Chapter 53.1♥ (Kayla's Birthday.)

330 6 2
                                    

Author's Note:

I would like to thank ya'all. Ayie. Pagbalik ko 6k na. :"> 

So, bibitinin ko muna kayo ngayon, hindi ko muna yata matatapos ngayong Monday, may gala kami bukas and gumala kami ngayon, ang late na kayaaaa. Hahaha. K.

Comment, Vote, Spread and be a fan. ♥

Happy Reading. :D

------------------------------------------

Kayla's POV

Sooo. 3 months had passed. 

May 13. Monday. 

3 months? Mabilis masyado. :)

Ganun talaga. Marami talagang nangyayari sa buhay, masyadong mabilis ang oras. Akalain niyo, birthday ko na bukas, isang bonggang Sweet 16 para sa akin. Hooooray.

Syempre pili lang yung mga iimbitahan ko, tapos may pasabog din ako bukas. Abangan. 

O back to business, mga nangyari sa loob ng 3 months? 

Wala naman. 

Si Ken at Kaitlynn nagkakamabutihan na ng bonggang bongga pero di pa din sila.

Si Coreen? Ayun masaya naman kay Keen.

Tapos syempre nagtapos na ang school year. Nag-recognition na nung March 25. And..2nd honor ako. Pang-first si special friend. HAHAHA, siya na. 

Nga pala si special friend? A.K.A Neesh? Okay na sila ni Daddy.

Okay na rin naman kami. Actually sa 3 months na yun naging close kami, close ulit I should say. Pero syempre may times pa rin na biglang nagiging AWKWARD diba? XD

Imbitado siya sa birthday ko syempre, part naman siya ng buhay ko e. To be honest, I still love him. 

Okay nevermind. So ayun imbitado siya at since talamak ang gantihan sa mundong ito, special ang invitation niya, yung informal ba. Basta yun na yun. 

O sige na. Tulog na akoooo. Beauty rest. :">

-----

Neesh Andi's POV

Birthday bukas ni Kayla, syempre nakabili ako ng regalo, simple lang. Shirt. Ang nakalagay SOMEDAY. Someday...pwede na ulit kami. 

"Neesh anak. May invitation para sa'yo." sigaw ni Mom. 

Agad kong binuksan ang pinto at agad din inabot sakin yung invitation na kulay pink. 

"Thanks ma." sabay sara ko ng pinto.

For Neesh Andi Gonzales and Family. :) yung nakalagay sa labas nung envelope. Napangiti ako kasi may smiley. 

Oi ikaw. I would love to see you tomorrow. :P

Birthday ko po kasi Mr. Alam mo? K fine. 

Basta semi-formal lang yun. Sa bahay bukas ng 8:00 PM. Sama mo sila Tita ha? Basta lahat kayo. Wag mong solohin okay? :)

Ayun basta. Punta ka. 

-Kayla. 

Napangiti ulit ako, loko at baliw rin talaga tong babaeng to. Gantihan talaga. Special din at kakaiba yung invitation niya nung birthday ko e. No doubt kung ba't niya ginawa rin 'to. 

My Worst Nightmare, Yet the Sweetest One. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon