☆AM 60

19.6K 249 14
                                    

Chapter 60

   CLARISSE SHAINA • • •

"Si Rhennan, Macey? Nasaan si Rhennan?" mangiyak-ngiyak at nagpa-panic kong tanong kay Macey. Gustung gusto ko na nga siyang sampalin. "Nasan na yung anak ko?"

"Calm down, Clarisse. Okay?" sabi niya kaya sinampal ko na siya.

"Calm down? Nawawala yung anak ko tapos kakalma ako?" inis kong sabi sa kanya. "Walangya ka, Macey. Nasaan na si Rhennan?"

She sighed. "He's not missing, okay? Kasama niya si Rhen. If you're not comfortable, call him."

Napakunot ang noo ko. Kasama ni Rhen si Rhennan? What? Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Rhen. Mabuti at sinagot niya 'yon. "Rhen! Si Rhennan?"

"Babe, kasama ko si Rhennan. Kinuha ko siya diyan kanina. Sorry, ha? Nagmamadali ako eh."

"Ano?" Parang gusto ko na ring mainis kay Rhen. "Bakit naman? Bakit di ka man lang nagpaalam? Rhen, nag-aalala ako."

"Okay lang si Rhennan, babe. Wag ka nang mag-alala."

"San mo siya dadal--"

"Kumalma ka, okay? Ayos lang si Rhennan. Sige na. Nagda-drive pa ako. Bye." He ended the call and I end up cursing him. Ano na naman ba ang trip ni Rhen?

Napabaling ang atensyon ko sa naiwang stroller ni Rhennan. May nakita akong isang papel na hindi ko napansin kanina. Out of strong curiosity ay kinuha at binasa ko iyon.

CLARISSE,

Wag kang mag-alala. Ligtas naman ang anak mo. Walang mangyayaring masama sa kanya. He's fine. Hanapin mo na siya. Hinihintay ka na niya... at ng magandang hinaharap na naghihintay sa'yo.

-ANONYMOUS.

Kumunot ang noo ko sa nabasa ko. What the heck is this? Anong sabi? Ugh! Anonymous? Hah. He's crazy.

Napatingin ako kay Macey. Sa itsura niya, mukha namang wala siyang alam sa nangyayari. "What's that?" Pinabasa ko sa kanya yung sulat. "I think you better go to... hm... Rhen's place? Ah, right. Ihahatid kita sa bahay niya."

Sakay sa sasakyan ni Macey, dumiretso nga kami sa bahay na tinutuluyan ni Rhen. Bukas ang pintuan kaya tumuloy kami. Tahimik sa loob at mukhang walang tao. Pinauna ako ni Macey na maglakad. Pumasok ako at nagsimula nang magtaka sa mga nakita ko sa sala palang. Ang dating blangkong pader ng bahay niya, puro framed pictures na ngayon. Ang mga pictures na 'yon ay puro pictures namin noon--noong wala pang kami or anything more than friendship. May mga class pictures, ilang shots naming dalawa, ilang mga kuha sa mga school activities, etc. Napansin ko ring nawala na ang couch niya. Instead ay may dalawang arm chairs na magkatabi ang naka-set up doon. Magkatabing arm chairs at may tig-isang notebook. Meron ding nakapatong na isang rose sa ibabaw. It made me remember the days na kung saan magkatabi kami ni Rhen noon sa school. Napangiti naman ako sa naalala ko.

Naglakad pa ako at mas nagulat pa ako sa nakita ko. Ang lakas maka-reminisce nung mga oras na gumawa kami ng project sa kanila. Nasa tabi rin non yung ginawa naming proposal at yung sinubmit naming folder. Meron ding mga teddy bears sa paligid--I guess kami ito noon. May nakita na naman akong nakaipit na papel doon. Kinuha ko 'yon at muling binasa.

CLARISSE.

Alam kong matalino ka kaya alam kong may idea ka na. HAHAHA. Hinihintay ka na ni Rhennan. Baka nakakalimutan mo. :)
P.S., sa tingin mo, saan ang susunod sa series? Alam kong alam mo. Bwahahaha!

-GWAPONG ANONYMOUS

Napangiti ako. Medyo nage-gets ko na.

Teka. Kasunod daw? Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ko sa mukha ko. Sira ka talaga.

ACCIDENTALLY MADE [COMPLETED]Where stories live. Discover now