Chapter 57.3. (I'll be right here.) ♥

288 3 1
                                    

Chapter 57.3 (I'll be right here.)

"Neesh kasi...I'm dying." sabay humagulhol ng iyak.

"Kayla. Hindi ko---panong mamamatay?" he asked me.

I faced him while crying.

"Neesh. Yung sakit ko. It's getting worse. Lumalala na ako." sabi ko habang umiiyak pa rin.

Lumapit sa akin si Neesh tapos hinawakan ang dalawang balikat ko.

"Kayla, hindi pa naman malala diba? Lalala pa lang diba? Pwede pa naman magamot diba?" mahinahong tanong niya sa akin tapos may tumulong luha sa kanyang mga mata.

"Neesh..." sagot ko.

Bigla na lang akong binitawan ni Neesh at tumalikod sa akin. Nagulat ako ng bigla niyang binato yung pasong nasa tabi niya.

"Neesh!" tawag ko habang umiiyak.

Itinigil na niya, hanggang ngayon hindi pa rin niya ako hinaharap. Nakatingin lang siya sa taas habang ang dalawang kamay niya ay nasa kanyang mukha.

I took 3 minutes before he faced me.

"Hindi pwede Kayla. Hindi e." sabi niya habang naiiyak.

"Neesh, andito na." sabi ko nang umiiyak pa rin.

"Kayla bakit ikaw pa?! Pwede namang ako na lang." he said while crying.

Nagiyakan lang kami.

First time ko siyang nakitang umiyak ng ganito.

 "Mas hindi ko kaya..." sagot ko sa kanya. 

"Pero mas kailangan kita." sagot niya habang umiiyak. 

Dead Silence...

"You can't marry me. Hindi mo pwedeng pakasalan yung taong mamamatay na rin lang." I finally said, breaking the silence.

Umiling-iling lang siya. Pero hindi sumasagot.

"Neesh, mas mahihirapan ka lang. Hindi ka ba natatakot na magmahal ng tulad ko? Tulad ko na balang araw iiwan ka rin?" I added while crying.

Lumapit ulit siya sa akin.

"Hanap ka na lang ng iba Neesh." payo ko habang umiiyak.

"No." sagot niya.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"Kayla ikaw lang. Ikaw la---."

"Maghanap ka na lang ng tulad ko..." sabi ko habang nakatitig sa kanya.

"Ayoko. Gusto ko ikaw."

"Hindi mo ba naiintindihan? MAMAMATAY na ako!" sabay bitaw ko sa dalawang kamay niya.

"At DI MO RIN BA NAIINTINDIHAN NA MALAPIT NA KITANG IWAN?! HINDI MO PA RIN BA NAIINTINDIHAN NA MALAPIT NG DUMATING YUNG PUNTO NA MAGIGING ISANG MEMORY NA LANG AKO SA'YO? AT DI MO RIN BA NAIINTINDIHAN NA MAS MASASAKTAN KA LANG?!" sabay iyak ko.

Nakita ko ulit na may tumulong luha sa mga mata niya.

"Hindi ko maintindihan Kayla, at hinding hindi ko maiintdihan. DI KO MAINTINDIHAN KASI NGA MAHAL NA MAHAL KITA!" sabay humawak siya sa noo niya.

Mas lalo akong nahihirapang iwan siya. Mas lalong bibigat yung pakiramdam ko.

"Neesh please move on... Para when that day comes, wala ka ng nararamdaman pang sakit."

"Madaling makalimutan ang lahat, pero Kayla yung kalimutan ka pat yung nararamdaman ko sayo, hindi yan sumagi sa isip ko. Hindi ko kaya." paliwanag niya sa akin.

"This disease is causing me so much pain. Pero mas nahihirapan ako kasi ayaw mo akong iwan. Nahihirapan ako kasi mahal kita."

"Kayla labanan mo na lang yung sakit mo. Wag mo lang akong iiwan.Please..."

"Neesh, I'm trying to fight, pero dadating yung oras na hindi ko na makakaya." paliwanag ko.

Lumapit siya sa akin at muling hinawakan ang dalawang balikat ko.

"Lalaban ka. Sasamahan kita Kayla. At kung dadating yung oras na hindi mo na kaya, ako na mismo... I'll fight for you." sabay tulo ng luha niya at yakap sa akin.

"Mag dalawang isip ka. Isipin mo na yung pwedeng mangyari pag pinakasalan mo ako. Saka mo ako tanungin." sabi ko sa kanya habang nakayakap.

"I've decided..." sabay tinanggal ang yakap.

Humarap siya sa akin at muling kinuha yung box ng singsing. At lumuhod.

"Kayla, marry me tommorow. I promise that I will never leave you. Mamatay ka man at mamatay man ako. Please?" he asked me then he forced a smile.

THIS GUY. He loves me so much.

Di niya ako kayang iwan. Hindi ko rin naman kayang iwan siya. Bahala na.

So I'm saying...

"YES. I'll marry you tomorrow." then faked a smile.

Agad niya akong niyakap.

At bumulong ng...

"Everything's gonna be all right baby. We'll fight together."

End of this Chapter

My Worst Nightmare, Yet the Sweetest One. ♥Where stories live. Discover now