Chapter 13. ♥ (Neesh Andi's POV)

382 1 1
                                    

(Neesh Andi's POV): 

Sa kalagitnaan ng practice namin, biglang tumunog phone ko. Nakita ko si Kayla.. I answered it, pero di siya nagsasalita. Ang ingay dun sa part niya. 

In-try kong pakinggan. Atlast may narinig na ako.

"Ang landi mo! Ang kapal mo! Girls, higpitan niyo pa! Kalbuhin niyo yan." 

Ano bang nangyayari? Hindi yun boses ni Kayla. 

After a second, I heard Kayla shouted "Ouch" I don't know what's going on. Inpatay ko ang cellphone, at tinawagan ko si Coreen,bestfriend niya. 

Tinanong ko siya kung asan si Kay sabi niya sa CR. After that, alam ko na kung ano ang nangyayari, and It's all because of me. Kailangan ko siyang puntahan. 

Kumaripas ako ng takbo... Nung nakarating na ako sa harap ng Girl's CR. Huminto ako sandali to catch up my breath. Hiningal ako, at pawis na pawis. 

Bigla kong pinuntahan yung loob, nagulat ako nung makita kong andaming babaeng nagkukumpulan sa paligid ni Kayla habang isa-isa silang sinasabunutan siya, si Kayla halos mapaupo na, nakita ko yung mata niya, halos naiiyak na. Shit! Hindi pa rin nila namalayang andito na ako.Puta!

"Bitawan niyo ang girlfriend ko." bigla kong sinabi. Nagsilingunan sila, gulat na gulat sila at halos mapanganga. 

"Neesh babe, ahmmm.. Ano kasi..." sabay sabi nung isa. 

"We're just trying to fix her hair." sabat nung pinakapangit sa kanila. 

"Ano ako tanga?! HOY, KUNG WALA KAYONG MAGAWANG MATINO, PAKAMATAY NA KAYO! ANG KAKAPAL NIYO PARA SAKTAN SIYA, PURO NAMAN KAYO MAPAPANGIT." napasigaw talaga ako. Kumukulo ang dugo ko sa kanila. And I meant what I said earlier, that I like Kayla, kaya parang gusto ko na silang ipapatay. 

"What can we do para mapatawad mo kami?" 

"Lumuhod kayo sa kanya. Magsorry kayo." sabi ko. Napatingin ako agad kay Kayla, iyak na siya ng iyak. 

Bago pa man sila lumuhod bigla ulit akong nagsalita. 

"Binabawi ko na. Pwede ba lumabas na lang kayo dito. At wag kayong papakita sa amin, pag nakita ko ulit yang mga pangit nyong pagmumukha, humanda kayo. LABAS!" sinigaw ko, agad-agad silang lumabas. 

Tumingin ako kay Kayla, na-gi-guilty ako, kasi kasalanan ko naman 'to e. 

Bigla ko siya nilapitan at pinatahan. 

"Sa lahat kasi ng babae ba't ako pa? Ang tanga ko para mag-pagamit sa'yo." bigla siyang nagsalita, nagulat ako. 

"Kasi iba ka sa kanila." yun lang ang nasabi ko. Bigla niya akong tinignan. Mata sa mata. Nakakaguilty. 

"Sabihin mo nga, ba't mo ba ako ginagamit? Anong rason?" bigla akong nagulat sa tinanong niya, should I tell her the truth? Maybe I should.

"Gusto mong malaman? Kasi gusto kong pagsisihan ni Ayana na hiniwalayan niya ako. Gusto ko siyang bumlik sa'kin." sinabi ko. 

"Ang selfish mo. Alam mo? I-expell mo na ako. I decided to transfer naman na, besides, I don't HAVE to stay here just for you. You know what? I really hate you." sinabi niya na may halong galit.

Wag! Sabi ko sa sarili ko. Parte na siya ng buhay ko. Kahit 3 days pa lang kaming magkakilala. Parang iba na. Ayaw ko siyang mawala. Gusto ko lagi ko siyang kasama. Importante na siya sa akin pero di ko pa siya mahal. Ewan. 

"Please wag... Basta wag...Sorry, sorry talaga, Kayla impotante ka na sa akin." sabay sabi ko tapos niyakap ko siya...Hindi na siya pumalag. Iyak lang siya ng iyak.

-

After 5 minutes.. sinabi niya sa akin na iuwi ko na daw siya, buti 5 piraso lang siguro nalagas sa buhok niya. Pero nahihilo na daw siya. 

Kaya ayun hinatid ko na siya, binantayan sa kwarto niya hanggang makatulog siya. Pero syempre, bago siya makatulog, nag-sorry ako, tinanggap niya naman. Oo, mabait si Kayla. Kaya hindi siya mahirap magustuhan. 

Pinaliwanag ko sa mommy niya ang nangyari, buti na lang naintindihan ni Tita Jane pati narin kay Coreen. 

Di ko masasabing mahal ko na siya, pero hanggang ngayon si Aya pa rin. Si Kayla? Gusto ko siya, totoo yun. 

Pero di ko makakailang ginagamit ko lang siya. Hindi ko alam kung magbabago pa 'to,hindi imposible, kasi madali lang siyang mahalin. 

My Worst Nightmare, Yet the Sweetest One. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon