Chapter 38. ♥ (White Room.)

418 3 0
                                    

Author's Note: 

Freakin' need your votes and comments. :)

------------------------------------------------------------

(Neesh Andi's POV)

Sh!t. Di pa siya gising. Ano bang nangyari dito?! 

Antagal naman kasi ni Tita Jane. 

Nakakaawa siyang tignan, mukhang sobrang pagod. Yung paghinga niya parang ang hirap gayahin, sobrang mahina. Mukhang sakitin. Tinititigan ko lang si Kayla ngayon. Kahit nag-collapse na, mukha pa ring anghel. Maganda nga talaga siya. 

Hinawakan ko ang kamay niya sabay humarap ako sa may crucifix na nasa tapat ng kama. 

Tapos pumikit at nagdasal. 

Lord, pagalingin niyo na po siya 'to ay. Yun lang. 

Dumilat na ako sabay tinignan ulit siya. 

Tameme lang. Walang magawa dito, di bale di naman siya nakakasawang titigan e. 

Makalipas ang ilang minuto, dumating na mom niya. 

"Ohmygosh, Kayla." sabay lumapit si Tita Jane sa may kama. Umusog na lang ako at tumayo para bigyan sila ng space. 

Nagbless ako kay Tito, papa niya. Nginitian naman ako nito. Sabay kaming umupo sa may sofa dito sa private room ng hospital. 

"Tito. Mukha pong sakitin si Kayla. Nag-collapse po siya kanina. May hika po ba siya o ano?" tanong ko rito. 

Nag-gugol ng napakaraming segundo bago sumagot yung papa niya. 

"Ahmmmm. Oo hijo, sakitin kasi si Kayla, magmula pa nung maliit...Pero, di naman siguro ito malubha..Baka nga hika lang." ah. Sira talaga tong babaeng to, kung di ko lang siya mahal ay nako, pinabayaan ko na 'to. Joke. XD

Tahimik lang kami ni Tito, si Tita halos nakatulog na sa may tabi ni Kayla. 

Time Check: 5:00 PM

"Hon, I think we should go home muna. Kuha tayo ng gamit ni Princess." sabay tumayo si Tita Jane, ay niyaya si Tito.

"Okay. Hijo, take care of our daughter, babalik rin kami agad." tumayo na rin si Tito at lumabas na sila sa room.

Nilapitan ko agad si Kayla.

Ano ba 'tong prinsesa ko, ang tagal magising...I mean ang tagal matulog. -.-

At dahil nga walang magawa dito, tinitigan ko lang siya.

At biglang nagkakulat ulit ang buhay nang unti-unti na niya dinilat ang kanyang mga mata.  

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -  -- - - - - - - - - 

(Kayla's POV)

Sa aking pag-gising laking gulat ko ng andito na ako sa white room, with low ceiling, smells like metal and with a crucifix in front of my bed. I can tell, nasa hospital ako. 

Ugh I hate this place actually. 

"Hay. Antagal mong matulog ha." sabay bati ng katabi ko. Ah, si NEESH. 

Kahit nanghihina pa rin ako, aba, he never failed to make me smile. 

"Psh. Tara uwi na tayo, ayaw ko dito kaya." sabay pout ko. I'm telling the truth. Ayoko dito. 

"Di pwede, pagaling ka daw munaaa. Miss mo ako no?" sabay lumapit siya sa akin. 

"Baliw!" sabay push ng ulo niya.Ahhhh, may swero ako. Ang OA naman nitong hospital na 'to. Ang daming kaartehan. 

Umayos na ng upo si Neesh at tinitigan lang ako. Tapos kinuha ang kamay ko. 

"Teka. Di ka ba nagsasawang titigan ako?" sabay tanong ko tapos nag-giggle. 

"Hindi." sagot nito sabay nag-smile. HANUBEYEN! Mas lalo akong di gagaling dito e, pamatay kasi. 

"Eh, di ka ba nagsasawang mahalin ako?" tanong ko ulit sabay tumawa ng mahina. 

"Hindi. Alam mo yun, nung nakita kita di ko akalaing, mapapabago mo ako. Mahal nga kasi kita. Kaya di ako magsasawa." sabay sagot niya at ngumiti nanaman. 

Nagbablush ata ako. Hindi makahinga at at at kinikilig? XD

"Sus." tanging nasagot ko lang. 

"Ano ba kasi sakit mo?" dugdugdug puso ko. Ano nga ba sakit ko? :(

Hika na lang kunwari. 

"Hika. Hahaha. Weak ko no?" sabay sabi ko then I smiled, smiled weakly. 

"Kaya pala. Dapat pala kitang batayan palagi." sabay sabi niya, then he squeezed my hand. 

Naiiyak ako. :(

"Sayang. Di na ako makakasama ng varsity. Sad naman." sabi ko. Habang pinipigil ang aking luha. 

"Wag kang iiyak. Okay lang yan. I-chicheer sana kita e. Kaso hindi ka na pala makakasama. Ako na lang cheer mo, gusto ko may costume ka pa ha? Hahaha." sabay biro nito. 

Okay napangiti nanaman ako. xD

"Sus. Ui lapit na birthday mo ah." sabay sabi ko. Nganga, wala pa akong gift!

"O'nga sa Sunday na. Gift ko ha." sabay sabi nito. 

"Hirap nga maghanap e. Ka-stress." 

"Ba't di mo itry na balutin sarili mo." 

"Wag na. Haha. Basta kung ano man yung gift ko, pagpasensyahan mo. K?"

"O'ba basta galing sa'yo."

"Sila Mommy? And daddy?" 

"Kumuha sila ng gamit mo. Kay, dapat magaling ka na sa wednesday. Soccer game na namin yun. Kelangan andun ka ha." sabi niya. Ang lapit na. 

"Opo." sagot ko na lang. 

After a couple of minutes. My mom and dad arrived.

They look upset. Sinuway ko nanaman sila. Tsssss. 

"Hi mom and dad." bati ko. Nakakatakot. O.o

Lumapit agad si Mommy, at umalis naman si Neesh. 

"God, princess, buti na lang andiyan si Neesh. What if may mangyaring masama sayo ha?" my mom whispered. Tapos may tumulong luha sa mga mata niya. Di pa rin siya nagbabago, too emotional. 

"Mom. Okay na po ako. Pag tinanong kayo ng boyfriend ko kung anong sakit ko, sabihin mo hika lang ha?" 

"Okay. If that's what you want."

"Mommy, kailangan ko na daw gagaling sabi ni Neesh, soccer na daw niya sa Wednesday, pwede pupunta?" sabay tanong ko, medyo malakas na yung boses. Halatang narinig nila Daddy and Neesh. 

"Mainit dun for sure nak. But okay...basta magpagaling ka ha?" pagpayag ni Mommy. 

"Yey!" 

End of Chapter 38. <3

My Worst Nightmare, Yet the Sweetest One. ♥Where stories live. Discover now