman, ayun lang oh.” Sabay turo niya sa may lamesa sa kwarto namin.

“Sige.” Pagpayag ko.

Idinala na niya yung baso niyang may tubig, para siguro diretso higa na lang siya.

Tinignan ko lang siya habang naglalakad.

Tapos.

“BOOOGSH.” Bigla na lang siyang nag-collapse at nabasag yung basong hawak niya. Agad ko siyang tinakbo.

Ginising, pero ayaw na niya, wala na siyang malay.

Agad ko siyang itinakbo sa hospital.

-

HOSPITAL

 Tinawagan ko agad yung parents ni Kayla, ako na rin ang kumausap sa doctor.

“Kamusta po yung asawa ko doc?” tanong ko sa doctor.

“She’s worst. Alam mo naman sigurong may heart disease siya.”

Tumango lang ako.

“No cure hijo, maliban dun sa choice na binigay ko dati…”

“Lahat po gagawin ko…” sagot ko sa doctor.

“She needs a new heart. Find her one, para magpaheart-transplant na siya as soon as possible, sige hijo. Mauna na ako.” Sabay alis ng doctor.

Heart- transplant. Ngayon alam ko na kung ba’t kami tinakdang magsama.

Agad kong pinuntahan si Kayla sa room niya. Andun sila tita nagbabantay.

 Agad kong sinabi sa kanila yung gagawin ko, at kahit labag sa kalooban nila, um-oo sila.

Nilapitan ko agad si Kayla…

“Baby. Gusto kitang mabuhay ng mahaba at makasama ng matagal. Sana pumayag ka…” agad kong pay okay Kayla.

“Ano ba yun?” mahina niyang sabi.

“Baby pa-heart transplant ka.” Suggest ko sa kanya.

Umiling lang siya halatang takot na takot.

Delikado kasi yung surgery na yun, at any minute/second maaaring magstop yung heart at maaring agad mamatay yung pasyente. 50 50 buhay dun pero pipilitin ko pa rin siya, kailangan naming tong itry, nagtitiwala ako kay God na bubuhayin niya si Kayla, at magsasama kami ng mas matagal.

“Wag kang matakot Kayla, pagkatapos na pagkatapos ng surgery mo, promise ako ang unang-unang makikita mo.” I promised her.

“Promise?” mahina niyang tanong.

“Promise.” Then I kissed her forehead.

 "Pe-pe-pero, mahirap makahanap ng donor babe." 

"I will find one as soon as possible." 

"Pano kung hindi maging successful? Mamamatay rin ako, napaaga nga lang." joke pa niya. 

"No. Successful yan. Sigurado ako." 

"Just remember, I love you so much Mr. Gonzales, you're my life." 

"Psh. Ikaw din buhay ko." 

"Yieee. Inamin." 

"Pero Kayla, kailangan pa kita, mas kailangan kita kesa mas kailangan mo ako gets mo? Kaya lalaban ka ha?" then I smiled.

She gave me a weird look then she smiled.

"I will." tapos pumikit muna ulit at nagpahinga.

I just can't let her go. She's my life. Di ko kayang maiwan. 

I got a sign. Alam ko na kung ba't ako nandito. 

End of this chapter. 

My Worst Nightmare, Yet the Sweetest One. ♥Where stories live. Discover now