Chapter 30. ♥

348 4 1
                                    

Chapter 30: 

Author's note: 

Well guys, I think hanggang 50-55 Chapters na lang ito. Kaya po, please support me po hanggang sa huli. Yie!

And please support my short story entitled: Face doesn't matter, the story of Ari the Ugly. :)

Happy Reading. xo

----

(NEESH ANDI'S POV):

Nagulat ako nang biglang magwalk-out si Kay...G@g0ng Ax 'to. Ang lakas ng loob na sabihin yun. 

Gulat rin ako nung makita ko silang nag-aaway ni Yana, mas lalo na nung halos kaladkarin niya 'to.

Sa pagkakakilala ko kay Ax, mabait siya at matino. Matalino rin yan. Kaya nakapagtataka. Nakadrugs ba to? Psh. 

"Pare. Naka-drugs ka ba? Yung girlfriend ko walang ginagawang masama pero dinamay mo." sabi ko sa mahinahong tono. 

Ayaw ko nang makipag-away pa dito. 

"Anong tingin mo sa kanya? Masyadong inosente? Pare nagkakamali ka." sagot naman niya na parang diring-diri kay Kayla. 

Hindi ko sila maintindihan kung bakit nila to nasasabi. Ano bang ginawa ni Kayla para masabi nila 'to. 

"Teka nga! Ano bang ginawa niya para sabihan mo siya ng ganun?" tanong ko. !@$%^ Asar 'to ah. 

Hindi sumagot si Ax pero may lumapit sa aking babaeng familiar sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, kapit-bahay namin siya sa Village. 

Bigla niyang hinarap ang picture na may kayakap si Kayla sa may labas ng bahay nila. Malamang si Ken to. 

Pero diba, bestfriend lang sila! Eh ba't parang iba dito?! Mas mukha pa silang magshota kesa sa amin! 

Dahil sa nakita ko, napagdesisyunan kong bumaba para habulin si Kayla dala-dala ang cellphone nung babae kanina. 

Hindi ako huminto sa pagtakbo, binilisan ko ito kahit alam ko sa sarili ko na pagod na pagod na ako. 

Nung nasa ground-floor na ako, dun nadatnan ko si Kayla na umiiyak at nakayakap kay Ken. 

Sigurado akong di pa nila pansing andito na ako kaya minabuti kong magtago sa may malapad na poste kung san tanaw na tanaw sila, at kung san rinig ko rin sila. 

Mahigit na isang minuto, magkayakap pa rin sila. 

"Ken...tell me I'm not a slut right? What did I do?!" hagulhol ni Kayla, parang gusto kong hilahin si Ken at tanggalin ang pagkakayakap nila at ako naman ang pumalit sa pwesto niya ngayon.

Di ko matiis na hindi siya paghinalaan, alam kong mali pero... Ewan! Di lang ako talaga mabilis magtiwala. 

Iyak siya ng iyak, nakakainis tignan kasi hindi ako yung nagpapatahan sa kanya. Sh!t. 

"Wag ka ng umiyak, you'll get ugly, I swear." tsss. Daming alam. Kahit umiyak pa yan, maganda pa rin yan. Psh.

Kahit na ganto na ang nangyayari, andito pa rin ako nakatayo at di siya tinutulungan. 

"That's why I love you Ken... Thanks for everything. Thanks for making me happy last last last night..." sabay nag-giggle si Kayla. 

Anong sabi? Making me happy last last last night, kung bibilangin mo, Saturday yun. Saturday night. Nag-iloveyou pa. 

Putek. Ang sarap bugbugin ni Ken. Konting timpi pa Neesh. 

My Worst Nightmare, Yet the Sweetest One. ♥Where stories live. Discover now