☆AM 23

27.6K 322 21
                                    

Chapter 23

   CLARISSE SHAINA • • •

"Uh, Rhen," tawag ko kay Rhen na siyang bumasag sa katahimikan namin. Ang awkward naman kasi ng sitwasyon namin dito sa ospital.

Salitan kami ni Rhen na tinignan ni Glenn. "Nandito na si Rhen kanina pa?"

"Siguro nga. Kaya pala fishball daw ang bati sa'tin ni Clarisse," nakangising sabi ni Farah na tinutukoy ang dala-dalang fishball ni Rhen.

May hinala akong naghihinala na sila. Iisip palang ako ng palusot nang sagipin na kami ni Abi. "Mga echosero't echosera kayo! Ganito kasi 'yon ha... Kanina, inaya ko si Rhen na puntahan 'tong si Clarisse e kaso nga nagmamadali siya kanina diba?"

"E diba ikaw ang minamadali niya kanina?" nagtatakang tanong ni Glenn.

"Wait. Hindi pa kasi ako tapos diba?" mataray na sabi ni Abi, saka siya ulit nagkwento. "Minamadali niya ako kasi isa lang naman ang way ng pupuntahan namin. For short, may kanya-kanya kaming lakad at nagsabay lang kami."

Parang gusto kong tumawa. Best actoress talaga 'tong si Abi. Ang galing-galing gumawa ng kwento.

"At tungkol naman sa fish ball issue at presence ni Rhen ngayon," pagpapatuloy niya, "napaaga raw ang uwi niya galing sa pinuntahan niya kaya heto siya ngayon at pumunta. Tinext ko sya kanina na dalhan ng fish ball 'tong si Clarisse kasi nag-crave kaming mag-espren kanina. Ano? May itatanong pa ba kayo sa beauty queen?"

Nagsitanguan naman sila habang ako'y nagpipigil ng tawa. Tinignan ko si Rhen na lumapit sa'min at nakangiti.

"E, ano ba naman kasi 'yan?" natatawang salita ni Grace. "Ano naman kung bumisita rito si Rhen? Masyado kayong nag-iisip ng kung ano. Wala namang masamang maging concern sa isang kaklase't kaibigan, diba?"

Medyo malaman para sa'kin yung sinabi niya pero inignora ko nalang. Tama naman kasi siya, at isa pa, atleast naniniwala siya sa palusot ni Abi. Nagkaroon pa ulit ng ilang kamustahan at kwentuhan hanggang sa umuwi na sila pagdating ni Mama.

"Ang babait naman niyang mga kaklase mo, ano?" nakangiting sabi ni mama habang inaayos yung dala niyang pagkain para sa'min. "Lalo na talaga 'yang Rhen na 'yan."

Napangiti naman ako. Speaking of Rhen, biglang bumukas yung pintuan at pumasok siya.

"Rhen, ikaw pala," bati ni mama. "Akala ko umuwi ka na?"

Ngumiti rin si Rhen at lumapit sa'min. "Ah, hindi pa po. Nagpaalam naman na po ako kay mama. Pinauna ko lang po sila."

Nakangiti namang tumangu-tango si Mama. "Hindi nga pala nila alam ang kalagayan ni Clarisse." She paused. "E bakit ba naman kasi kayo naglilihim? I mean, dyan lang sa relasyon niyo."

"Ma naman," saway ko sa kanya. "Napag-usapan na po natin 'to, diba? Hindi po kami ni Rhen. Wala pong kung ano sa'min." Tinignan ko si Rhen. Nakangiti lang din siya at nakikinig.

Dito na rin sa ospital sabay nakikain sa'min ng hapunan si Rhen. Itong si Mama naman, enjoy na enjoy at pilit na ipinagpipilitan na maging kami na raw. Todo tanggi naman ako, habang si Rhen e tatahi-tahimik lang at nakangiti. Hindi ba siya tututol? Ano ba? Gusto rin ba niya?

Hay. Parang gusto ko ngang maniwala na.

"Clarisse!" Akala ko si Rhen lang ang nag-stay. Nandito pa pala si MJ. "Oh. Andito ka pa pala, Rhen."

"Uh, MJ, bakit ka ba nandito?" tanong ko. I suddenly felt awkward.

Nagliwanag ulit ang mukha niya. "Yung results ng entrance exam sa U.P., nilabas na! Delayed nga eh!"

ACCIDENTALLY MADE [COMPLETED]Where stories live. Discover now