☆AM 14

26.2K 325 13
                                    

Chapter 14

   CLARISSE SHAINA • • •

It's already Friday. Naglalakad kami ni Abi papunta sa sakayan ng jeep nang bigla naming makita si Rhen na nakatayo at tila may inaabangan.

“Oh,” biglang react ni Abi na halatang nag-uumapaw ng malisya. “I see.”

“Mm, Abi, Clarisse,” nag-aalangang sabi ni Rhen pagkalapit niya sa'min, "sama kayo? Kain muna tayo?” May pakamot-kamot pa siya sa ulo na para bang nahihiya siya. Eh? Bakit ang cute niya.

Tatanggi palang talaga ako nang biglang magsalita ‘tong si Abi. “Oh em! So talagang si Clarisse ang iniintay mo rito, ha? Pero talaga? Libre mo? O dali! Bongga ‘yan! Aarte pa ba kami?”

Ngumiti si Rhen at… hinawakan niya yung kamay ko! Kinuha pa niya yung bag ko! “Tara?”

Spell kinikilig. Ang sarap paghahampasin si Abi pero kinalma ko ang sarili para hindi mahalata ni Rhen. Nakakahiya naman kasi.

**

Oh-kay. Hindi ko namalayan na andito na pala kami sa Mc Donald’s. Hindi yata ako maka-recover sa paghawak ni Rhen sa kamay ko. Sana hindi nalang namin kinailangang magbitaw.

“Hmm, ano sa’yo Abi?” tanong ni Rhen kay Abi.

“Fries at coke float nalang," sagot ni Abi na halos maglaway na sa pagtingin sa mga kumakain dito, "pero kung bukal sa loob mo, dagdagan mo na rin sundae o kaya burger. Iyon ay kung okay lang naman." Pasaway talaga si Abi.

Sumingit ako sa usapan nila. “Ako nalang ang o-order.”

“Hindi na. Ako nalang," nakangiting sabi ni Rhen at nauna na sa counter.

“Wow ah? Hindi man lang tinanong kung anong kakainin mo?” pang-aasar ni Abi.

“Hmp. Ewan ko sa kanya. Tara na nga.” Hindi naman ako ang magbabayad kaya hindi na ako aarte pa.

Pumwesto na kaming dalawa.

“Haay, alam mo, girl, ang swerte-swerte mo rin ano?” biglang salita ni Abi. “Ang swerte mo kay Rhen. Akalain mo ‘yon. I mean, hindi ko ine-expect na magiging ganyan siya after what happened sa inyo. Hindi ko akalain na ganyan pala talaga siya ka-responsable at ka-caring.”

Napangiti nalang ako sa mga sinabi niya. Oo nga. Napakaswerte ko talaga para sa isang nobody na nagalaw lang ni Rhen dahil sa kalasingan at kapusukan.

“Sana balang araw makahanap din ako ng Rhen ng buhay ko," mala-nagdi-daydream na bulong ni Abi.

“Uy, bakit may kasama palang shokoy dito?” Kasama bigla ni Rhen si MJ pagbalik niya sa table namin.

“At bakit may unggoy kang kasama ah, Rhen?” mataray na tanong pabalik ni Abi.

“Ah, napadaan lang siya sa labas. Ayun, nakita ako. Nagpalibre,” sagot ni Rhen at umupo na sila—si Rhen sa tabi ni Abi na nasa tapat ko at si MJ sa tabi ko.

Then, there's silence. Nagkatitigan lang kaming tatlo. Biglaan. Oh-kay. This is awkward. Dahil hindi ko na kinakaya ang oh-so-nakakatunaw na pagtitig ng dalawang taong ‘to, ako na ang unang umiwas ng tingin.

Tumikhim si Abi na nakakaramdam na rin yata. “Ano? Kain na?”

“T-tara," sabi ni Rhen at nagsimula na nga kaming kumain.

Nilantakan ko na rin ‘tong chicken fillet na inorder sa’kin ni Rhen kahit na mas gusto ko pa rin yung fish ball sa labas ng school. Aish! Ang choosy ko na talaga sa pagkain. Mas madalas akong mag-crave sa mga pagkaing wala naman sa harapan ko.

ACCIDENTALLY MADE [COMPLETED]Where stories live. Discover now