Chapter 23. ♥ (Serious Talk)

395 4 0
                                    

Chapter 23. 

All rights reserved 2012. (c)

AlwaysWearASmile.

-

(Neesh Andi's POV)

"Neesh do you really love my princess?" Di na ako nagulat sa tinanong ng papa niya. 

Sino ba namang ama ang gustong masaktan yung nag-iisa niyang prinsesa? Hindi ba wala? Kaya naiintindihan ko siya. 

"Yes, Sir. I really do..." sinagot ko ng walang pag-aalinlangan. 

"Gaano mo siya kamahal?" sunod na tinanong niya. 

Napaisip ako... Gaano nga ba? 

"Higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko." sinagot ko, medyo nanginginig boses ko. Yung puso ko ang bilis ng tibok. Ba't nung kinausap ko dati Papa ni Aya, ba't parang di naman masyado? Siguro, kasi... nakakahalubilo ko na dati yun. Iba ngayon e. Ngayon ko pa lang nakasama. 

"Can you see your future with my daughter?" did he mean na, nakikita ko ba ang sarili kong ikasal sa kanya. Katulad ng sinabi ko kay Kayla, oo, nakikita ko. 

"Yes sir. Without her, I can't face the future." insagot ko ulit. Seryoso ako. 

"Are you saying the truth Mr?" he asked me. Parang nag-dadoubt. 

"Yes sir." 

Pagkatapos kong magsalita, biglang tumahimik. Siguro gulat pa to, si Kay kasi, baka mamaya hindi insabi sa papa niya. Baliw talaga, tss.

"Sir, Sorry kasi hindi namin agad nasabi sa inyo yung tungkol sa amin." I started, breaking the silence. 

"That's okay hijo, just take care of her." sinabi niya, parang naiiyak. Nakakaiyak ba mukha ko? :|

"I will." 

"Iwasan mong saktan ang anak ko, she's too fragile." Fragile? Eh ang tapang tapang, ang lakas lakas niya. Ah, baka fragile yung emotion. Malayo yun sa pagkakasakit. 

"Yes sir." 

"Dahil, once na nalaman kong nasaktan mo yung prinsesa ko. I'll make your life, prettier."

"Ha?" 

"Don't take it literally. Hijo, once na sinaktan mo siya. Papanagutan mo, di ka basta basta magpapakasarap." ah. Yari, di bale seryoso naman na talaga ako e. 101 %.

"Yes sir." I responded. 

"Don't call me sir, bilang isa sa nagpapasaya sa anak ko. You  can call me dad." 

Wow. Agad-agad! WAHAHAHAHA! Payag payag. Kinikilig naman ako. Joke ang bakla! Psh!

"Yes Dad. Salamat po." sagot ko naman. 

.....

"Dad, it's time to eat." sabay may boses, paglingon namin ni DAD, si Coreen, ah dad din. Sabagay. 

"Okay." sabay sagot ni tito.

"Hijo, kakain na. Mauna na ako. Sunod ka na lang." sabay tayo ng papa niya. 

"Yes sir, ayy, este dad." sagot ko. 

Ngumiti lang siya, at deretso ng naglakad. 

Naiwan ako dito, nag-iisa. Nagmumuni-muni. 

Wala akong ganang kumain. Wala talaga e. 

Mahal ko na ba talaga siya? Oo. 

Kaya ko bang saktan siya? Hindi. 

Can I face my future without her? I admit. Hindi ko pa alam sa ngayon. Hindi pa. Pero maaari, hindi siya malayo sa imposible. Hindi. 

"Pre." sabi ng boses ng isang lalake, may pagkaslang. Ang bakla. 

Nung nilingon ko.Ah. Si Ken ba yun, bespren ng girlfriend ko. Umupo siya sa may table, harap sa akin. Ewan ko ba kung ba't pag nakikita ko to, naaalala ko na mas close sila ni Kay kaysa sa akin. Sarap lang sapakin. >:|

"Oh?" sabay tanong ko. Ano gusto nito? 

"Chill bro. Just want to talk about my bestfriend." sabay sabi niya. 

"Simulan mo na. Uwi na ako." XD

"You know that I love her, and it's obvious. Break her heart and I'll break your face." sabay sabi niya. Protective. Sabagay. 

"I won't pare, di ako tanga para pakawalan 'sang tulad niya." sabay sagot ko. 

"Oo pare. Dahil kapag naging tanga ka, tandaan mo. Sa oras na ilaglag mo siya, at itapon. I'll be the one to catch her." sabay sabi. Tssss. 

"At kapag nalaglag siya at di ko sinasadya, wag mong kakalimutang tatakbuhin ko kahit gano pa kataas yung pinanggalingan para lang masalo siya, at maunahan kita." sabay sinabi ko. Sabay ngumisi. 

"Good pre. Lalo na, ngayong malapit na ako sa kanya. Mas mababatayan ko si Kay, 24/7. Sa school niyo na ako mag-aaral. " sabay sabi niya. 

"Anong gawin ko? Tss." 

"I guess. You should be very careful. I'll make a deal pare. Once na nilaglag mo siya, wag na wag mo akong pipigilang saluhin siya. In other words, pagnatapos na kayo. Wag mo ng babalikan. I'll be your wall."  sabay sabi niya sabay nag-grin. Ah hamon. 

"Hm. Tanga lang ang magagawang bitawan siya. Don't worry pare. Pero wag kang maging kontrabida, hanggat kami pa." sabay diin kong sinabi. 

"Deal!" sabay sabi niya. 

Oo na lang. Pero sa tingin ko seryoso to.

"Tawag na pala tayo ni Tita Jane. Dinner na e." sabay sabi niya.

Tumayo na kaming dalawa at pumasok sa loob. 

Pagkatapos naming makikain at makipagkwentuhan ni ate, nagpaalam ako kay tita na silipin saglit yung mundo ko. May tiwala naman siya kaya pinayagan niya ako. 

Pagpasok ko, agad ko siyang nilapitan at sinabing... 

"Tomorrow ulit babe. I love you so much. Don't forget to lock me in your heart and throw away the key. I missed you." mga katagang lumabas sa bibig ko. 

Pagkatapos kong nagsalita kiniss ko siya sa noo at lumabas na. 

Dear Diary, 

Nonsense na magsulat sayo, pangbakla! Pero sige, magsheshare ako. Nandito na ulit yung mundo ko. Gets mo? Pag hindi, tanga ka.

-Neesh. 

End of Chapter 23. 

 Comment. Vote, Spread and Appreciate. XD

:) 

My Worst Nightmare, Yet the Sweetest One. ♥Where stories live. Discover now