Chapter 46.2 (Happy Memories Part 2)

372 3 1
                                    

Sunday, December 15. Classes. Ugh.Sunny Day. 8:00 AM

Kayla's POV

1 message received...

From: Neesh. 

Good Morning! :) Sunduin kita. In ten minutes labas ka na k? 

Wow. :O

 Umagang-umaga nagyayaya ng gagala. Hahaha. Ibang klase. XD 

Mareplyan nga. 

To: Neesh

Ang aga aga. Hahaha! Sige. Opo boss. 

Pagkatapos ko siyang in-text, kagad na akong nagbihis. Shorts at simpleng shirt lang tas nagconverse. Girl na girl nga ang dating ko e. XD

Eto namang boyplen ko, di pa ako nag-aalmusal igagala na ako agad. XD 

Makalipas ang ilang minuto...

Lumabas na ako ng kwarto. 

Nadatnan ko sila mommy na nagaalmusal,pero si Cors, ayun tulog pa. Simula nung dumating si Dad, tig-isa-isa na kami ng room, so di ko na siya kasama. Si Ken, gising na. Di naman ata nalelate yun e. XD

"Good Morning Princess." bati ni Dad sa akin. 

Lumakad ako papunta sa kanya, tapos in-kiss ko siya pati si Mommy, si Ken naman tinapik ko. 

"Good Morning." pagbati ko rin.

"Ba't ang aga mo anak? May lakad ka ba?" tanong agad ni Mommy. 

"Yes mommy. I do have. So..." sabi ko. 

"Sino namang kasam mo?" tanong naman ni dad.

"Si---" naputol ang pagsasalita ko ng biglang buksan ni Yaya ang pinto.

At nakita ko ang isang napakagwapong nilalang. 

Nganga. 

"Ohhhh. I see. Pinapayagan na kita princess." my dad said then he smiled. 

Lumapit si Neesh sa kanila at nagbless. 

"Good Morning hijo. Mukhang maaga yata ah?" my mom asked him.

"Good morning rin po Mom and Dad. Ahe, yayayain ko po kasi siyang mag-almusal e." sabay sagot naman niya.

Basa niyo yun? MOM and DAD daw? Sus, sanay ako diyan. 

"Owwww. I see. Yang si Kayla di yan mahilig sa Jollibee, KFC etchetera kapag breakfast. Gusto nan, lutong bahay talaga." sabay sabi ng mom ko. 

Ay nako. Malayo po yan sa katotohanan, malamang sa alamang, gusto ni Mommy na ipagluto ako nitong boypren ko. >.<

"Ahhhh. Ipagluluto ko na lang ho pala siya." sabay tumingin sa akin si Neesh ang he gave me a \totoo-ba-tong-sinasabi-ni-tita-ha?/ look. 

I nod na lang, then I forced a smile.

Nang tumingin kaming pareho kay Mommy, aba ang laki ng ngiti. Sus. Ang kulit talaga nitong mommy ko. 

"Mauna na ho pala kami Dad and Mom." paalam ni Neesh sa kanila at inakbayan ako. 

Nag-nod sila Mommy and Daddy. At ayun tumalikod na kami at naglakad na papaalis. 

"Hahaha! Ipagluluto daw ako o." asar ko sa kanya nung nakalabas na kami. Nakaakbay pa rin sa akin, kahit kelan talaga ang PDA nito. -.- 

My Worst Nightmare, Yet the Sweetest One. ♥Where stories live. Discover now