☆AM 4

31.9K 366 10
                                    

Chapter 4

   CLARISSE SHAINA • • •

Hay, Clarisse! Bakit ka ba kasi nagpadala nung gabi na 'yon, ha? Oo, kaka-eighteen mo lang at nasa legal na edad ka na, pero mali pa rin 'yon!

Grabeng pagsisisi ang nararamdaman ko. If only I could bring back the lost time. If only I could undo my mistakes. Ang kaso, wala na. Nagawa na namin. Hindi na maibabalik 'yon.

Inabot ko yung phone ko na nakapatong sa may bedside table ko. Tinignan ko ang screen non: Monday. October 28, 2013. 4:47 a.m. Ilang minuto nalang, tutunog na ang alarm ko, at magiging hudyat na 'yon na ilang oras nalang ay babalik na ko sa school at magkikita na naman kami ni Rhen.

Napahigpit ang hawak ko sa celphone ko. Pinatay ko yung alarm na tutunog mamayang alas singko. Ayoko munang pumasok. Hindi pa yata ako handang makadaupang palad si Rhen. Binalik ko ulit yung phone at pilit akong bumalik sa pagtulog. Nakakapagod mag-isip at mamroblema.

Pinilit kong makatulog at makalimot pero hindi ko magawa. I'm drowning in deep regret and remorse. My mind is too occupied to sleep.

Maya-maya, ramdam kong bumukas ang pintuan. Pumikit ako at nagpanggap na tulog pa. Bahagyang lumubog ang kama sa tabi ko. May kamay din na humaplos sa noo ko. "Clarisse, may pasok ka pa." Si mama nga iyon. "Baka ma-late ka na naman."

"Mm, hindi po muna ako papasok, ma," sabi ko.

"Hindi ka papasok?" Nagulat si mama. Ako kasi yung tipo na hindi uma-absent kahit pa inaapoy ako ng lagnat. Sinapo ni mama ang noo ko. "Hindi ka naman mainit. May masakit ba sa'yo? Nung Sabado ka pa matamlay eh."

Umiling ako. "Ayos lang po ako, mama. Konting headache lang po talaga. Sige na po." Tumalikod ako sa kanya at tinakip hanggang ulo ang kumot ko.

"O sige. Papadalhan nalang kita kay Kyla ng Biogesic. Magpahinga ka na. Kapag may kailangan ka, kapag may masakit sa'yo, o kaya kapag may problema ka, tawagin mo lang ako, ha?" Naramdaman kong tumayo na si mama at lumabas na. Ramdam kong nag-aalala siya kanina.

I know na kailangan ko si mama. Kaipangan kong sabihin sa kanya lahat 'to. She's my mother... but at the same time, I don't want to diaappoint and hurt her. Mas lalo akong na-guilty sa pinaggagagawa ko. Naiiyak na rin ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung sino ang sasandalan at hihingian ko ng tulong. I know I'm the only one to blame. There's nothing I can do but to face everything. Come what may.

**

Buong araw lang akong nakakulong dito sa kwarto ko, patagong umiiyak, at nag-iisip. Four PM na nang i-check ko ulit ang phone ko. Eksakto namang nag-text si Abi sa'kin.

From: Abi
Ayos din kayo ni Rhen, ano po? Hahaha!

Kinabahan naman ako sa tanong niya. Posible kayang may alam siya sa nangyari? Ibig-sabihin sinabi ni Rhen? No. Hindi niya gagawin 'yon, syempre. Pero... Nag-reply nalang ako at tinanong siya kung bakit. I guess that's the safest reply.

From: Abi
Gaga 'to! Haha! Sabay naman tayo gumawa ng projects pero wala yung inyo ni Rhen. Tsk tsk. Goodbye honors na ba, beh? Aww! Haha jk lang! Hanggang bukas daw pero minus one :p Haha. Pumasok ka na. Imushe, beh! Yak. Haha.

Natawa na rin ako kahit papano sa kanya. Teka. Hindi nakapagpasa si Rhen ng project namin? Malamang distracted din siya kagaya ko. Now, it struck me. Pati studies pala namin ay madadamay. Ngayon palang, distracted na kami. Worst is paano nalang kami kapag nakarating sa school ang nangyari? Maki-kick out ba kami? Ugh. Of course they will not know.

Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang sarili ko. Bumangon na ako dahil wala na rin naman akong choice. I can't stuck myself in this problem forever. Kailangan kong mag-move on at harapin ang buhay, kahit sobrang natatakot ako sa mga posibilidad na pwedeng mangyari.

To distract myself, ako na ang gumawa ng project. Kumuha ako ng materials. Nagbukas ako ng laptop at nag-online. Nagbukas ako ng Twitter account ko, at nakuha ng isang tweet ni Rhen ang atensyon ko.

@RhenJvi: Ugh. Ang gago ko talaga.

Napahigpit ang hawak ko sa ballpen ko. Bigla na namang dumagsa ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko kanina. Naiiyak na naman ako. Nagsisisi rin malamang si Rhen. How could we gave ourselves to just somebody? I know na gusto--o mahal--ko si Rhen, pero mali pa rin. Siya naman? Alam ko namang hindi niya ako mahal--ni hindi nga gusto eh.

I heaved a sigh. Bukas, papasok na ako. Magkikita na kami. "Kaya mo 'to, Clarisse. Tiwala lang."

**

Kinakabahan ako nang pumasok ako sa classroom. Pakiramdam ko, alam ng bawat matang tumitingin sa'kin ang nangyari. Nahihiya tuloy akong magpakita sa kanila. Wala pa si Rhen pagkarating ko kaya medyo kampante akong naupo sa pwesto ko. Sana hindi siya pumasok. Katabi ko pa man din siya sa upuan.

Hindi natupad yung hiling ko. Dumating din kasi si Rhen. Nag-iwas nalang ako ng tingin. Naramdaman kong nilapag lang niya yung bag niya sa may tabi ko at saka agad na umalis. Nilingon ko siya at nakita kong masayang sumama kila Glenn.

Napahinga ako nang malalim. Hindi niya talaga ako pinansin. Ang sakit naman. Ganito nalang ba 'yon? Mag-iiwasan nalang ba kami?

Things still go. Nagklase kami kahit na hindi kami nagpapansinan ni Rhen. Ang awkward lang tuloy.

"Hm, where are the late projects?" tanong ni ma'am Samoa at nilahad ang palad sa'min ni Rhen kaya inabot ko yung project na ginawa ko. "Alin ba talaga diyan?" natatawang tanong niya pa.

Napatingin ako at may pinasa rin pala si Rhen. Binawi ko yung hawak ko. "Yung kay Rhen nalang po."

"Minus one na 'to, ha?" Kinuha ni ma'am yung project namin at umalis.

Nakahinga na ako nang malalim. That was another awkward move, and then same goes with the rest of the day. Ang hirap kapag nagkakahiyaan at nag-iiwasan kayo ng seatmate mo. Ni-hindi man lang kami makapagpalitan ng notes, makapag-exchange nang maayos kapag checking, at makapag-usap man lang. Parang may cold war na namamagitan sa'min. Ano bang magagawa ko? It's obviously the aftermath of what we did.

"Clarisse, gaga!" rinig kong tawag ni Abi. Uwian na rin kasi kaya nagpapaka-wild na naman si Abi. "Anyare? Tahimik mo yata? Ni-hindi ka bumaba kaninang recess. Wala tuloy akong naburautan." Ngumuso pa siya.

"Wala ako sa mood," walang gana kong sagot at niligpit ko na ang mga gamit ko. Mabuti talaga at wala na si Rhen. Makakauwi na rin ako.

Sinapo ni Abi ang noo ko. "Wala ka namang lagnat. Meron ka, ano?"

"Gaga," medyo natatawa ko nang saway sa kanya. "Sige na, mauna ka na. Kaya ko nang umuwi mag-isa."

"Ay? Nako, Clarisse. Itataya ko yung gwapo sa junior high dept, may problema ka, ano?" tanong niya.

Natawa naman ako sa kanya. "Wala akong problema, Abi. Sige na. Umalis ka na bago ko kunin ang pinusta mo."

Hinampas niya ako sa braso. "Ako pa ang niloko mo, gaga ka talaga. Ewan ko sa'yo. Basta, Clarisse, kapag may problema ka, pwedeng pwede mong i-share sa'kin, ha? Makikinig ako at dadamayan kita, kahit pa tatawanan lang kita sa umpisa."

"Thank you, Abi," sabi ko with so much gratefulness for having a concern friend like him.

**

Mag-isa akong bumaba ng building at lumabas ng campus. Uuwi na sana ako kaso natanaw ko si Rhen na papunta sa may annex kaya sinundan ko siya nang hindi nagpapahalata. Papaliko palang ako nang rinig ko nang may kausap siya. Titignan ko palang kung sino 'yan nang may humawak sa balikat ko. Si MJ pala.

"Grabe ka maka-ispiya, ha?" pang-aasar niya. "Si Rhen 'yon, di ba? Tsk tsk. Ikaw ha!" Talagang sinundot-sundot niya yung tagiliran ko.

"MJ naman!" saway ko at tinignan na si Rhen pero nakaalis na sila. Aish naman!

Tinawanan ako ni MJ. "Baka sinamahan na si Grace. Kilala mo naman yung dalawang 'yon."

Natahimik ako sa sinabi niya. Tinamaan at nasaktan kasi ako. Oo nga pala. May Grace nga pala si Rhen... yung original girl and love.

"Psh! Tara na nga!" Bigla nalang akong hinatak ni MJ. Hindi man lang pinansin ang pagrereklamo ko. "Ililibre kita ng fishballs! Hahaha!"

Ang masakit pa, ang friendship namin ni Rhen, nagkalamat na... all because of that night and our stupidity.

-TO BE CONTINUED

ACCIDENTALLY MADE [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu