Chapter 22.1 ♥ (The Past.)

400 4 0
                                    

(Kayla's POV)

KAMBAL?! AS IN TWINS SILA?! 

Gulat na gulat ako nung sinabi ni Neesh kila mom na kambal niya si Kaitlynn. Napanganga na lang ako. 

Nang natapos na silang magpakilala, humarap na sila sa akin, and then I realized, SHETE! Magkamukha nga, hindi ko lang talaga pansin sa school, eh kasi naman, bukod sa hindi sila nag-uusap, hindi ganyan manamit si Kait e. (Wala kasi kaming uniform). Kung manamit yan sa school, laging pants, converse or flats, tapos simpleng shirt. Ni hindi ko pa yan nakikitang mag-dress o magshorts. Pero tignan mo ngayon, ang close nila tapos iba ang pananamit ni Kait.  Iba talaga. Di ko gets. :|

"Aye Kayla, you okay?" biglang pagsasalita ni Kaitlynn. Ah! Bingo, natauhan. 

"Ah, ah. YES, so you guys should tell me the whole story. I don't...understand." bigla kong sagot. Napatingin ako kay Neesh, nakatitig lang walang expression. Hindi man lang ba niya ako iha-hug? :(

"Sureeeee. Tara sa labas tayo. Yaan mo na yan si Neesh." sabay hablot ni Kaitlynn/Ate Sheena ng kamay ko. 

"Okay." pag-oo ko naman. 

Agad-agad kaming pumunta sa pintuan, at agad binuksan ito ni Ate Sheena/Kaitlynn. 

"Labas muna po kami. :)" sabay pagpapaalam ni Kait. 

Paglabas namin agad kaming dumeretso sa garden at sabay na umupo. 

"Do you really wanna know why?" Kaitlynn said, breaking the silence... 

"Yesss. I just don't understand how... You guys don't talk in school, you don't have the same surnames. So... Pano?" I asked her. 

Tumingin sa akin si Kaitlynn seryoso ang mukha. 

"You see? Kaitlynn Lee is my name in public. That's too far from my realy name. I'm Sheena Andrea  Sy Gonzales. Sy, our middle name. We're half chinese." she told me. Grabe ang layo nga sa tunay niyang pangalan. :O

"And? Bakit hindi kayo magkasama? Ba't iba ng last name? Hindi mo rin naman ginamit yung Sy, why Lee?" 

Iniwas niya ang tingin niya sakin at tumingin sa kalangitan, ang daming stars. 

"As Chinese, ang gusto ng Lolo ko ang first born ni Mama ay lalake, but it so hapenned na ako ang nauna, nalaman ni Lolo, kahit pilit na sinkreto ni Mama at ni Dad sa kanya. Gusto niya akong ipaampon or worse ipapatay dahil lang sa paniniwalang yun. So... My mom and dad decided na dun muna ako kila Keen Lee, kasi bestfriends sila ng mom ko. Pinilit ni mom na palitan name ko kahit labag sa kalooban niya. I dress like a nerd sa school. Dahil pag may nakahalata o kapag may nakakitang teacher, we're dead. Kasi simula nung ipinganak ako, in-announce niya sa boong school, board at teachers na wag tatanggap ng Sheena Andrea Gonzales, at pag may nakita mang kamukha ng apo niya  (Neesh) teachers, personels must call him right away." 

Ang brutal. Grabe ha?! 3 seconds lang naman siyang nauna, ayaw na. Choosy! Handa pang ipapatay kahit sariling kadugo. That's cruel. 

"Oh. Tssss. That definitely sucks, but I salute you for being strong. I really do." I told her. 

"Hmmmm. Thanks." she answered me with a shaky voice. 

"Ahmmm. Buti close pa kayo ni Neesh no? Buti nakakabisita ka pa sa kanila." sabay sinabi ko. 

"Yep, kahit ganito, am so lucky to have 'em, kahit ganun lolo ko, I still love him. Tuwing weekends lang kami nagkikita ng kapatid ko kaya every weekdays dun naman ako kila Mommy Lynn close din kami ng anak niya." sagot niya, wala na yung panginginig sa boses niya. 

Ang tatag ni Kait. Kahit ganun natanggap pa rin niya. Ang bait niya. :)

"Ang bait mo. Iniisip ko kung ako yan? Mamahalin ko pa kaya yung lolo ko?" sabi ko. 

"Hm. That's life. Napatawad ko na siya, and now may sakit siya, and I know malapit na yun. Syempre mamimiss ko yun, pero pag wala na siya I can be myself na. Pero ayaw ko siyang mawala." bigla niyang sagot.

Napansin kong tumulo ang luha niya. :'(

"Awwww." yan lang lumabas sa bibig ko. 

"Ui. Let's change the topic. Nagiging emotera na ako. HAHAHA! Let's talk about my brother." bigla niyang sinabi, ang saya ng boses niya kumpara kanina. Tas ngayon nilingon niya ako. 

"Ha?" O.o

"Do you like him na ba? Kahit you know.. Fake lang?" una niyang tanong. 

Sabihin ko ba ang totoo? 

"Ahm.. Yes, but I don't think na he feels the same way. Besides si AYANA ang goal niya sa relasyong 'to. Naiinis nga ako e, ba't pa niya ako pinapakilig kung sa huli iiwan rin niya ako." sagot ko. 

"You know what. Kay, mahal ka na ni Neesh . And it shows. Hindi na siya gaanong gumagala, parating good mood, parating masipag gumawa ng homeworks, laging nakangiti. Ngayon lang ulit yun kinikilig. Dahil lahat yun sayo." sabi ni Kait. 

Nanikip bigla ang dibdib ko. Panaginip ba 'to? 

"Ahhhhhhh. Pag bumalik naman si Ayana, kakalimutan din ako nun e." sabay sagot ko. 

"Ay yun si Michelle? Si Ayana Michelle, ayaw namin siya ni Mom e. Ginamit lang kasi niya si Neesh para manalo sa isang contest sa school. Paramihan kasi ng votes, syempre kapatid ko nag-effort, after nung contest, nakipagbreak sabi may mahal na daw na iba, kagad nag-boyfriend si Ax." 

Ohmygolly! Wow! Ang tindi. User.

"So I don't think so na mas pipiliin niya si Mich kesa sayo." she added. 

"Minahal niya talaga si Ayana no?" sabay sabi ko. 

"Oo, after ng break-up nila iba iba na mga girlfriend nila at laging wala sa bahay. Maski nga si Neesha nagalit sa kanya e. Di na kasi sila halos magkita non." sabi ni Kait. 

Owwwww. :(

"Ah. She's pretty." sabay sabi ko ulit. 

"Nope. Pag may make-up lang. Tssss. Si Neesh kasi e. Tas ngayon ayan, bumalik si Past niya." sabay sabi ni Kait. 

"Ahe. Malay natin magkabalikan sila, if that will happen, I'll be happy for Neesh." sabay sabi ko. Ewan ko kung ba't ako naiiyak. 

"Hmp. HINDI pwede yun Kayla! Ba't ka magiging masaya?" 

"Eh kasi sila na ulit. Eh kasi nakamit na ni Neesh yung goal niya sa simula pa lang. I'll wish na maging masaya sila." a tear fell. Naiiyak ako.

Hmmm. Pangsalo lang ako ni Neesh e. I'm such a loser! 

T.T 

"WAG mo ngang isipin yan, ikaw na nga mahal ko diba?Sa'yo na nga ako, buong-buo.  Di ka ba naniniwala?" biglang may nagsalitang lalake. Out of the blue. And I recognized his voice. 

SI NEESH.Nakatayo sa may gilid na medyo malayo sa amin. 

Kanina pa ba siya nakatayo diyan? T.T Epic Fail. :(

----End of Chapter 22.1 :)

Vote Comment and Spread! ♥

My Worst Nightmare, Yet the Sweetest One. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon