Chapter 58.2.♥

301 2 0
                                    

Chapter 58.2

Kayla’s POV

After the HM. Bumalik na kami ng Pinas.

After 1 week…

Lumipat na kami ng bahay ni Neesh. Dun sa condo niya. J

Pero before kami umalis binilinan ako ni Mommy na tatawag daw ngayong gabi si  Doctor Hart, doctor at specialist ko. Ibibigay daw yung observation niya pati yung resulta at yung dapat na inumin kong gamot.

*Neesh Andi’s Condo.*

8:00 PM.

Hindi ako mapakali kasi hanggang ngayon di pa rin siya tumatawag.

“Ui. Mapagod ka diyan. Bawal daw yan sabi ni Tita. Kayla wag kang makulit. Upo.” Utos sa akin ni Neesh, yes, alam na niya yung sakit ko. Bawal mapagod.

“Opo sir.” Sabay upo ko sa kama. Himbis makatulog na kami, ay nako parehas pa kaming kinakabahan ng asawa ko.

Tumayo lang sa harap ko si Neesh, nagtinginan lang kami nang…

*bzzztbzzzt*

Parehas kaming napatingin sa phone ko. Yay si Doc, tumatawag na.

In-answer ko ito at tumayo.

“He-hello doc?” nauutal ko pang pambungad.

Sad to say Kayla, you’re worst… No other choice except from that…You’ll die soon.” Sagot niya sa akin.

Agad kong nabagsak ang phone at natulala habang umiiyak na napaupo sa kama.

Tinabihan ako agad ni Neesh.

“Ano sabi?” tanong niya.

“Neesh…” tapos tumingin ako sa mga mata niya habang umiiyak.

“He said I’m worst. And that I’ll die soon.” Sabay iyak ko sa kanya.

Agad niya akong niyakap.

----

Neesh Andi’s POV

“He said I’m worst. And that I’ll die soon.” Bagsak balikat niyang sagot sa akin habang umiiyak. Agad akong napaiyak at agad ko na lang siya niyakap.

Matapos niyang umiyak nagpaalam na siyang matutulog na. Tapos ayun humiga nga at agad ngang nakatulog, tinabihan ko na siya at tumitig lang sa kanya.

Ba’t sa lahat ng tao siya pa? Ba’t kailangan pang ganto? Lord bakit si Kayla pa?

Lord wag niyo muna po siyang kunin o. Bigyan niyo pa po kami ng oras, mahabang oras na magkasama. Lord, mahal na mahal ko po si Kayla. Hindi ko po maisip yung buhay ko ng wala siya. Lord, wag niyo po sana siyang kunin? Ako na lang po kung pwede wag lang po siya. Gagawin ko po yung lahat.Mas kailangan ko po siya.

Pakiusap ko kay Lord, habang nakatitig at hinihimas yung buhok niya sabay naluluha.

Hindi ko lang talaga maisip yung buhay ko ng wala tong babaeng to. Hindi ko naisip na dadating yung ganto sa amin. Di ko kaya ng wala siya. Kailangan ko si Kayla. Kailangan ko siya.

At lahat gagawin ko, mabuhay lang siya.

End of this Chapter. 

My Worst Nightmare, Yet the Sweetest One. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon