Chapter 22.2. ♥

405 4 1
                                    

Chapter 22.2

(LOVE BIRDS)

I dedicate this Chapter to blueballoon19, since puro kilig to, naisip ko siya bigla, grabe nakakakilig ang WARAY=Warren and Ray. I salute you po! :) Inspiration! 

Happy Reading! Comment Vote and Spread!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

"WAG mo ngang isipin yan, ikaw na nga mahal ko diba? Sa'yo na nga ako ng buong-buo. Di ka ba naniniwala?" 

Biglang sumingit yung boses ng crush ko, ay este si Neesh. Nasa may gilid siya medyo malayao sa amin. Takte, kanina pa siya diyan? :| 

"I guess, I leave you love birds. I'll call you if it's time to eat." sabay ngumiti si Kaitlynn, tumayo at pumasok sa bahay, naiwan kami ni Neesh. Ba't parang ang awkward na kinikilig ako. XD 

Nung lumapit siya sa akin, niyuko ko lang ang ulo ko at binubunot yung Carabao Grass sa garden. Lumapit pa siya ng kaunti, now, 1 inch apart na lang kami. Nung tumabi siya agad kong naalala yung time na nag-iloveyou kami sa isa't isa. Nakakaloko, pero di ko mapigilang mamula. Tae! 

"Huy! Mamaya maubos yung damo diyan, tignan mo nga ako." sabay salita niya tapos hinablot niya yung kamay ko. Ahhhh. 

Pero, nakayuko pa rin ako. Pakipot ang peg! XD

"Di ka man lang naaawa sa akin? Ilang araw kitang di nakita tapos di mo pa ako titignan? Psh." awwww, may poiiiint. Peroooo. Sige na nga, kunwari pa e. 

At walang ano-ano'y, tiningala ko siya. We're now face  to  face. 

Grabe ang gwapo niya talaga! :"> Di ko na makeri. 

Sa sobrang di ko na kaya, tumingin na lang ako sa kalangitan, at pinagmasdan ang mga bituin. 

"Ayaw mo talaga akong tignan ha? Psh." sabay nagsalita siya, di ako nagrespond. Ewan ba. 

Nadisappoint siguro ako kanina, di man lang niya ako pinapasin. :|

Nagulat ako sa susunod niyang ginawa. 

Hinablot niya yung ulo ko, pero yung dahan-dahan, tapos inharap sa kanya. Lumapit siya ng lumapit. 

Shete, ang lapit na... At ang nagawa ko lang ay pumikit. 

Nararamdaman kong papalapit pa rin siya sa akin. 

"I missed you. Di mo man lang ba ako na-miss. Pa kiss pwede?" sabay bulong niya sa akin. 

Ano raw? Pakiss? Aba naman sinweswerte, dahil dun napadilat ako. 

Sabay palo ng....braso niya. 

"Aray! Ano nanaman ang ginawa ko?!" sabay sumigaw siya. 

Ang arte naman, di naman masakit ah? XD

"Kiss ka diyan. Wait for the right time. Che!" sabay snob ko naman. 

Lumapit ulit siya sa akin. Sabay nag-sorry. This time. I decided to face him na.

Tama, magkaharap na kami ngayon, kung pwede nga matunaw na kami e. 

"Narinig mo ba yun? Sabi ko I missed you." he said, starting the conversation. 

"Oo. Narinig ko." sabay napayuko tapos tumingala ulit.

"Di mo man lang ba ako namiss?" sinabi niya sabay hawak sa batok. Kinikilig to pustahan!

"O'na! I missed you too." sinagot ko. :O

My Worst Nightmare, Yet the Sweetest One. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon