Chapter 53.2. ♥

311 6 2
                                    

Kayla's POV

Pagkatapos kong i-announce yung surprise ko, bumulong muna ako kay mommy. 

"Ma, sabihin mo sa kanila, I'll rest for a while muna, if they want to talk to me, puntahan lang ako sa room ko sa taas. Thanks." bulong ko sabay umalis. 

"Ladies and Gents, my baby said that if you really want to talk to her, puntahan niyo lang sa taas. Enjoy the party everyone!" narinig kong announce pa ni Mommy habang papaakyat ako sa kwarto ko. 

-

Room

Ang rason ko lang naman kaya babalik ako sa California ay dahil gusto ko lang ng change. Gusto ko ng time na parang ayusin ulit yung sarili ko, kasi masyado akong na-hook sa mga nangyari sa akin dito, dun ko na rin itutuloy yung pag-aaral ko. Senior high! :)

At tsaka, andun din yung doctor ko. Kailangan na rin naming mag-usap. :)

Mananahimik muna ako dito, ayoko pa kakain. 

After 5 minutes...

*knock knock.*

Agad akong lumapit sa pinto sabay binuksan ito. 

Si Kaitlynn at si Ken. 

Pumunta na kami sa couch at umupo, humarap ako sa kanila with a smile on my face.

"Kayla, you sure with yer decision?" tanong agad sa akin ni Ken. 

"O'naman bestfriend. I want change." then I giggled. Habang nag-giggle ako, sila seryosong seryoso so I stopped. 

"Okay now, seriously, yes I'm sure." sabi ko sa seryosong tono. 

Nagtataka kayo kasi di sasama sa akin si Ken? Ayaw na nilang bumalik muna sa Cali, nasiyahan na sila dito e. At pati di niya kayang iwan si Kait. Okay lang naman sa akin yun, naiintidihan ko siya. 

"Kay-Kay naman e! Ba't ka pa kasi aalis?" sabay hampas sa akin ni Kaitlynn, habang nakita kong napapaiyak na siya. 

"Hep. Hep! Bawal iiyak hoy! Ee kasi, gusto ko ng change." sabi ko then I faked a smile.

Sa sarili ko, di ko rin alam ang tunay na dahilan kung ba't ako aalis. Tinopak ako e. 

Ewan kung bakit talaga.

A. Kasi kailangan ko na talagang makausap doctor ko. 

B. Gusto ko ng mag-aral dun. Mas madali dun e.

C. O kaya naman baka gusto ko lang mapag-isip-isp kung babalikan ko pa SIYA.

D. All of the above. 

Whatever. 

"Gusto mo ng change? Tapos kailangan mo pang mag-ibang bansa? Ano ba yan." sabi niya ulit sa akin.

"You may have a point but..walang basagan ng trip." sabi ko sabay ngumiti. 

"Ikaw ba gusto mo lang talaga ng change? O baka naman gusto mo lang magsimula ulit at para makalimutan mo na rin yung kapatid ko?" diretso niyang tanong sa akin.

"Ang pranka mo naman. Isa rin yun...alam mo namang mahal ko pa rin siya diba? And that sucks. Psh." sabi ko sabay napayuko. 

"Basta, naku ikaw ha. Babalik ka. O kaya naman pupuntahan ka namin. Sana mapabalik ka na ni----." sabi niya habang hinihimas ang aking likod, agad kong pinutol ang mga susunod niyang sasabihin.

My Worst Nightmare, Yet the Sweetest One. ♥Where stories live. Discover now