☆AM Special UD #5

13.5K 179 8
                                    

Special Update #5

   CLARISSE SHAINA • • •

"Mommy, Daddy, masakit po 'to oh." sabi sa'min ni Rhennan at tinuturo niya yung sugat niyang may band-aid sa tuhod.

"Bayaan mo lang, anak. Gagaling na yan." sabi ni Rhen. Inaasikaso naming mag-asawa ang bunso naming naka-confine pa rin dito sa ospital. Unang gabi namin dito ngayon.

"Palitan mo na kaya ng diaper si baby." sabi ko kay Rhen habang hinahanap sa plastic yung bagong biling diaper.

Lumapit ulit sa'min si Rhennan. "Mommy, Daddy, gugutom po ako." Hawak hawak pa niya yung tiyan niya.

Tinatanggal ni Rhen yung diaper ni Rhenisse, "Ah, kuya, may foods diyan sa table. Big boy ka na, diba? Eat by yourself muna."

Mukhang basa sa pawis si Rhenisse. "Daddy, pinapawisan na si baby. Baka lumalabas na yung init niya. Teka, kuha ako ng pampalit sa kanya."

"Ako na, babe. I-breastfeed mo na muna siya." sabi niya at tumayo na papunta sa mga gamit namin.

Kay baby ako nakatingin at naka-focus nang may marinig akong parang nalaglag na kung ano. Napabangon tuloy ako. Nailaglag pala ni Rhennan yung kinakain niyang Jollibee soup.

"Aish, Rhennan naman oh. Dahan dahan naman, anak." sita ni Rhen sa kanya at pinulot yung natapon. "Umakyat ka na sa kama. Wag kang malikot."

Tahimik naman na sumunod si Rhennan. Umakyat sa may paanan namin at doon naupo lang. Pinagmasdan ko siya. Mukhang nahihiya sa nagawa niya.

Nagkatinginan tuloy kami ni Rhen. Napailing ako. Huminga siya nang malalim at pinagpatuloy ang paglilinis.

"Bibili ako ng pagkain. Hintayin niyo lang." sabi ni Rhen at tumayo na. Kinuha niya yung wallet niya, hinalikan kaming tatlo, at lumabas na.

***

Nagising kaming mag-asawa nang may kumatok sa pintuan. Tumayo si Rhen at binuksan 'yon. Si dok pala.

Umayos ako ng upo. 

Lumapit yung doktor at tinignan si baby. Ini-stethoscope niya si baby at chineck din ang body temperature. "May lagnat pa rin si baby." sabi niya pagkatapos basahin yung thermometer. "Pero, ituloy lang natin yung medicines at yung gatas. I'm sure na gagaling na rin siya. Wala namang problema sa kanya lately, diba?" 

Umiling kami ni Rhen.

"Good." Napatingin si dok sa natutulog na si Rhennan. "Ang cute naman ng kuya."

"Nice genes po eh." natatawang sabi ni Rhen.

"O siya, I gotta go. I'll check her later. Just call us kapag may kailangan pa kayo." sabi nung doktor at umalis na.

"Ay, babe, pupunta pala sila Mama rito ngayon. Nag-text kagabi. Ngayon ko lang naalala." sabi ni Rhen.

Nagising na si Rhennan. "Mommy, Daddy," tawag niya sa'min.

Tumabi kami ni Rhenn sa kanya. "Good morning, baby. How's your sleep? Missed your bed at home?" tanong ng Daddy niya sa kanya.

He giggled softly nang yakapin siya ng Daddy niya. "Ihh, Daddy! Hihihi!"

Naglalambingan yung dalawa nang biglang umiyak nang malakas si Rhenisse. Napunta na naman tuloy sa kanya ang atensyon naming dalawa.

"Baka gutom na si baby." sabi ni Rhen.

"Magtitimpla ako ng gatas. Patahanin mo muna siya." sabi ko kay Rhen.

Nagtimpla nga ako ng gatas habang sinasayaw naman ni Rhen ang bunso namin.

ACCIDENTALLY MADE [COMPLETED]Where stories live. Discover now